Chapter 16

678 20 1
                                    

Chapter 16

"Andrei buksan mo ang pinto" sigaw ko dito sa labas habang kinakatok siya.


"Anong nangyayari dito?" lumabas si Nora sa room ni Honey...nagtataka naman ako kung bakit siya lumabas don 'eh hindi naman niya room yon at ang mas kina taka ko ng makita na meron siyang kiss mark sa leeg at gusot ang damit.... anyway bahala sila sa buhay nila si bakla nga pala ang iniintindihin ko.


"Please Nora kausapin mo si Andrei, May nangyari kasi kanina please" sabi ko dito at hinawakan ko ito sa kamay na agad naman niyang binawi.


"Sige akong bahala" sabi nito at pumunta sa baba para kumuha ng duplicate key sa staff....agad din naman bumalik si Nora at dala na niya ang Duplicate key ni Andrei.


"Buksan ko na at ako mo na ang papasok" sabi nito sakin bago buksan ang pinto kaya tumango lang ako at hinayaan siya makapasok at naiwan ako dito sa labas habang nakatingin sa pinto...sana hindi siya magalit sa'kin.


Ilang oras na simula ng pumasok sa loob si Nora hindi pa din siya lumalabas at na ka lock ang pinto.


"Aena beshi" humarap ako sa taong tumawag sa'kin nakita ko si Honey... lumapit naman siya sa'kin at niyakap ako.


"Tara sa room mo, mamaya din at lalabas na si Andrei" sabi nito at inalalayan ako para makapunta sa room ko.


"Anong nangyari?" tanong nito kaya kinuwento ko dito ang nagyari kanina don sa terrace.


"Omg may gusto sa'yo si Kenechi? kaya gano'n si Andrei dahil akala niya inagaw mo si Kenechi sa kanya" sabi nito kaya tumango ako at hindi ko na napigilan ang hindi umiyak sa harap niya....hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon.


"Galit sa'kin si bakla" sumbong ko dito at yumakap naman sa'kin si Honey.


"Kausapin mo mamaya" sabi nito kaya gumaan ng konti ang nararamdaman ko ngayon. 


"Aalis ka Andrei kakadating pa lang natin" napatayo kami ni Honey ng marinig namin ang sigaw ni Nora. Pag kalabas namin nakita ko siya na may hawak na maleta niya.


"No hindi ka aalis please Andrei" tumingin sa akin si Andrei na galit na galit.


"Mang-aagaw ka talaga malandi, pati naman si Kenechi" sabi nito sakin habang nakaturo...nasaktan ako sa sinabi niya...sobrang sakit mas masakit pa ata ito sa pagkuha niya ng virginity ko nung gabing una namin ginawa yon.


"Wala akong ina–inagaw sa'yo" sabi ko dito habang lumuluha sa harap nila.


"Tapos iiyak ka na akala mo naman kung sino ka malandi ka nagpapahalik ka sa iba" sabi nito bago umalis sa harap ko sinundan naman ito ni Nora...napako naman ako sa kinakatayuan ko dahil hindi ako makagalaw ngayon.


"Aena beshi" naiiyak na tawag sa'kin ni Honey.


"Galit siya sa'kin beshi" umiiyak na sabi ko dito.


"Aena" napatigil naman kami ni Honey at hinarap si Kenechi siya ang may gawa nito kung bakit galit na galit si bakla.

Ang gay friend kong manyak | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon