Love

178 1 0
                                    

LOVE

Yang salitang yan, naku! Marami na yang napasaya at napaiyak, may napatay pa nga eh.

Apat na letra o pitong letra sa tagalog, pero malaki ang impact sa buhay ng isang tao. Ako naman kasi nagmahal na rin ako. Diba minsan pag nagmahal tayo, may consequences? May papuri sa iba, may magagalit, maiingit, madidiri (grabe ba?), may walang pakealam. So magbabanggit ako ng mga phrases and facts, maybe not exactly sa mga sinasabi ng tao but hawig na rin siguro.

- - - 

1. Nagkasyota ka na naman. Sasabihin nila “Yan na naman. May panibago na naman siyang syota. Ang dami na niyang mga ex.”

Oh diba may mga ganyan tayong  pagkakataon, tapos kapag narinig yan, gusto nating makaupak ng tao.

Walang masama kung marami kang naging ex. Kung 10 pa yan o 20 kasi nagmahal ka lang. Tao ka lang naman para magkamali sa mga naunang pag-ibig mo. Hindi mo naman kasalanan kung iwan ka nong mga lalake o hindi mo rin naman kasalanan kung hindi mo na mahal yung tao. It’s the time kasi na kapag naramdam mong wala ka ng feeling dun sa tao, HINDI SIYA. Hindi sya yun para sayo.

At wala rin masama kung  marami kang naging ex kasi sineryoso mo naman ata sila. Kung minahal mo naman talaga silang lahat at hindi lang basta basta yung relasyon niyo, walang masama.

Love TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon