Chapter 2

9 2 0
                                    

Jace POV

"Yes, andito na ko~" napatingin ako sa batang nabanga sa akin. Para akong nabuhusan ng yelo habang nakatingin ako sa mata ng batang umiiyak sa harap ko.

"Nakita mo ba ang Mommy ko" umiiyak na tanong niya sakin.

"Sino ba ang Mommy mo, baby?" tanong ko sa kanya ng matauhan ako.

"Many people call her Miss A" sagot niya sakin habang umiiyak parin.

"Real name ng mommy mo baby?" nakangiti kong sagot sa kanya. Batang to san ko naman hahanapin si Miss A.

"Aei~

"Babyyyyy JC"

"Tita Ganda, nasaan ang mommy ko" tanong ng bata dun sa babaeng bigla nalang sumulpot sa harapan ko habang kausap yung bata.

"Eherrm," pagkuha ko sa atensyon niya. "Miss kilala mo ba ang batang yan?" tanong ko sa kanya nung lumingon siya sakin. Maganda nga, pero mas maganda parin ang babaeng mahal ko.

"Obvious ba?" mataray na sagot niya sa akin.

"Mister, she's my Tita Ninang po. I know her po." sagot nung bata sa tanong ko. Kasi mukhang walang balak sumagot ng maayos yung babaeng tinawag niyang tita ganda.

"Tita, wheres mommy?" tanong nung bata ng Tita niya daw.

"Hinahanap ka rin, san kaba kasi nagpupunta? Umiiyak ang mommy mo, kasi akala niya naiwala kana niya." sagot naman nung tita niya.

"Thank you Mister, babyeeee" paalam sa kin nung bata.

"You're welcome baby, what's your name?" nakangiti akong nakatungo sa kanya.

"Jace Christopher or JC po" nakangiti niyang sagot sa kin. Kumaway pa siya sakin bago sila umalis ng tita niya.

Magkapangalan pala kami, kasing edad pala siya ng anak ni Trina na tinuring ko na ring anak.

I married Trina 5 years ago kasi sinabi niyang nagdadalawang tao siya, na may nabuo sa isang gabing nakalimot ako. Pero after niyang manganak umamin siya sa akin na hindi ako ang ama ng anak niya.

After that day, nag file ako ng annulment sa sobrang galit ko sa kanya. Sinira niya kami ng babaeng mahal na mahal ko.

"Aiena, ayoko na let's end this. Hindi na kita kayang pakisamahan. Hindi na kita mahal. At ikakasal na ko sa babaeng totoong mahal ko, ginamit lang kita para magselos at mapa sakin siya." parang hinihiwa ang puso ko ng bitawan ko ang mga salitang yun kay Aiena. Baby maniwala ka mahal na mahal kita, pero kailangan kung gawin to kasi hindi ako nararapat para sayo.

" Jace baby, nagbibiro ka lang naman diba? Sabi mo mahal mo ko, Jaceeee please bawiin mo yung sinabi mo" umiiyak na sagot niya sa akin. "Please baby ako lang ang mahal mo diba?" lumuhod pa siya sa harap ko. Parang dinurog ang puso ko habang nakikita ko siyang nakaluhod sa harap ko. Pero tinabig ko lang siya, kasabay ng pagtabig ko ang pagbuhos ng malakas na ulan.

"Ginamit lang kita, naiintindihan mo?" sigaw ko sa kanya bago tumalikod at pumasok sa kotse ko at pinaharurot yun paalis sa lugar na yun palayo sa babaeng mahal na mahal ko pero sinaktan ko.

"Huy kuya, kanina pa kita tinatawagan. Andito ka lang pala at teka why are you crying? Dahil na naman ba yan kay ate Aiena? Kuya mag move on kana, kasalanan mo naman kung bakit kayo naghiwalay diba?" nabalik ako sa kasalukuyan dahil sa kapatid ko.

"Andito kana pala, Jane. Sorry hindi kita napuntahan may nabangga kasi akong bata kanina habang papunta ako sa pwesto mo" pag papaliwanag ko.

"Alright, let's go. I miss my kama at ang luto ni mommy eh."maarte niyang sagot sa akin.

Luminga pa ko ng isang beses para sana tingnan ulit ang bata kanina, pero di ko na siya makita.

--
Pagkarating namin sa bahay pumasok agad ako sa kwarto ko habang tinitingnan ang picture na dahilan kung bakit gumigising ako sa araw araw.

"I miss you baby, siguro kung hindi kita sinaktan may anak na sana tayo ngayon. Isang babae na kamukhang kamukha mo at lalaking kamukhang kamukha ko" natigilan ako ng maalala na naman ang bata kanina. Ang gaan ng loob ko sa batang yun.

Magkikita pa kaya tayo baby, sana mapatawad mo pa ako.

--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Regrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon