Eto na po /le pouts/ Na-writer's block syndrome si ako eh. Mga Four days lang naman? Ehehehe. Kaya kung maari ay pagpasensiyahan niyo muna kung panget ang chapter na ito. Salamat ^^
Oi Gwapong Dyosa eto na po. Hihihi
◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈◈
Nagising ako na nasa kwarto ko na ako.Medyo madilim ang paligid dahil nakapatay ang ilaw at nakababa ang makapal na kulay lilang kurtina ng aking glass door na komokonekta sa balkonahe ko at ng katabing guest room.Tanging ang maliit na liwanag lang ng mga glow-in-the-dark stars na sinadya kong ipadikit sa kisame ang nagiilaw sa aking kwarto.
Napatingin naman ako sa orasan. Past 6 na.Ang tagal naman ng tulog ko.Ang naalala ko kasi mga alas'diyes ng umaga nun nang...
mahimatay ako?Bakit ba kasi ako nahimatay?Umiyak lang naman ako kasi- kasi bakla si Kaizer T^T.Oo, Kaizer na ngalang itatawag ko sa kanya. Hmp. Sumikip tuloy dibdib ko.Tsk.Kalimutan mo na ngalang yun Ayeesha.Nakaramdam naman ako ng uhaw at gutom kaya napagdesisyunan kong bumaba.Dahan-dahan kong inalis ang kumot ko at yung dextrose? na nakakabit sa akin.Ngayon ko lang to napansin.Dumugo naman ang part na tinusukan ng karayum kaya medyo napangiwi ako.Ayaw ko pa namang makakita ng dugo.Nahihilo kasi ako at nasusuka. Maliban nalang sa dugo ko.Yung alam niyo na? Yung tawag kung may period ba? Hehe
Sinuot ko ang pink bunny slippers ko at binuksan ang pinto.Lumabas ako ng kwarto ng nakakapit sa dingding. Medyo hilo parin kasi ako.Habang tinatahak ko ang hallway patungong hagdanan, dinig na dinig ko ang ingay mula sa baba.Sa ingay na yan alam ko na kung sino.Kaya pala walang madaldal sa kwarto kasi dito gustong dumaldal sa Nanay ko.Tsk kahit kelan feeling close talaga.HAHAHA de'joke lang.
Pagka-baba ko ay dumiretso agad ako sa kusina. Hindi nila yata ako napansin.Paano pa nila ako mapansin eh sa aliw na aliw sila sa bunganga ng kaibigan ko eh.Nagtungo ako sa ref at kumuha ng pitsel sumalin ako ng tubig sa baso at linagok ito.Mga 4 na baso ata naubos ko.Halata namang masyado na nauhaw ako.Tsk.Gutom na rin ako kaso wala pang pagkain eh, niluluto palang ng mga maid.Kaya kumuha ako ng isang mansanas at dinala sa sala.
"Ay Tita Kath baka gising na po si Yeesha."
Rinig ko namang sabi ni Aisha.
"Ah.I forgot.I'll go upstairs muna darlings I'll just check her up."
"Sama na po kami Tita!"
"It's good to hear that you still remember me.Tss.No need to go up Mom. I'm here"
Sabi ko sabay kagat ng apple.
" 'To namang si Ayeesha nagtampo agad.Huwag na tampo baby Yeesha okay?"
"Tsk.Don't baby talk me Aisha.I'm not a baby."
Sabi ko at umirap. Sabay-sabay naman kaming napakunot ng noo ng nakarinig ng sunod sunod na busina sa labas.Ilang segundo lang ay tumilapon ng malakas ang front door kasabay ng pagkaramdam ko na may yumakap sa akin.Mahigpit na mahigpit habang hinahaplos buhok ko. Pinaharap naman niya ako at tiningnan ang buong mukha ko.
"How are you feeling princess?Are you okay?Are you still sick?Do we need to go to the hospital?Have you eaten already? Have you dr-"
"Dad.I'm fine."
I cutted him off sighing.I'm so happy na nararamdaman ko kung gaano ako kamahal ni Dad but at the same time I feel so bad.I feel so bad kasi I made him worried.Too much worried.
Ngumiti naman siya at yinakap ako ulit.
"Dad! Can't. Breathe!!!"
Sigaw ko naman ng mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. At tila may nasabi akong mali kaya natatarantang kumalas ng yakap si Dad sa akin. Nagtatanong siya sa akin kung okay lang ako. Kung anong nararamdaman ko at hindi ko na maintindihan ang iba sa sobrang panicked niyang pagsalita.Tinulak naman siya ni Mom at hinawakan ako.Hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan mula ulo hanggang paa.Parang chine-check kung okay lang ba ako. I can see na nag-aalala siya and at the same time- natatakot? I dunno.