| days gone by and tonight |
𝐇𝐀𝐕𝐈𝐍𝐆 a happy and complete family is something that makes my whole existence contented. Hindi gan'on kayaman at hindi rin maituturing na dukha. Isang payak na pamumuhay lamang at higit sa lahat ay puno ng pagmamahalan.
"Oh‚ here comes our little princess." I was yawning when I entered our kitchen. Mama and Papa's already there‚ preparing for our breakfast.
"Ang aga-aga mo naman‚ nak. Namamahay ka pa rin ba?" Mama asked. I was about to response with Mama's question when Papa suddenly spoke and meddle.
Pabirong tingin ang ibinigay nito saakin‚ "Or maybe she's still thinking about that young guy yesterday‚ hm." he stop cutting vegetables and started to tease me.
"Ang tapang nung Vitt na 'yon 'nak ah‚ ilang araw pa lang natin kilala pero pumo-porma na. Do you have a crush on him?" he giggled with what he said‚ he's always like this.
"Papa!" I shouted. Tuwang-tuwa talaga siyang inaasar ako.
Biglang umiyak si Raneah mula sa aming kwarto‚ nagmadaling pumunta roon si Papa at iniwanan ang kaniyang ginagawa.
Pabagsak na umupo ako malapit kay Mama‚ "Ma‚ bakit po ba kasi kailangan nating lumipat ng tirahan?" nagpatuloy siya sa paghalo ng kaniyang niluluto.
She then poked my nose‚ "Honey‚ it's a very complicated thing for you to understand. Let's just settle here and start a new life‚ okay?" I slowly nod my head.
Dumating si Papa na buhat si Raneah‚ she's my younger sister. Pinaupo niya ito sa mesa‚ siguro namamahay rin ang kapatid ko.
Dating police detective si Mama habang isang prosecutor naman si Papa‚ nagtataka pa rin ako kung bakit kailangan naming iwanan ang pamumuhay namin sa Maynila at magsimula ng bagong buhay rito sa probinsya.
Wala namang problema‚ wala nga bang problema?
𝐈𝐒𝐀-𝐈𝐒𝐀 kong dinidiligan ang mga halaman ni Mama habang binabantayan si Raneah. May pupuntahan lang daw sila ni Papa at hindi na namin kailangan pang sumama dahil bawal ang mga bata roon.
"Pssst!" napabalikwas ako sa aking narinig‚ salubong ang kilay kong lumingon dito.
Si Vitt na palaging inaasar saakin ni Papa.
"Bata‚ anong pangalan mo?" hindi ko ito inimik at bumalik sa aking ginagawa.
Kamot-ulo itong umalis‚ akala ko nakaalis na hindi pa pala. Kinakausap ang kapatid ko.
"Anong tinitingin-tingin mo riyan?" nakapamewang na tanong ko rito.
"Wala‚ uhm mafia ba ang mga magulang mo?" mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Vitt.
"Siraulo ka ba? Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?" sunod-sunod kong tanong na nagpaimpit ng kan'yang tawa.
What a creepy kid.
"Let's go‚ Neah." inalok ko na lamang ang kapatid ko na pumasok sa loob ng aming bahay.
We had only taken a few steps when he spoke again‚ "May mga lalaking umaaligid sa bahay niyo simula no'ng lumipat kayo riyan..." he uttered.
Sa puntong ito ay seryoso na ang kan'yang mukha‚ nagsasabi kaya siya ng totoo?
Time runs fast.
My days and nights were full of joyous memories‚ I started embracing those changes. Coping with our new lives‚ meeting new friends‚ gaining more hopes‚ and pursue dreaming.
A twelve-year old amiable Riella Albertein is appeased with what she had‚ immensely satisfied with the new environment with her family has provided.
We are happy family‚ sa murang edad ko ay wala na akong nais pang hilingin dahil makita ko lamang na sama-sama kami at masaya ay kontento na ako. Wala na akong mahihiling pa.
Not until‚ a fastidious nightmare occured.
Tatlong malalakas na katok sa gitna ng madilim na gabi ang sunod-sunod na tumambad saamin.
Dreadfully unexpected evilness.
"Ma‚ Pa-" I was about to open my room's door when Mama came.
Dala niya ang isang backpack‚ "Anak‚" her tone's shaking.
"Listen‚ Riella. I know how smart you are‚ go to Raneah's room and leave this house. Use our backdoor‚ honey." hindi ko maintindihan‚ muli kong kinusot ang mata ko‚ nagbabakasaling panaginip lamang ito.
"Ano pong nangyayari‚ Mama?" sumulpot si Raneah mula sa isang sulok.
"Ayessa..." tawag mula sa hindi ko kilalang tinig‚ he's kinda like playing hide and seek with his tone.
"Pa!" mula sa salas ay nakita ko ang tahasang pagtulak ng isang armadong lalaki kay Papa.
"Gael!" sigaw naman ni Mama‚ kasunod no'n ay ang sunod-sunod na pagpasok ng ilan pang nakaitim at takip mukhang mga kalalakihan.
"Tumakbo na kayo‚ magkikita-kita tayo‚ pangako." Kapwa niya kami ginawaran ng halik bago tuluyang hinarap ang mga nanakit kay Papa.
Namimilipit man sa sakit mula sa pagbagsak ay nakita ko ang pagsaludo ni Papa saakin‚ bagay na palagi niyang ginagawa sa tuwing kailangan ko ng motibasyon.
Bago ko pa tuluyang sagutin ang pagsaludo ni Papa ay bumagsak na ang aking mga luha. Nanginginig na ako pero mas kailangan ako ng kapatid ko. Before fadin' in that gloomy dark night‚ I saw Mama trying to get her gun‚ Papa trying to escape from the arms of those men.
Isang lalaki ang humahalakhak na pumasok‚ gusto kong sumigaw‚ gustong gusto kong iparinig ang karimlan ng aking puso ngunit tinakpan ko na lamang ang aking labi.
"Ate‚ saan tayo pupunta? Nakakatakot‚ baka may monsters."
Nang makapuslit mula sa likurang bahagi ng aming bahay ay nakita ko pa ang walang habas na pagtadyak at sampal sa aking mga magulang ng isang lalaki na tila ba siyang pinuno ng grupong 'yon.
Hanggang sa huling sandali ay pagdaloy ng mga dugo mula sa kanilang mga bibig at sugat ang siyang naging sanhi ng pagkadurog ng aking puso‚ hindi ako makapaniwala. Hindi ko kailanman sila mapapatawad.
"Ma..."
"Pa..."
An insane fire triggers my heart to burn from sorrow‚ we were so innocent for this‚ we were so young to witness this horrible crime. I was so naive to save them‚ I was muddled between running to escape and trying to ask for help. But, I'm lost enough to handle everything.
Madilim na kahapon ang nagpabago sa buong pagkatao ko‚ nagtanim ako ng galit at patuloy na inaasam ang katarungan. Those wounds of my past have been engraved in my heart. Too young to think of vengeance but as what I've witnessed‚ those men in that tragic night‚ wielding knives and guns‚ killed and tortured my parents‚ blatantly put the unfair crime in their hands.
As I lay all the plans and goals on my table‚ all I can assure to myself and to my deceased parents is that I'll let those men suffer in their own taste of hell.
_____
YOU ARE READING
GOAL DIGGER
RomanceShe will never stop climbing‚ reaching for what she aims. She will never stop dreaming 'til her goal fires up into the room of darkest uncertainty. An oppressed woman seeks revenge in her ruthless and nasty ways. Who pulled the trigger? Riella Alber...