Chapter 5: Death Anniversary

42 3 1
                                    

CICI POV

Nagising ako isang umaga na wala sa sarili ko. Tumayo ako at pumunta sa bitana ng kwarta ko hinawi ko ang kurtina.

"Madilim pa pala, ni hindi pa sumisikat ang araw ". Nung tinignan ko ang kalendaryo " Ang araw na ito ang pinakaayaw ko sa lahat pero wala na man akong magagawa."

Pumunta na ako sa banyo at nag bihis ....

Pagkatapos kung mag handa ay umalis na ako .. Ginamit ko ang sasakyan papunta sa isang lugar kong saan nawala ang mga mahal ko sa buhay.




-after 5 hours narating ko na ang lugar--


tahimik talaga ang lugar na ito gaya ng dati..

... Nakatayo lang ako at nasa harap ko ang isang napakagandang dagat mahinahun lang ito at walang kahit isang bakas ng isang trahedya ng nakaranan. Kapag sumasapit ang araw ng kamatayan nila, gusto ko lang mapag-isa dito.

Sa lugar na ito dito ko nakita kong paano sumabog ang barkong sinasakyan ng mga magulang ko, wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak, ano na man kasi ang kayang gawin ng isang batang 8 na taong gulang palang? Wala diba?

Matapos ang trahedya sa pamilya ko ang lolo ko ang nag palaki sa akin, natruma ako sa nangyari noon, palagi lang akong nasa kwarto ko paulit ulit ang panaginip, yung sumabog ang barko at humihingi ng tulong ang mga magulang ko.

Tinulungan ako ni Lolo sa lahat, pero noong nakita na ni lolo na kaya ko na ang sarili ko, umalis siya para asikasohin ang negosyo ..

Taon taon akong pumupunta dito .. tinatanaw ko lang ang dagat ..

Ipinikit ko ang aking mga mata kung saan sinasariwa ko ang mga magagandang alaala ko sa mga magulang ko. Mga alaalang nagbibigay pag-asa sa buhay ko, pero pagdilat ng mga mata ko isang masakit na katotohanan na ang trahedyang yung ang naging dahilan ng pangungulila ko sa isang masayang at kumpletong pamilya.

Gustong-gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay nila gusto kong gumanti! pero anung kayang gawin ng isang bata? WALA!! ang kayang ko lang noon ay ang iyakan sila sa harap ng kanilang kabaong.

Habang tumagal doon ko lang na isip na kahit gumanti ako kahit anong gawin ko hindi na mababalik ang buhay na matagal ng nawala. Tama!! kayang bilhin ng pera ang tao pero ni minsan hindi nito kayang bilhin ang buhay ng isa tao.



----------------------------------------- Cry and Cry until the pain is gone.-------------------------------------------------

Let Me Tell You About Han Rae SangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon