Chapter 3

28 2 0
                                    


"Bakit ngayon mo lang sinabi nay. Bakit (sob) mo itinago (sob) sa akin. Huhuhu. Nay sana nabago pa natin ang lahat (sob) sana masaya tayo (sob) wala akong kwentang anak. Sa mga sinabi ko sayo sa pagkakakilala ko sayo (sob) bumalik ka na sa akin nay (sob). Kung kailan nag-kaayos na tayo saka mo pa ako iniwan (sob)".

Flashback.

Pangatlong araw ng burol ng nanay ko.

"Okay ka lang ba?" tanong ng hindi ko kilalang babae na tumabi sa akin.

Hindi ko siya sinagot.

"Alam mo ba yang nanay mo. Mahal na mahal ka niya " sabi nito.

Tumingin ako sa kaniya.

"Ako si Lily kaibigan ng nanay mo ",

Hindi parin ako umiimik.

"Ahaha. Mana ka talaga sa nanay mo "sambit nito.

"Anong alam mo sa nanay ko " tanong ko sa kaniya.

Bago siya nagsalita ay huminga muna siya ng malalim.

"Ang nanay mo simula nung nakilala ko siya kaibigan na ang turing ko sa kaniya dahil siguro mabait siya. Pero hindi lang dahil dun hindi siya masikreto mapagbigay at matulungin siya. Pero isang araw may hindi inaasahan " tumigil siya sa pagkekwento. Tumingin ako sa kaniya.

"May nakilala ang nanay mo na lalaki na ang alam niya ay magmamahal sa kaniya nabuntis siya. Hindi tinanggap ng magulang niya kaya itinakwil siya. Masaya naman silang nagsasama pero habang tumatagal lumalabas ang tunay na ugali nung lalaki. Lagi niyang sinaksaktan ang nanay mo." Siya naman ngayon ang tumingin sa akin.

"Isang araw pumunta siya sa akin. Napanganak ka na noon mga 3 taon siguro. Sinabi niya na lagi raw sumasakit ang ulo niya at nahihilo. Sabi ko naman na magpacheck up na siya at sinamahan ko. Nang natapos na ang check-up dun nanlumo ang nanay mo dahil nalaman niya na may Brain tumor pala siya sa utak at kung hindi maooperahan ay baka mauwi sa Brain Cancer" nagulat ako sa sinabi niya. Tumutulo na ang mga luha ko.

"Nag pa opera siya at malaking pera ang nagastos niya. Ng naghirap na ang nanay mo iniwan siya ng tatay mo dahil sawa na daw siya hirap kasama ng mama mo pero ang totoo kaya lang naman kinasama ng tatay mo ang nanay mo ay dahil sa pera"

"pero akala ko po sa bar nagtratrabaho ang nanay ko at sinabi niyang hindi niya kilala ang tatay ko. " pagpuputol ko sa sonabi niya.

"Hindi totoo yun sinabi lang nanay mo yun dahil ayaw ka niyang magung katulad ng tatay mo na baka isang araw iwan mo rin siya. Mahal na mahal ka ng nanay mo walang kasingtulad ang pagmamahal niya sa iyo. " nanlumo ako sa mga narinig ko.

"Ang sama kong anak. Wala akong kwentang tao. " yan lang ang nabigkas ng bibig ko. Tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko. Yinakap ako ni Tita Lily.

~°~

Heto ako ngayon nakaupo sa puntod ng nanay ko.

"Nay maraming salamat sa lahat sa Pagmamahal at pagtitiis sa akin" kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko ay kasabay rin ng pagbuhos ng malakas na ulan.

"Mahal na mahal kita. Aking inay "

The end.

Author note :

Sanay maging gabay ang kwento ko na ito sa inyo. Na mag bigay ng aral.

Mahalin natin ang mga ating ina hindi lamang ang ina kundi ang mga magulang na walang hinangad kundi ang ating kabutihan at kaligtasan. Mahalin natin sila sa bawat segundo na lumilipas. :)

God bless.!!

Aking InayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon