Denise's P.O.V.
After 3 days, bumalik kami ni Yssa sa school, at sa kabutihang palad, nakapasa kami. Kaya ngayon, papunta na ako sa campus. Since first day of school, hindi muna ako nag- uniform, kasi hindi pa naman daw nirerequire ang new students na mag uniform. Gusto ko mukha akong presentable today kasi nga diba, first impressions lasts. Sinuot ko ang dress na binigay sakin ni mommy nung 16th birthday ko. Kaloka, kinakabahan na ako! Parang lahat nung kinain ko kaninang umaga lalabas ulit sa bibig ko. Sino kaya yung mga magiging classmates ko? Sana naman magka-classmate kami ni Yssa. Naku! Hindi na ako magugulat kung may mga estudyanteng kung maka-asta eh akala nila anak sina ng Presidente ng Pilipinas. Duh! Pare-parehas lang naman binabayad namin na tuittion fee. Eh wala tayong magagawa, ganyan ang buhay, parang life. Sus, kaya ko to, ako pa. Kaloka!
"Eto na ba yun? Kaloka san ba dapat pumunta yung new students?" Habang kinakausap ko sarili ko, may nakita akong ate guard. Hmm, matanong nga.
"Uhmm hi po! Ate san po ba dapat pumunta yung mga new students?" Sabi ko, pa-shy type pa ako.
"Ah. Punta ka muna sa student affairs office, may magtuturo sayo kung san ka dapat pumunta. Ayun lang yung office, diretso hanggang sa pinaka dulo tapos kaliwa." Turo ni ate guard, with matching actions pa!
Nagpasalamat na ako kay atey tapos pumunta na sa office. Kaloka ang laki pala ng campus dito! May football field pa! Anyways, narating ko na ang pinaka dulo, at naka bawas na ako ng 5 pounds. Grabe naman! First day na first day pawisan na agad ako. paano kung may hot guy sa paligid?
Speaking of hot guys, "Huy girl! Denise~" Bwiset sigaw ba naman pangalan ko!
"Hoy Johnny, ano ka, taga bundok?" Kaloka, binatukan ko nga.
"Excuse me, it's Yssa, not Johnny. At ikaw rin kasi, ang bingi mo! Ano ka ba kanina pa kasi ako tawag ng tawag, di ka naman nalingon, sabay na kasi tayo sa student affairs office."
Nagsabay na kami papunta sa office, hanggang marating na namin. Sa wakas!
"Yssa, ikaw kumatok! Bilis!" Sabi ko sabay tulak sa kanya papalapit sa pinto.
"Ano ba, ikaw nauna, ikaw nalang"
"Tsk. Arte mo. Bilis na kasi!"
"Denise, ano ba ikaw nga mas maarte diyan eh. Ikaw na kasi!"
"Johnny, sige na buksan-"
Sabay kaming napalingon sa tao na nagbukas ng pinto mula sa loob. Oh My Gosh, hindi ko alam, nag-migrate na pala ang mga anghel sa lupa. Di ako nainform, kailan pa?
"Oh, you must be Denise Marquez and Johnny Reyes?" Sabi ni Mr. Angel.
Hindi na ako naka-sagot. Naputol na ata dila ko di nanaman ako informed.
"Silence means yes. It's good that hindi ko na kayo kailangan hanapin, you came just in time." sabi ni cutie.
"Yes, tama ka, I came just in time. Oras na para makilala ko ang tadhana ko!" Sagot ko kay cutie.
Wait. Sagot ko, as in? Ako as in me? Oh my freaking gosh!"Huh?" Tanong ni cutie (kahit na medyo napahiya ako, cute parin siya)
"Ah, ang ibig sabihin nitong kaibigan ko, na tamang tama ang dating namin para makilala ang tadhana namin, ang school! Diba Denise?"
Tumango ako agad at pinasalamatan ko si Yssa. Mentally. Baka ano nanaman masabi ko."Okay then, pasok na kayo, may ibibigay sa inyo si Ms. Mendez, tapos I'll show you guys around. I'll just wait outside." Sabi ni cutie habang pinagbubuksan niya kami ng pinto. Kaloka, cute na nga, gentleman pa!
Pagpasok namin sa office, may isang babae, maybe in her mid 40s, na mukhang elegante. Aba, sosyal ang school na ito ahh?!
"Uhmm, Goodmorning po! Kayo po si Ms. Mendez diba? New students po kami, itatanong lang po sana namin kung saan kami dapat pumunta." Ako na nagtanong niyan kasi baka mag-away pa kami ni Johnny
"Ah, yes I've been expecting you. In fact pinahanap ko na kayo para hindi na kayo mahirapan sa first day niyo. Ito pala ang school map, at diyan niyo rin mahahanap ang classrooms niyo."
Inabot niya samin yung parang flier na agad na namin tinignan. Grabe naman, ganun ba kalaki tong school na to na kailangan na ng mapa para mahanap mo yung mga lugar?!
"Diba Grade 11 na kayo?"
Sabay kami tumango ni Yssa. May inabot samin na papel si Ms. Mendez. Ano kaya to??"Yan ang magiging section niyo. Kung may kailangan kayo, balik nalang kayo dito. Thank you!"
Nagpasalamat na kami at lumabas sa office ni Ms. Mendez. Pag bukas namin ng pinto, nakita ko nanaman si Mr. Angel. kaloka muntik ko na makalimutan, i-tutour niya kami sa school! I'm so excited!!!
"So Grade 11 na pala kayo? Ayos! Magka-batchmates pala tayo eh! Anong section niyo?"
Tinignan na namin yung papel, nakalagay: Denise Marquez - 11- Uprightness.
"Uprightness ako. Ikaw Yssa?"
"Tsk, sayang girl di tayo magka-section. Happiness ako eh." sabi ni Yssa na mukhang aso kaka pout.
"Wag ka mag-alala, Happiness din ako. So, tara na?" Sabi ni Mr. Angel na kasalukuyang naka smirk.
Ang Kyot 🙀 Teka, ano nga ba pangalan niya? This is going to be fun!!
***
[A/N]
Hi! Hahaha ang kyot ni Henry *.* Please comment about my story hahahaha. Thank you! Enjoy reading!!
BINABASA MO ANG
12 Signs
Teen Fiction"Kapag ba binigyan kita ng dream catcher, magiging akin ka na?" Hmm, Sign # 3 - Kapag binigyan ako ng guy ng dream catcher, destined na kami. "Huh? Bakit naman?" "Eh kasi pag naging akin ka na, parang na-catch ko na din ang dreams ko." *** Oo. Alam...