TPD. 9

71 2 2
                                    

RAFFA'S POV.

"What are you thinking Raffa?! Anong pumasok sa utak mo bakit mo nagawa yun?!!! "

Napaiyak na lang ako sa nagawa namin ni Terrence kasi for once again naramdaman kong nanlilimos nanaman ako nang Pagmamahal at atensyon sa taong hindi ako yung gusto.

"Panyo?" May isang lalaking bigla na lang nag offer nang panyo sa akin, at nang makita ko kung sino yun...

"Calyx? Anong ginagawa mo dito? "

"Sinundan kita, I want to make sure that you are safe pero mukhang hindi yata safe ang napuntahan mo"

"I know what's going on between you and to my cousin Terrence, may ginawa ba siya?" dugtong pa niya.

I cannot help it but to cry, hindi ako umiiyak sa harap nang madaming tao but this time Hindi ko talaga mapigilan ang luha ko.

Alam kong ginusto ko yun dahil mahal ko e, alam kong sasabihan akong T@nga pero ganon naman yata kapag Mahal mo diba?

"Sshh nandito ako"

Nilagay niya ang ulo ko sa balikat niya at hinayaan niya lamang akong umiyak nang umiyak, I feel so embarrassed na umiiyak ako sa harap nang tao at worst sa pinsan niya pa.
CALYX POV.

Sinundan ko Si Raffa from school hangang sa makarating siya sa pupuntahan niya, ewan ko ba may pumipilit sa sarili ko na gawin kahit alam kong hindi dapat.

laking gulat ko naman na dito siya dumiretso sa condo nang pinsan ko.

"Anong ginagawa niya dito? " tanong ko sa sarili ko, nang maalala ko naman kung ano ang namamagitan sa kanila nang pinsan ko.

Wag niyang sabihin?....

Agaran ko sana siyang susundan sa unit ni Terr nang makasalubong ko si Gyl paakyat sa elevator.

"Lyx? Lyx right? Pinsan ni Terr yung kasama namin nung nakaraan? "

Nag nod lang naman ako as my answer but deep inside sobrang kaba ko na kasi alam ko kung ano ang possibleng ginagawa ni Raffa at ni Terrence.

" Anong ginagawa mo dito? " pagtatanong ko naman.

" Visiting my Boyfriend hindi ko kasi siya nakita magdamag kanina sa school e"

" Ahh I see" tanging sagot ko lamang.

" Sige una na ako ah, Nice to see you here ah pero sana give mo na samin ni Terr itong time na to, pretty please?" pagpapakyut naman niya.

" Ah eh Sure sige no problem"

" Thank youuu. Babyee"

Hindi ko alam if makakahinga ba ako nang maluwag or malalim or what e, nandon si Raffa pero argh di ko alam gagawin ko!

Maya maya naman ay nakita kong umiiyak si Raffa papalabas sa Condo kaya nag tago muna ako, naupo siya sa labas nang Building at dun tinuloy niya ang pag luha niya.

Nang hindi ko matiis nilapitan ko na siya at nag offer nang panyo.

"Panyo?"

Tumingin siya sakin at bakas sa mata niya ang pagkagulat, labis akong nasaktan sa awra niya kasi kanina lang ang mga ngiti niya ang nakikita ko but now luha na niya.

"Calyx? Anong ginagawa mo dito?" pagtatanong naman niya.

"Sinundan kita I want to make sure that you are safe. Pero mukhang Hindi yata safe ang napuntahan mo. " nakatitig lang siya sakin habang may mga tulo nang luha ang mga mata niya.

"I know what's going on between you and to my Cousin Terrence, may ginawa ba siya? " pagtatanong ko naman.

Wala akong natangap na sagot kung hindi ang iyak niya.

" Shh Nandito ako"

Nilagay ko ang ulo niya balikat ko at hinayaan ko lamang siyang umiyak.

Sa pagkakataong ito gusto ko na talaga sugurin si Terr dahil sa ginawa niya, ewan ko pero sobrang affected ako lalo na ngayon na umiiyak si Raffa.

*****

Maya maya naman ay tumigil na siya sa pagluha niya.

" Sorry ikaw pa tong iniyakan ko, I feel so embarrassed na umiiyak ako sa harap mo"

" wala ka naman dapat ikahiya, tao ka at normal lang naman na masaktan ka"

Hawak ko ang kamay niya kasi akmang aalis na sana siya.

'' Ma'am Raffa kailangan na po nating umalis, tumatawag na po ang Mommy Niyo" biglang singit naman nang driver x body guard niya.

"Raffa sandali, kung ano man ang nangyari ngayon always remember that starting this day I'm always be here for you"

Hinalikan ko ang mga palad niya at nakita ko naman na ngumiti lang siya sakin bilang tugon.

THE PRESIDENT'S DAUGHTER. Where stories live. Discover now