Part 1

8 1 0
                                    

Kisses pov

Nandito ako ngayun sa classroom at katabi ko yung besty kong sobrang ingay, kalog, parang megaphone ang bibig minsan naririndi na sa kanya yung mga tao. Pero ako hindi kasi sanay na sanay na ako sa kanya

"Ang tagal ng prof natin no? 30 mins na syang late" sabi ni maymay sakin. Pero hindi ko sya pinapansin dahil sobra akong pagod sa taping namin na WALWAL na first movie at katambal ko nun si donny, sobrang caring nya, mabait, gwapo, yung killer smile nya nakakadala. Ngayun ko palang sya nakikilala kasi first time ko pumasok sa pagiging artista sabay makakasama mo mga magagaling. Gustong gusto ko kaya maging artista at hindi ko expected na si donny magiging partner ko pano ba naman matagal na rin syang artista no! Sabay ako first time palang sasabak. Saka fans ang nag request na kami ang magka loveteam, hindi ko nga alam bakit nakikitaan nila na may chemistry kami. Sobrang bagay daw kami sabi ng fans, ako hinahayaan ko na lang kasi doon masaya yung mga fans e. Kaya hindi ko sila hahadlangan

"Hoy!" Hampas sakin ni maymay sa braso. Sinamaan ko sya ng tingin

"Ano?"

"Sabi ko ang tagal ng prof natin"

"Gagawin??"

"Edi mag cacanteen tayo! Tara" sabay hila nya sakin palabas ng room. Ano bayan napaka hyper talaga nento ni maymay parang di nauubusan ng energy. Nakarating na kami sa canteen at wala masyadong tao, pano ba naman class hours palang naman

"Here na lang tayo umupo" sabay upo ko at tumingin sa bintana ng canteen grabe ganda talaga ng view dito, natatanaw mo yung field kunh saan makikita mo may naglalaro ng soccer. "Inorderan kits burger saka drinks" biglang lapag ni maymay ng mga foods sa lamesa namin.

"Thank you may" sabay kuwa nh drink at iniinom eto. Bigla naman ako tinitigan ni maymay na para bang hinuhubaran nya ako, charot lang!

"E ikaw ba hindi mo pa nagugustuhan si donny?"

"Nah, magkaibigan lang kami ni donny saka baguhan palang yung loveteam namin hindi tulad nila kuya ronnie saka ate loisa na matagal na"

"Oo nga may point ka pero pag tumagal yang loveteam nyo, pustahan tayo ikaw unang mahuhulog" nakakalokong ngiti ni maymay sakin. Inirapan ko na lang sya sa pinagsasabe nya masyadong advance mag isip tsk. May biglang umupo sa tabe ko at inakbayan ako at paglingon ko sobrang lapit ng mukha sya sakin. Si donny pala

"Hoy ano yan?" Paninira ni maymay ng moment. Inalis na ni donny yung pagtitig sakin at humarap kay maymay na naka ngiti "wala may ikaw lahat ng bagay nilalagyan mo ng malisya"

"Bakit aga nyo ata ngayun dito sa canteen" sabi ko sabay tingin sa kanya

"Inadjust yung luch break namin" sabi nya sabay kuwa ng burger kong hindi ko pa nakakagatan "penge ako ah"

Inirapan ko na lang sya at tumingin ule sa field. baguhan palang yung loveteam namin ni donny. hindi ko maintindihan bakit sobrang caring at sweet nya, kaya hindi ko alam kung ginagawa nya yun kasi magkalove team kami or what. Hinahayaan ko na lang sya sa ginagawa nya, loveteam lang naman to. no feelings attached promise

"Kisses sino maghahatid sayo pauwi?" Tanong nya habang kinakain nya yung burger ko, wow sarap na sarap namburaot pa ang loko

"Taxi siguro, why? Hahatid mo ako pauwi?"

"Oo hahatid sana kita if gusto mo lang naman"

"Go!" Nakangiti kong sabe sa kanya. Nginitian nya rin ako, ayan na naman yung ngiting nakaka tunaw pati kasi mata naka ngiti. Jusq po kaya ang daming nagkakagusto dito e.

"ay may pagsabay mag dadate kayo no?" nakakalokong sabi ni maymay samin. baliw talaga to anong date kaya pinagsasabi nento ni may, loka loka talaga to. "anong date ka dyan ihahatid ko lang si kisses sa kanila, ikaw talaga napaka malisyosa mo" sabi ni donny kay maymay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wings | DONKISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon