Kabanata 20 : El Amor Duele

21 2 0
                                    

"PORTRAIT of Laureana Novicio y Ancheta," pagbasa ni Enrico sa pangalan ng obra at mangha na tumitig doon. "Naipinta sa taong 1897..."

"Totoo lahat ang nakikita mo, Ginoo. Ito ang dibuho ni Laureana na ipininta ni Juan Luna sa taong 1897 upang pasasalamat para sa ina," dugtong ni Krayola sa kataga ng binata. "Sa pagkakaalam ko ay ito lamang ang dibuho na natitirang mayroon ang Pilipinas sa dakilang Ginang."

"Hinahangaan ko talaga si Ginoong Juan Luna, Binibini. Isa siya sa mga iniidolo ko kaya ko pinili na maging isang pintor," ani Enrico habang nakatingin sa obra ni Juan Luna. "Sa edad na biente-otso ay nasungkit nito ang gintong medalya sa Madrid. Ang obra na Spolarium ang ginamit noon ni Juan Luna sa eksibisyon sa Madrid para umani ng tatlong medalya at makakuha ng pinakamataas na pagkakakilala sa mga kritiko. Naalala ko pa na ako lamang ay labing-tatlong taong gulang nang mangyari iyon. Maliban sa aking pamilya, si Juan Luna ang aking naging inspirasyon para tahakin ang larangan ng sining. Sa pagkakaalam ko, magaling din na pintor  ang kapatid nitong si Manuel Luna, ngunit mas pinili nitong pag-aralang ang musika kaysa sa pagpipinta. Isa lamang akong hamak na tagahanga ngunit dahil sa kay Ginoong Luna ay ninais kong maging isang pintor. Isa siya sa mga pinapasalamatan ko dahil nilinang ko ang kakayahan dahil kaysa pumasok sa pulitiko gaya ng gusto ng aking ama."

"Itong obra na ito ay ipipinta niya sa taong 1897, Ginoo. Sa oras mo ay marahil nagsisimula pa lamang si Juan Luna na ipinta ang obra na ito," wika ni Krayola para mapatingin sa kanya si Enrico nang mapagtanto nito ang tungkol doon. "Kung makakabalik ka sa oras sa nalalapit na ikalawang duyog, nanaisin mo ba na mapanood siya habang ipinipinta ni Juan Luna ang ina?"

Nag-isip nang saglit si Enrico. "Wala naman masama kung hahangarin ko iyon. Katunayan ay ikakagalak kong mapanood ito habang nagpipinta dahil isa iyon sa mga minimithi ko kahit noon pa man. Ngunit habang napapanood ko kung gaano ito kaganda ngayon sa hinaharap, sa taong ito na halos siglo na ang nakalipas sa aking oras, hindi ko na kailangan pang gawin iyon. Masilayan ito ngayon pa lamang, ipinagmamalaki ko na siya ang pinagkuhanan ko ng inspirasyon."

"Gusto mo bang magkaroon ng karagdagang kaalaman patungkol kay Juan Luna?" tanong ni Krayola para biglang mawalan ito ng kataga. "Sasabihin ko sa iyo kung gusto mong malaman."

Enrico glanced at her with curiosity so she took that answer as a yes.

"Marami siyang napagtagumpayan noon, oo. Magaling itong magpinta. Gumuhit. Hindi makakaila na isa ito sa pinakasikat na pintor dito sa pilipinas kasama na si Felix Hidalgo na sa pagkakatanda ko ay kaibigan rin ni Juan Luna. Ikaw ay limang taong gulang pa lamang noong magsanay siya sa pagpipinta. Naipikita nito ang aking galing sa Roma noong ikaw pa lamang ay pitong taong gulang. Nang ikaw naman ay tumuntong sa edad na sampu at si Juan Luna ay treinta-tres, nanalo ito ng pilak gamit ang kanyang obra na La Muerte de Cleopatra. Simula noon ay sumikat si Juan Luna sa kanyang angking galing sa kabila ng pamumuno ng Kastila sa Pilipinas noon..."

Tahimik lamang si Enrico bilang pagpapahiwatig na ito ay nakikinig sa kanya.

"1897, ang taong ng paghihimagsikan. Isang taon mula sa iyong oras, Ginoo. Maraming nangyari sa taon na iyon. Agawan ng kapangyarihan. Pagkakanulo. Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang sangay ng Katipunan kung sino ang mamumuno sa lugar na ito hanggang sa dumating na sa punto na sa halip ay magtulungan para sa Pilipinas, naging agawan sa kapangyarihan ang nangyari. Nanaig ang inggit at kasakiman noon. Nabulag ang mga tao sa kapangyarihan. Nakalulungkot dahil noon pa man ay uso na ang pandaraya..." kuwento ni Krayola at napaismid.

Nanatiling tahimik si Enrico habang nakatayo sa harap ng obra ni Juan Luna.

"Ayokong ikuwento sa iyo ang lahat ng nangyari dahil alam kong malalaman mo iyon sa takdang panahon... kapag bumalik ka na sa taong kung saan pa nagsisimula nang paghahanda ang mga Katipunan sa paghihimagsikan laban sa mga Kastila. Sinasabi ko ito sa iyo ngayon para hindi ka na magulat sa mangyayari sa iyong hinaharap, Ginoo. Kagaya ng sabi mo, may katapusan ang buhay ng tao. Ganoon din ang nangyari kay Juan Luna sa taong 1899..."

Arts and GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon