KAIBIGAN

65 0 0
                                    

A SHORT STORY! ♥ - 02

TITLE: KAIBIGAN

Magkakaibigan sina Jhay, Michael, at Kenneth simula pa nung pagkabata nila ay sila sila din ang magkakasama para maglaro ng kung ano ano at binuo ang pangako sa isa't isa na..

"WALANG IWANAN"

--> bakit walang iwanan?

Magkakasama kasi sila hindi lang sa saya kundi damayan rin sa kalungkutan ng isa sa kanila..

Madaming bumilib sa kanila dahil hindi nabubuwag ang kanilang samahan bilang

MAGKAKAIBIGAN..

College na sila ngaun, Same School ( S.T.I.) , Same Course ( I.T. )

--> Classmate nila si JOHN ang naging asawa ni Michelle sa Short Story na SAYO LAMANG..

Mahilig silang maglaro ng DOTA kaya naman sa twing pagkatapos ng kanilang klase ay pumupunta na sila sa TAMBAYAN nilang Computer Shop.. 

SIKAT SILA sa Computer Shop dahil sa Bihasa na sila maglaro ng DOTA, pustahan pa nga.. minsan TALO pero madalas PANALO..

Hanggang Dumating sa buhay nila si Anna..

Habang naglalaro sila ng DOTA ay may pumasok sa Computer Shop na isang Napakagandang Babae at pina upo ito sa tabi ni Kenneth dahil ayun na lang ang AVAILABLE para mag computer..

Lahat sila napatingin kay Anna.. 

--> Sino ba hindi mapapatingin kay Anna?

Si Anna ay napakaganda, Maalindog ang katawan at ang ganda pa nitong manamit..

Jhay: pare tanungin mo FB nya dali..

(pabulong kay kenneth)

Kenneth: (nag sign language ng "Wait")

TAHIMIK lang si Michael nung oras na yun..

NagfaFACEBOOK si Anna nung oras na yun, sinisilip naman ni Kenneth ng palihim ang FB ni Anna at dun nya nakita ang name ng dalaga at ang iba pang information..

NASIRA ang play nila sa DOTA dahil kay Anna kaya nagFacebook na lang sila..

Pag-Out ni Anna ay inadd agad nina Jhay at Kenneth ito sabay nagtakang.. 

Friend na ni Michael si Anna..

Kenneth: tol, friend mo na pala si Anna?

Michael: Oo nga ee.. d ko alam kung panu ko naging friend yan..

2nd girlfriend ni Michael si Anna (SECRET ON) at hindi rin nya pina alam ito sa dalawa nyang kaibigan dahil sa ayaw nyang magbago ang pagtingin ng dalawa sa kanya.

Matinong lalake ang pagkaka kilala ng dalawa sa kanya at first time lang nmn mag 2 timer ni Michael..

Napapadalas na ang pagpunta ni Anna sa Computer Shop dahil kay Michael.. hanggang sa nakipagkilala na si Kenneth sa kanya at naging kaibigan na ng buong Tropa si Anna..

Nagpasyang manligaw ni Kenneth kay Anna dahil Feel na nyang mahal na nya ito..

Nakipagbreak si Michael kay Anna dahil sa ayaw na nyang mag 2 time at dahil na din sa mahal na ni Kenneth si Anna..

Kaya agad sinagot ni Anna si Kenneth.. (PANAKIP BUTAS)

dumating yun araw na nahuhuli ni Kenneth na may katext o kausap sa CP si Anna at ito ang dahilan ng madalas na pinag aawayan nilang dalawa dahil hindi sinasabi ni Anna kung sino ito..

Hanggang humantong ito sa bistuhan..

Na ang Katext at Kausap ni Anna sa CP nya ay si Michael..

Sinugod agad ni Kenneth si Michael sa Computer Shop at agad itong Sinuntok..

Michael: Bakit tol? ANO PROBLEMA MO!

Kenneth: Mang aagaw ka tol! Kaibigan pa naman kita! AHAS!

Michael: Magpapaliwanag ako..

Kenneth: Hwag kana magsalita pa! PUTOL na ang pagkakaibigan nating dalawa.. Hwag na Hwag kana magparamdam saming dalawa ni Anna..

Hindi na napigilan nina Jhay at Michael si Kenneth na umalis kaya simula nun hindi na pinapansin ni Kenneth si Michael..

Pinag aralan ni Anna na mahalin si Kenneth ngunit hindi ito nagwork dahil sa mahal na mahal nya parin si Michael..

Kaya nagpasya syang makipag Hiwalay kay Kenneth. Sinabi nya kay Kenneth ang Lahat lahat na Si Michael ay Boyfriend na nya ng 6 months bago nung unang punta nya sa Comp Shop at sinabi din nyang nakipagbreak si Michael sa kanya dahil din kay Kenneth.

tinetext nya at tinatawagan si Michael para makipagbalikan ngunit ayaw na talaga ni Michael na makipagbalikan dahil sa mahal nya talaga ang first girlfriend nya at dahil din kay kenneth..

Natauhan si Kenneth nung oras na yun dahil sa mga nalaman nya kay Anna kaya nagpasya syang umalis na lang at magpahangin sa tabing dagat..

Nagtext si Kenneth kila Jhay at Michael para mag usap usap sila.. pumunta naman agad ang dalawa kay Kenneth.

Kenneth: Tol sorry sa nagawa ko.. pinutol ko ang pagkakaibigan natin dahil lang sa babae.. naging makitid ang isip ko at hindi kita binigyan ng chance para magpaliwanag..

Michael: sorry din sa inyo dahil nilihim ko ang relasyon namin ni Anna dahil sa ayaw ko lang magbago ang pagtingin nyo sakin..

Jhay: Wala dapat lihiman tol, kahit ano pa yan! para saan pa ang pagkakaibigan natin diba? magkakasama tau kahit sa kalokohan! :)

Kenneth: INUMAN NA TO!!! tapos mamaya DOTA NA!!!!

Michael: TARA! :))

Jhay: hahaha :D

------------------------------------------

A Friend - Kenohttp://www.youtube.com/watch?v=6CSepqN0WDc

------------------------------------------

THE END.

SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon