TPD. 15 (Conversation).

78 3 1
                                    

(continuation).
CALYX POV.

" Are you a strict Father po? "

"Of course I am, Nag iisang Anak ko si Raffa at babae pa. pero kung nakikita ko naman na masaya siya sa isang lalaki at nakikita ko din naman na matino at katiwa-tiwala ang lalaki eh Ok lang naman sakin na may manligaw sa kanya. " mahabang detalye ni Sir.

"What about Her Mom po? "

"Her Mom? Well She's the strict one talaga No boy's allowed" natatawang saad nang daddy niya.

Now gets ko na talaga bakit mas malapit si Raffa sa Daddy niya.
Mas mukhang mapapalaban ako sa Mommy niya.😭😭

"Calyx Right?"

"Yes Sir."

"Ngayon ko lang nakita si Raffa na sobrang saya salamat dahil mukhang ikaw ang dahilan nang pag tawa niya. the only thing lang na hihilingin ko sayo, wag na wag mong papaiyakin ang Prinsesa ko. dahil yun ang pinaka ayaw ko ang may nagpapaiyak sa Anak ko. " seryosong saad ni Sir. Gomez.

Napalunok naman ako dahil sa banta niya. pero alam ko naman na never kong gagawin sa Prinsesa niya yun.

"Hinding hindi ko po magagawa sa Anak niyo yun Sir. Mahal ko po si Raffa at Seryoso po ako sa kanya.
Ituturing ko po siyang tunay na Prinsesa. " saad ko naman.

"Don't treat Her Like a Princess, Treat Her as your Queen."

"I will Sir."

"Nice to meet you Calyx You Have my Blessing to court my Daughter but only in One condition."

"Ahm A-ano po yun Sir? "

"Dito Ka sa Bahay manliligaw, hindi sa text, Hindi sa school.
At kung aalis kayo na kayong dalawa lang syempre hindi ako papayag. Dapat laging kasama si Nana at dapat sa akin ka din mag papaalam."

"Masusunod po lahat yun Sir. Thank you po sa blessing ninyo na ligawan ko po ang Prinsesa niyo" saad ko naman.
"Good. I trust you" saad ni Sir. Habang nag bibiliards.

Dito sa bar area nila Raffa meron kasama billiards kaya naglaro na lang din kami ni Sir. Skl.

"Sir, Mahal na mahal niyo siguro si Raffa ano? " pagtatanong ko naman,

mukha kasing napaka strict but at the same time sobrang mapagmahal na Ama ni Sir. Gomez.

"Of course may magulang bang hindi mahal ang anak? Alam mo Pinangarap ko si Raffa at binigay siya sa amin. kapag ang pangarap mo at yung hiniling mo ay binigay sayo dapat lang naman na mahalin mo yun diba? "

Na touch naman ako sa sagot ni Sir napaka swerte ni Raffa na meron siyang Ama na kagaya ni Sir. Kung ganito ang trato ni Sir sa Kanya Sino ako para lokohin at saktan siya?

"Kaya Ikaw Aalagaan mo si Raffa coz when it comes to her I really Don't trust anyone, so when I trust you please don't make me regret it."

"Pangako Sir. I will never hurt your Princess ipaglalaban at ipagtatangol ko po siya"

"Protect her but also Protect her feeling's, gave her an assurance that she is safe and secured. And Don't make it as Promises gawin mo."

"Yes Sir."

"Gawin mo dahil mahal mo ang anak ko hindi dahil sa inutos ko. Mahalaga ang Damdamin nang mga babae once you broke their heart it will never be the same."

Pansin ko lang na wala ako masyado nasasagot kay Sir. Kung hindi Yes Sir.

Ghad Calyx Anubaaa!!😭😭

Masyado kasi ako na S-speechless sa mga advice ni Sir eh ang swerte siguro nang Momny ni Raffa meron siyang Loyal at consistent na asawa.

"Oh It's already 10 pm Iho, I'm sorry napasarap na yata talaga ang tulog ni Raffa, hatid na kita sa gate para makapag pahinga ka na din.

Hinatid naman na ako ni Sir sa labas nang bahay nila inescortan niya ako hangang sa makalabas ako nang gate.
Dalawa kasi gate nila sa loob e mahaba ang entrance nila para kang papasok sa palasyo.
Hindi na ako nakapagpaalam kay Raffa kasi nga tulog na siya at baka kapag ginising ko e masira lang yung tulog niya.

RAFAEL'S POV.

Nang maihatid ko na ang bisita ni Raffa ay dumiretso naman ako sa kusina para uminom nang tubig.

"Sir ano po feeling na may nanliligaw na kay Ma'am Raffa?" pagtatanong naman nang isang maid ko dito.

Ngumiti naman ako ng bahagya sa tanong niya.

"Actually hindi ko alam, nalulungkot ako na masaya.
Masaya kasi nakikita ko siyang masaya, malungkot kasi hindi na nga talaga siya baby"

Hays gustuhin ko man pigilan ang pagdadalaga niya pero hindi e, darating talaga yung panahon na mag dadalaga siya, magkakaroon siya nang kasintahan at soon sariling Pamilya. Pero wag muna don baby ko pa din siya kahit papano.

RAFFA'S POV.

Maaga ako nagising kahit wala kaming pasok, maaga din naman kasi ako nakatulog.
Ahm teka OMG! SI CALYX!!

agad agad naman akong bumangon nang maalala kong kasama ko nga pala si Calyx kagabi at may dinner sana kami with Daddy.

Bumaba na ako agad sa dining area at sakto naman nandon si Daddy na umiinom ng kape.
"Dad Good Morning" pagbati ko naman.

"Good Morning sleepy head "

"Daddy naman e" naka pout na saad ko.

Pinaupo naman ako ni Dad para sumabay na sa kanya sa pagkain.

"Hmm sarap ng breakfast ikaw nagluto Dad? " pagtatanong ko naman.

"Yes sweetie" saad niya habang nagbabasa ng dyaryo.

"Daddy ayoko kumain" pagtatampo na saad ko.

Binitawan niya ang dyaryo niya at tumingin sa akin.

"Bakit? Hindi ba masarap ang luto ni Daddy? "

"Mukhang masarap naman po ayoko lang na kakain tayo pero sa dyaryo ka nakatapat." pagtatampo ko naman.

Pano kakausapin ako pero sa dyaryo nakatingin.

"Oh I'm so sorry sweetie, halika na kain na tayo."

Habang kumakain kami eh hindi ko maiwasan magtanong kung ano nangyari kagabi? Kung nag usap ba sila ni Lyx or baka hindi natuloy yung dinner kasi tulog na ako.

" Dad?"

"Hmm? "

"Ano pong nangyari kagabi sa dinner natuloy po ba? "

"Yes, ano kala mo porke tulog ka na Hindi matutuloy?" naka smirk na saad ni Dad.

Bigla naman ako kinabahan kasi syempre hindi ko alam kung ano mga pinag usapan nila.

" Ahh ganon po ba? About saan naman po ang nga pinag usapan ninyo?" tanong ko naman habang nag hihimay nang Hipon.

"Of course ikaw ang topic namin, alangan naman ako eh ikaw itong nililigawan"

"Daddy naman e, eh ano naman topic niyo about sakin? "

"Wala gusto ko lang naman nang Assurance from him na totoo ang pagmamahal niya sayo at kung seryoso ba siya sa panliligaw sayo. At isa pa wag mo nang tanungin kung ano pa ang ibang topic namin, para sa amin lang yun Ok?"

Wala naman ako nagawa kaya nanahimik na lang ako at kumain nang almusal.

THE PRESIDENT'S DAUGHTER. Where stories live. Discover now