Warning: boy on boy actions, actually.
Kyungsoo~
"Lumayas ka sa bahay namin! Simula ngayon, hindi na kita anak!" Sigaw ni Papa sa akin habang ako'y umiiyak.
Si Mama naman, wala lang imik. Gusto niya rin siguro akong mawala, tutal, matagal na niyang gusto na paalisin ako.
"Ano?! Lumayas ka na!" Sigaw ulit ni Papa habang tinutulak ako papuntang pintuan, hanggang sa naipalabas na niya ako.
Nagsipag labasan ang mga kapitbahay namin at kami'y tinitigan.
"Anong tinitingin niyo jan?!" Sumigaw si Papa sa kanila pagkatapos natakot ang mga tao't bumalik sa kani-kanilang gawain.
"Simula ngayon, hindi ka na dapat magpakita sa amin!" Sabi niya habang ako'y dinuduraan, nakakadiri.
Hindi na ako umiyak, hindi na ako nagtaka na ganito ang mangyayari pagkatapos kong sabihin na bakla ako. Alam ko namang mga sirado ang utak niyan nila sa lgbt eh.
Isinarado na niya ang kanilang bahay, buti nalang ay naipalabas ko na ang mga damit ko incase na mapapalayas ako sa bahay.
Kinuha ko sa gilid ang maleta ko. Tapos hinila ito papunta sa pavement kung saan may naghihintay na taxi driver.
"Pasensya na ho manong ah? Sa kahihintay."
"Okay lang yun bata, alam ko namang may ibibigay kang tip eh." Nakangisi niyang sagot.
Ulol rin pala tong manong na to eh, nakashabu ata. Hindi ko na lang siya sinagot at nagsmile na lang.
"Saan ka nga?" Tanong niya.
"Sa Airport po." Sagot ko habang kinukuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang maganda kong bestfriend na nasa Pilipinas. Hindi siya babae, maganda lang talaga siya, san kaya to pinaglihi ng Mama niya?
Nakita kong nagdadrive na si manong driver papunta sa national highway, at papuntang airport siguro mga 20 minutes ang biyahe papuntang airport.
Hinanap ko naman ang kailangan kong tawagan sa cotacts ng phone ko at agad na tinawagan.
"Oi, Kyung. Ang aga yata, napatawag ka?" Narinig kong tumayo siya sa hinihigaan siya, nagising siguro sa tawag ko.
"Baek.. ano na bang oras diyan?" Hindi ko sinagot ang tanong niya para maiba ang kwento namin. Gusto kong pumunta ng Pilipinas
"Mga 4. ng umaga, jan ba?"
"9. AM dito." Sagot ko habang nakatingin sa mga sasakyang napapadaan.
"Okay, bat ka tumawag?"
"Pupunta akong Pilipinas."
"Ayos! Sige, dito ka sa bahay ko titira ah?... teka, bat ba pupunta ka dito?"
Long pause...
"Pinalayas ako sa bahay namin."
"Ah ganun ba? Punyeta pala yun sila eh!"
"Haha oo nga."
"Sige, paalam na. Aayusin ko pa tong magiging kwarto mo, byee." Siya na ang tumapos sa usapan namin, hindi na ako nakapagsalita. Pagkatapos, binalik ko na ang phone ko sa bulsa ng pants ko.
Nagsigh ako.
"Okay ka lang, sir?" Biglang tanong ng manong.
"Letse, ang ingay mo. Oo, ayos lang ako!"
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply (KaiSoo FF)
FanfictionMapapaibig si Kyungsoo kay Kai. Edi Wow! Yan naman talaga ang magiging katapusan ng storyang mababasa niyo eh! Ngunit happy ending kaya ang makakamtan ni Kyung o kamalasan? Sabi nga ni Vice Ganda eh na walang ending, happy lang! Mahirap mang tanggap...