Fiona's POV
Malayo palang ay tanaw ko na ang taong naghihintay sa akin. Bumaling ako sa aking phone at kinompirmang tama ang lokasyon ng meet-up namin ng mag aabot sa akin ng product. Sumagi sa isip ko ang pinakiusap ng pinsan ko na si Hani. "Ikaw na please ang kumuha. Pag naka-benta ako, promise na promise ko sayo na sayo ang 50%."
Porket alam niyang need ko ang pera ay uutusan na niya ako. Pero wala naman akong magagawa at sa kanila ako nakikitira simula ng nawala na sa akin ang lahat. Pamilya ko, dahil sa Maguindanao massacre.
Sa mga hindi nakakaalam, ito rin ay tinatawag na Ampatuan Massacre. Sinasabi sa investigation na ang target ni Ampatuan(suspected) ay si Esmael Mangudadatu dahil nais nitong kumandidato sa eleksyon. Ngunit ang pinadala nito sa nasabing kandidatora ay ang anak at asawa nito. 58 na katao ang namatay (due to shooting) kabilang ang pamilya niya, supporters at mga journalists.Suportado ng mga magulang ko ang pamamalakad ni Mangudadatu, sa kasamaang palad ay nasama sila sa trahedya noong November 23, 2009. Kung saan birthday ko na kinabukasan. November 24 will never be November 24 without my parents.
Pumatak na pala ang luha ko sa kanang mata. Natawa na lang ako upang pigilan ang sakit na nadarama. Nagpasya na akong puntahan ang taong naghihintay sakin.
"Ikaw ba si Isaac? Ako ang pinapakuha ni Hani para sa ibibigay mo raw"
Tumingin muna siya sa paligid saka inabot sa akin ang isang kahon. Dahil sa curiosity ko ay inalog-alog ko ito. Marahas namang kinapitan ni Isaac ang kamay ko upang pigilan ako.
"HUWAG MONG ALUGIN, MAS MAHAL PA 'YAN SA ATAY MO!",gigil na wika niya sa akin.
Humingi naman ako ng tawad,"Pasensya na. Sige aalis na ko."
"Pakisabi kay Hani, ayusin niya trabaho niya. Dapat na siya ang kumuha kung ayaw niyang may madamay na iba"
"Anong ibig mong sabihin—"
Napalingon na lamang ako ng may kamay na umakbay sa akin.
"Myug ka munot salkami?(Would you like to come with us?)"bulong ng isang balbasing kalbo na naka-leather jacket.Napatingin naman agad ako kay Isaac ng may pagtataka. "Kasamahan mo?",tanong ko rito. Pero imbis na sumagot siya ay kumaripas ito ng takbo.
"Get him."kalmadong wika ng isa pang lalaki na makisig ang pangangatawan at may name tape sa kanyang green-army shirt.
"Yes,sir!!"sigaw nito. Pinakawalan ako ng kalbong lalaki ngunit marahan akong hinawakan sa balikat ng dumating. Sa pagkapit niya sa akin ay hindi na magkandamayaw ang aking sikmura. Nanginginig pa ang aking katawan sa kaba.
"Don't you know what's inside of this box? It's a bomb, my dear. Can I carry that for you?" Nanlamig ang buong sistema ko ng marinig ko ang boses niya. Boses lalaki. Boses masarap- pakinggan.
Kinuha niya sa akin ang kahon, ngunit hindi niya parin inaalis ang kamay sa aking balikat. "Let's wait for that coward to come back. Don't be afraid,we'll just ask you some few questions later. I know it's hard for you to be blamed out of this crucial state.",he said.
Napabilib ako sa mga sinabi niya. He knows what he is doing. And he knows that I have nothing to do with this bomb.
*Pop*
Tumunog ang phone ko. Kinuha ko at binasa ang message.
From: Hani.
Pakidalian mo, hinihintay na 'yan ng customer ko. Huwag mong bubuksan at sisirain ang kahon at ayaw nun ng hindi mukhang bago. Salamat!!!!!!!!
Pagkababa ko ng phone ko ay nakatingin na pala ang lalaking nasa tabi ko sa akin. Brown pala ang color ng mata niya. His eyelashes are long compared to mine. Magandang pagmasdan lalo na't makapal ang kaniyang kilay. Ang skin tone niya ay slight brown, moreno ito. Dahil na rin siguro sa init ng araw at palagiang pagkabilad dahil sa tungkulin. Pansin na pansin ang kanyang katawan, naging fit sa kanya ang kanyang army shirt. Doon ko nakita ng maayos at nabasa ang kaniyang apelyido.
Zamora.
"Can you tell us the location of this Hani? Makipagtulungan ka sa amin at mapapalangsala ka sa kasong ito. Hindi ba mas madali ang ganoon, Miss—"
"Miss Fiona, y-yun ang pangalan ko. Gagawin ko ang lahat para mapatunayang inosente ako. Saka hindi ko rin po alam na may illegal transactions pala ang pinsan ko. Kung gusto mo samahan na kita ngayon. Gagawin ko talaga ang lahat, para lang maging malinis ang pangalan at pagkatao ko. Tsaka, kung maaari sana....p-pwede bang huwag mo ako ikulong?"
"You have no paused. I think, I can't give you exemption. Lalo na't walang special treatment. On the other hand, I can make adjustments if you have claustrophobia.",he said.
"Simula pagkabata ko,takot na ako kapag kinukulong akong mag isa sa maliit kong kuwarto. Buhat ng wala na akong mga magulang, ang tiyahin ko na ang nag aalaga sakin. Kaso,lagi niya kong iniiwan sa madilim na espasyo. Nakakasuffocate, yung feeling na kung ano ano ang naiisip ko at sa mga mangyayari."
Bago pa makapagreact si Zamora ay dumating na ang sundalong kalbo kasama si Isaac. Hinahampas nito ang lalaki sa batok dahil sa halatang nahirapan sa paghahabol."Takte ka! Pinahirapan mo pa ako, titigil ka rin pala dahil sa may dumaang aso.",gigil na sigaw nito.
"That's enough, Santiago. You can get this bomb to the camp and put him on the investigation room. Fiona will lead me to her cousin." Agad na sumaludo si Santiago kay Zamora at sinunod ang utos nito.
Itinuro ni Zamora ang kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto. "Get in."
Hanggang sa nakaupo na ako sa passenger seat ay hiniram niya ang phone ko.
"Your phone. Let me borrow it for a sec."Walang ano-ano ay binigay ko agad ang phone ko gaya ng pakiusap niya.
Kita kong pinindot niya ang contacts at may nilagay na numero.
"Kaninong number yan?",tanong ko."Mine.", tipid niyang sagot pero pagtapos niyang lagyan ng name ang contact niya ng 'art'. He give my phone back and speak again. "I'll just stay in my car. You go to Hani and tell her that you have the box here. Then I'll try to catch her instantly. Copy?"
"Copy."
Mahigit 30 minutes ang byahe. Habang tinatanaw ang paligid mula sa labas ay bumaleng ang atensyon ko sa nagmamaneho.
"Art ba ang name mo?",out of nowhere kong tanong. Biglang lumabas sa bibig ko ang dapat ay nasa isip ko lang.
"That's my nickname. Arthuro is my real name. Arthuro—"
"Zamora."
"How did you know??"
"Hindi naman obvious sa name tape mo",pabiro kong sabi habang tumatawa.
Natawa na rin siya sa pagka-clueless niya."Yeah, my mistake. I could think that you're a spy. HAHAHA. Sa dami ng isipin and preparations for the bomb massacre and so on, I also forgot eating or remembering what I wear."
Lumiko na kami sa kanto at huminto na. Nasa tapat na kami ng bahay nina Hani, kung saan dito rin ako nakikitira. Luma na ang two-storey house ngunit maliwanag parin ang pintura sa labas. May sira na ang mga bintana at sarado ang pinto. Binuksan ko na ang pinto at palabas na ako ng may hinabol siyang habilin.
"Please don't run with her. I'll be waiting for you,Fiona."
-PMS
YOU ARE READING
Pick Me,Soldier
RomanceSypnosis: Surrounded by many challenges, Sergeant Arthuro Zamora encounter love in the war. Unbothered, he didn't realized he fell hard for this woman, Fiona Elenor Padrones,when he knew, he's engaged with his 3 years-girlfriend, Alisha Delahanty. H...