Fated
New friend.
Ramdam ko ang malambot na kama kasabay ng pag pintig ng aking sentido. Mariin akong napapikit dahil sa nararamdamang sakit ng ulo, shit napadami ang inom ko kagabi.
Kinusot ko ang aking mga mata, sumalubong naman sakin ang mataas na puting kisame kasabay ng sikat ng araw sa balcony, kumunot ang aking noo saka bumalikwas ng bangon. Wait a damn minute. Wala ako sa kwarto ko! Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto at nakita agad ang mga mamahaling gamit doon. It looks expensive, daig pa ang gamit sa mga hotels.
Kulay abo ang mga pader na hinaluan ng puti. Mayroong sofa malapit sa balcony na ang tanging harang ay sliding door at may maliit na lamesa saka carpet sa ilalim. Tumingala ako at nakita ang chandelier, sa bawat gilid naman ng malaking kama ay bed side table na may lampshade.
Sa kaliwang bahagi naman ay may pinto. Tumayo ako at nag lakad patungo doon, isa iyong cr. May bathtub at shower, kumpleto rin ang gamit pangligo, sa gilid ay dalawang sink at mayroong malaking salamin. Humarap ako sa salamin at napagtantong iba na ang suot ko, pantulog iyon na kulay pink at silk ang tela.
Who the hell changed my clothes! Agad kong sinilip ang loob ng sleepwear at nakahinga rin ng makitang iyon parin ang suot kong undies. At paano pala ako nakarating dito? Nag lakad bako habang lasing? Seriously, Elara. Iinom ka tapos wala kang maalala, how stupid.
Binuksan ko ang gripo at nag hilamos, mayroong toothbrush na hindi pa nabubuksan kaya ginamit ko na rin. Wala akong maalala kagabi, basta ang alam ko ay nakausap ko yung may birthday, bukod doon ay wala na.
Pagkatapos kong mag hilamos at mag toothbrush ay lumabas din ako. Shit i forgot my phone, naroon iyon sa loob ng kotse sa loob ng purse ko. Umupo ako sa malaking kama, kulay abo rin iyon simula sa comforter maging ang mga unan.
Nasapo ko ang aking ulo dahil kumikirot nanaman iyon, itinukod ko ang isa kong kamay sa likuran bilang suporta sa aking bigat. Nakita ko naman na may pumihit sa doorknob ng kwarto, pumasok doon ang isang babaeng parehas ng suot kong sleepwear pero kulay blue ang kanya.
May hawak siyang tray na may lamang pagkain at nakafocus doon, sinisiguradong hindi malalaglag. Hindi niya napansin ang nakaupo kong presensya habang sinusundan siya ng tingin kaya nang tumingin siya dito ng tuwid ay tumaas ang kanyang kilay at namilog ang mata.
Ngayon na nasa liwanag ay makikita mo ang kaputian nito. May katangkaran rin pero mas matangkad parin ako ng konti, naka messy bun ang kanyang buhok at natural na namumula ang pisngi, slim ito at hindi pa masyadong hubog ang katawan. She looks soft and squishy kahit na ang mga mata ay malalim at kakaiba.
Ngumiti ito sakin kaya inilabas noon ang puti nitong ngipin saka ipinatong ang tray sa bedside table, tumabi siya paharap sakin at naka indian seat, hindi parin nabubura ang ngiti kaya nginitian ko ito ng tipid. Namula ang kanyang pisngi saka nag salita. Uh.. okay? She's staring too much, i feel awkward although her soft features will calm you.
"Uh, good morning! I'm so sorry about what happened last night. We're working on that crazy bastard who tried to take you while you're drunk," she pursed her lips and looked at me with apologetic eyes.
Sandali pakong tumitig at inaalala ang nangyari kagabi. Tumakas sa aking isip iyong lalaking gusto akong isama sa kanya. Fuck, that pervert! Agad akong umiling sa kanya ng mapagtanto ang nangyari kagabi.
"No, it's alright. It's not your fault and uh thank you for letting me stay," ngumiti ako sa kanya para kumbinsihin siyang ayos lang.
Well i'm not that snub when it comes to people with good manners and intentions. I can clearly sense that she's sincere while saying those words. I can smell fake people at yung mga taong totoo talaga. It's my strong instinct kaya hindi rin ako ganoon kadali maloko. Masungit lang ako sa mga taong bulok ang pagkatao. I hate toxic people, they're like a pest in your life that you need to get rid of, or else you're life will be ruined just like how pests ruined plants.

YOU ARE READING
Fated
RomanceElara Katherine Alvior is a girl who will be married to a random man Keanu Waze Hermes because of fixed marriage, she tried to escape but fate keeps on making a way for their hearts to meet again.