One Shot! ♥

49 8 12
                                    

First love? Saan ka?

Tatlong taon. Sa Tatlong taon na yun naranasan ko ang una kong pag-ibig. Ang saya sa pakiramdam.. na yung taong mahal mo, mahal ka rin. Yung taong inakala ko na first and last love ko, hindi ako sasaktan.

Grabe. Ang sakit. Iniwan ka bigla ng walang pasabi. Ni hindi man lang macontact sa kahit anong paraan. Lumipat ng bahay. Ewan.

" Dianna, umiiyak ka na naman?", tanong ni Ate.

" Wala 'to 'te. Keri lang.", ngumiti ako ng bahagya at pinunasan ang luha sa psingi ko.

" Sige Dianna, iiyak mo lang. Andito lang ako. Makikinig.", lumapit sya at niyakap ako. At dahil dun bumuhos ang mala-waterfalls na tubig sa mata ko.

" Ate, 11 months na nakalipas. Hindi ko pa rin sya makalimutan. Ang sakit ate. Bakit nya kailangang umalis ng walang pasabi? May iba na ba sya?", iyak lang ako ng iyak.

-

Araw na naman sa pagpasok. Bawat sulok ng school naaalala ko siya. Tang ina naiiyak na naman ako!

" Nasaan ka ba Jay?", bulong ko sa sarili ko.

**

Nakalipas na ang isang taon, nasa puso at isip ko pa rin sya.

Sya ang first love, first kiss, first crush, first boy bestfriend and First Boyfriend. Ngayong araw na 'to, April 20, 2014 birthday ko at dapat magpropropose na sya sa 'kin . 22 naman ako eh, pwede na magpakasal. Pero walang Jay, walang kasalanan or proposal.

Yung boses nya na, yung ngiti, yung saya pag andyan ang presence nya, namimiss ko na lahat yun. Naisip ko nga kahit minsan eh, kung may iba na siya, okay lang basta masaya sya. Pero kahit ilang minuto lang sana, ipaliwanag nya kung anong nangyari at bakit sya nawala. Kahit yun man lang, o kaya diretsuhin nya ako na hindi nya ako mahal. Okay na yun kesa naman magsinungaling siya ng kung ano dyan.

" Happy Birthday Dianna!", biglang pumasok sila Mama, Papa at Ate.

Pinunasan ko naman agad ang luha sa pisngi ko, umiiyak na naman pala ako. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Tanda tanda na ng bunso namin! Don't worry, ikaw pa rin ang baby nila Mama at Papa", sabi ni Papa sa 'kin.

" Eh paano naman daw ako -_-?", tanong ni ate. Napatawa lang ako.

" Oh Dianna, magbihis ka ha? At isuot mo 'to, at ito. After nyan pumunta ka sa kwarto ko okay?"

" Ate para s-"

" No more questions, just take a bath then isuot mo na yan. Magbibihis na din kami.", sabay sabay din na umalis sila Ate.

Weird, pero ginawa ko pa rin ang sinabi ni Ate. Pagkatapos kong isuot ang white dress na medyo puffy na above the knee and yung heels na silver na binigay ni Ate. Kahit nalulungkot ako, kailangan ko pa rin maging masaya. Fake a smile muna. Pagdating ko sa kwarto ni Ate, make up agad. Simpleng make up lang. Inayusan nya din ako ng buhok. Ang galing talaga nya, kaya sya naging make up artist eh. Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta, alam ko naman na kakain lang kami or wtvr.

Bumaba kami sa isang unknown place. Nauna akong bumaba, pero bumulong muna si Ate ng 'goodluck' sabay kiss sa pisngi. Pagkababa ko ay nagdiretso na yung sasakyan.

" Nye?! Hoy! Bat nyo ko iniwan?!!", sigaw ko pero nawala na sa paningin ko ang sasakyan namin.

Naglakad lakad lang ako, may natapakan akong something. Paper sya and it says "Hey" tas may letter ulit.

"It's been a long time since I've seen your beauty.."

"Ha?" Naweweirdohan na ako sa letters.

Hala may isa pa ulit. Tumingin ako sa isang daan, yung letters yun ang naglelead kung san ako pupunta. Wow naman, akala ko sa pelikula lang may ganto.

FL? Saan ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon