New school, new life

73 3 0
                                    

Denise's P.O.V.

Haayy, malapit na ang pasukan, which means papasok na sa school, which means enrollment. Kaloka eto nanaman ako, lilipat nanaman ng school. Eh parang tuwing school year, hindi lang yung materials ko yung bago sakin, pati yung school mismo. Tutal medyo may alam naman ako, madali ako nakakapasok sa iba't ibang schools. Parang sisiw na nga sakin yung pag-enroll. Pwede ko na nga yata ito ilagay sa resume ko eh; Experienced in school enrollment.

Bakit nga ba ako parang kabute na palipat lipat ng school? Eh yung papa ko kasi, kung saan siya inassign ng boss niya, dun siya pumupunta. Alangan naman mag-paiwan kami, kaya no choice, sasama kami. KAHIT SAAN.

St. Joseph Acedemy.

Pumasok na ako sa school, at hindi naman ako nahirapan hanapin yung Registrar at Information.
"Uhmm, hello po! Mag-iinquire po sana ako sa school niyo. Magkano po ba yung tuition fee dito?"

"Isang bagsak mo ba babayaran, o monthly?" Sabi ni Ms. Registrar/information

Monthly, malamang. Hindi namin kaya ng isang bagsak! Kaloka.

"Ahh. Monthly po."

"Kung monthly, 10,000 na down payment, tapos 5,000 per month, for 4 months."

30,000 lahat. Kaya yan!

"Ahh. Sige po. Mag-eentrance exam na po ako." Kaloka ang bilis ko talaga magdesisyon. Eh wala eh, May na eh.

Tinuro na sakin ni Ms. Registrar yung testing room. Medyo malapit lang naman. Mukhang malaki yung room!

Pagdating ko sa loob, andun n yung parang test facilitator sa loob. Meron ding lalaki dun na naka-upo sa armchair. Kaloka nga eh, parang pina-face the wall. Nakakdepress naman mag-exam dito! Naka harap sa plain, cream wall.

Pero sa gitna ng aking mental talk, yung guy parang oasis sa isang dessert! Kaloka likod palang alam mo nang gwapo siya! Tapos ang linis niyang tignan. Totally my type! Ayos pala dito sa St. Joseph eh.

Haay, nag-iilusyon nanaman ako. Pero dahil friendly ako, "Hi! I'm Denise Marquez. Ikaw, ano name mo?"

Alam mo yung moment na habang tumatalikod yung bidang lalaki sa isang teleserye, may wind effect at may biglang parang ang liwanag ng aura niya, ito yun eh! Omigash what's happenin'? Ito na nga ba ang simula ng forever ko?!? Kuya, ikaw nga ba si Mr. Right?

"I'm Johnny Reyes." Sabi ni Mr. Right

Palapit siya sakin ng palipat, parang hahalikan ako. Pipikit na sana ako kaya lang,

"Yssa nalang 'te!" Putakte, hindi talaga ako pwedeng magka-pantasya sa isang lalaki. Kung hindi taken, bakla naman. Asan na yung sinasabi ng iba na maraming lalaki diyan? Asaaan?

Tama na ang kaartehan, at mag-eexam na ako. Nag-explain na yung facilitator. 80 items yung test, na good for 1 hour lang. Since incoming Grade 11 na ako, medyo komplikado yung mga tanong. Medyo pinawisan ako ng mga 3 patak. Yan ang hirap sa laging nag-tatransfer eh. Yung ibang school, usad pagong kung mag-turo. Pero anyways, kaloka nakaka-distract to si Johnny. Ay Yssa pala. Nalaman ko din na magkabatch-mates kami. Kaloka isa pa yun sa dahilan ng paghihirap ko sa exam! Hahahaha ang daldal niya.
After 1 hour, bumalik si Ms. Manahan, yung nag-facilitate ng test. Guidance councilor din pala siya sa school. Kinuha na yung exam sheet pati yung test booklet. "Balik nalang kayo after 3 days, tapos dun niyo palang malalaman kung pasado kayo o hindi. Thank you!" Sabi ni Ms. Manahan.

Habang inaayos ko yung mga gamit ko, bigla akong kinalabit ni Yssa.

"Girl, since batchmates naman tayo, maghang-out muna tayo. Malay mo magka-classmate pala tayo, may instant friend na ako!" Sabi ni Yssa na may halong pag-alog sa balikat ko.

Hayy. Kahit bakla to, papatulan ko to eh.

***

[A/N]
Hello! Thank you for making time to read my story! Ito yung unang story na nagawa ko ever 😳. The picture above is Jonathan Groff, sa Glee siya galing. Ang pogi niya sana di nalang siya gay! Anyways, naispire ako sa We Got Married!! Ang cute ng couples eh! Anyways, enjoy! 😘

12 SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon