Aemie Ferrer-Roswell's POV
Bahagya kong iniangat ang mga damit na hawak ko para ipakita kay Zeke. "Dong, ano sa tingin mo ang mas maganda? Itong pink, fuschia pink, light pink or ito kayang mas light pink pa?" tanong ko sa kaniya.
Ang hirap naman kasing mamili. Huhuhu!
Buti pa 'tong si Zeke, pa-chill-chill lang doon sa may office table at nagtatrabaho gamit ang laptop niya. Nag-iimpake kasi ako ngayon ng mga damit at maging mga damit ni Zeke ay ako na rin ang nag-impake dahil ayaw niya pang asikasuhin. May pagkatamad din talaga 'yang si Zeke kung minsan pero iniintindi ko na lang.
Saka isa pa, excited na ako 'no! Aalis na kasi kami bukas para sa—ehem!—honeymoon namin! Hihihi.
Sa sobrang pagkasabik ko nga ay parang gusto ko na lang kuhanin lahat ng damit ko sa closet at ilagay dito sa maleta para marami akong outfit pero s'yempre, hindi pumayag si Zeke. Tig isang maleta lang daw ang dadalhin namin para hindi kami mahirapan at doon na lang mamimili ng mga damit kung sakaling kulangin kami.
Saglit na lumingon sa akin si Zeke kaya ngumiti agad ako nang malapad. Hindi kasi kaagad siya makasagot. Naiintindihan ko naman siya kasi katulad ko, siguro nahihirapan din siyang pumili. Lahat naman kasi talaga magaganda pero—
"They're all pink, wife," sagot niya.
Anong lahat pink? Bulag ba 'tong si Zeke? "Hindi, Zeke, magkakaiba sila. Tingnan mo, itong isa ay fuschia pink, itong isa naman—"
"They are all pink to me," sabi na naman niya tapos tumalikod na. Bastos talaga minsan kausap 'tong si Zeke, hindi pa ako tapos magsalita, eh.
Hay! Ano ba naman 'to! Ano kayang dadalhin ko sa mga ito kung lahat naman sila ay magaganda?
Hay, hayaan na nga! Imbes na tanungin pa ulit si Zeke ay itinupi ko na lang nang sobrang liit iyong mga damit at nilagay lahat sa maleta para dalhin lahat. Ang galing ko talaga! Sana lang hindi mapansin ni Zeke.
Saka hindi ko pa rin naman kasi alam kung saan kami pupunta ni Zeke kaya hindi ako sigurado kung ano ang dapat dalhin. Ang sabi niya kasi sa akin ay siya na ang bahalang pumili ng lugar kung saan kami magha-honeymoon kaya mas okay nang handa ako sa mga isusuot ko.
Noong una pa nga ayaw ni Zeke na pumayag na mag-honeymoon kami. Dahil sabi niya...hmm... ang sabi niya hindi ko pa naman daw kasi naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng honeymoon.
Pero s'yempre maling-mali naman si Zeke sa part na iyon dahil hindi niya alam na bago pa kami ikasal, e, na-research ko na ang tungkol sa honeymoon.
Pero...
Omygod!
Mabilis kong nilingon si Zeke na ngayon ay abala sa ginagawa niyang kung ano sa harap ng laptop niya.
Bigla ko lang kasing naisip na... hindi kaya napilitan lang si Zeke pumayag namag-honeymoon kami ulit?
Kasi no'ng una hindi naman siya talaga interesado, pero dahil napanood ko sa youtube na kapag bagong kasal ang mag-asawa ay normal na nagha-honeymoon ay talagang nag-isip ako ng magandang excuse para mapapayag ko siya.
Hala! Kaya ba hindi niya ako tinutulungang mag-impake ngayon ng gamit namin dahil hindi naman siya interesado talagang umalis? Huhuhu!
-
"Yo Mr. Roswell, yo Aemie!"
"Hi boss. Hi Ms. Aemie."
"Yo bossing, yo Ms. Aemie."
"Yo boss. Yo Ms. Aemie."
"Hi, Kaizer! Hi, Sebastian! Hi, Vash! At hello, Jacob!" bati ko sa kanilang apat nang salubungin namin sila ni Zeke.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Mafia Boss (Season 1 Bonus Chapter)
RomanceSince I have been getting quite a few requests, it is easy for me to understand that you all, Mafias, would like to read a bonus chapter of Aemie and Zeke's story. As promised, here is the chapter from our Kumu live on July 26th, during which we col...