Prologue

6 0 0
                                    

Fated

"For real Dad? A fixed marriage?" natawa ako ng mapakla.

I was sneaking out para pumuntang kitchen dahil nagugutom ako. Dahan dahan akong nag lakad patungo sa hagdan. Then i overheard my father's conversation while he's talking to someone on his phone. Nakaawang ng konti ang pinto ng office niya madadaanan mo ito dahil ito ang unang kwarto pag nakaakyat ka sa hagdan. Sumandal ako sa pader at sinisilip ang loob sa nakaawang na pinto.

"I will try to convince her. Maybe through this fix marriage she'll be tamed. I'm counting on your son Mr. Kyson," humalakhak pa ito at parang natuwa sa sinabi ng nasa kabilang linya.

Tumango si Dad kahit hindi iyon kita ng kanyang kausap. "Dinner? Tomorrow? Sure, I'll bring her," tumahimik saglit ang paligid, hindi ko marinig ang sinasabi ng kausap niya pero malinaw sakin ang mga sinabi ni Dad.

Really a fix marriage? That's absurd.

"So it's settled then. See you tomorrow," saka ibinaba ang tawag.

I clenched my fist. He's really going to get this far just because I'm untameable? Aabot talaga sa puntong kokontrolin na nya ang buhay ko, this is unbelievable. I'm doing well in school, yes i go out with my friends but i always ask for his permission first. Seriously, this is stressing me out.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at walang ano anong tinulak ng malakas ang pinto, lumingon dito si Dad. Tiningnan ko siya sa malamig na paraan, saglit lamang siyang nagulat ngunit kalaunan ay huminahon din.

"Save your schedule tomorrow night, you're meeting someone." he clearly said.

Tiningnan ko lang siya sa malamig na paraan. "Your plan won't work Dad. Hindi nako bata para sabihin sakin ang gagawin. This is my life, I'm the one who will decide."

"I already expected this. Alam kong mag mamatigas ka na naman, I've been pairing you with responsible and decent men so you will have a bright future pero anong ginagawa mo? Habang tumatagal lumalala lang ang ugali mo!" he exclaimed, kalmado pero tumataas na ang boses at halatang napupuno nanaman sa akin.

I scoffed in disbelief. Hindi ako nag salita at handa ng tumalikod ng mag salita siyang muli.

"Is it because of your Mother again?" natigil ako sa kinatatayuan sandaling nanigas ang aking katawan pinapakalma ang sarili saka nilingon ito.

"Stop mentioning her, Dad! We all know she's not the problem here! At lalong hindi ako!" hindi ko napigilang sumigaw sa kabila ng nararamdamang panlalabo ng mata. "Yes, i hate her. I hate her for leaving me with you!" marahas kong pinalis ang luhang tumakas sa aking pisngi.

He stared at me, namumungay na ang mata.

"She should've.. she should've just b-brought me with her instead of leaving me with you! Oo nga at nanjan ka Dad. Nasa iisa tayong bahay pero kahit kailan hindi kita maramdaman.." halos manlumo ako sa kinatatayuan.

There, i said it. For the first time in my life i let out everything that i have been keeping while growing up. Ayokong manumbat pero yon ang totoo, ang nararamdaman ko. I'm not really vocal with my feelings, wala rin naman siyang pakealam kaya ano pang saysay diba.

Tumungo ako at mariing pumikit habang nakakuyom ang mga kamay.

"You're here but I can't really feel you, Dad.. H-hindi mo ba naisip na baka kailangan ko ng ama? Na baka kailangan ko rin ng masasandalan kapag may problema?" garalgal kong sabi at halos pabulong na lamang yon.

Nang tumingala ako ay nakita ko ang pag tingala niya tila may pinipigilang bumagsak. Umiling nalang ako at pinunasan ang aking mga luha handa nang umalis.

FatedWhere stories live. Discover now