2. Magkakapimple daw kapag inlove.
Hindi ako naniniwala diyan. Pimple kasi ito yung output ng hindi nailabas na stress. May possibility rin na love nga ang reason, maybe 2% kasi pag nagkaproblem kayo, nagaway, syempre maistress ka at kapag hindi mo nailabas yun, tada! Hello pimple!
3. Walang tanga sa pagibig, selfish meron.
Phrase ko yan. Para sa mga nagsasabi sa ibang tao “ANG TANGA TANGA NIYA NAMAN, AYAW NA NGA SA KANYA NUNG.... PINAGPIPILITAN PA.” O diba, may mga ganyan tayong kaso. Hindi sila tanga kasi nagmamahal lang sila. Hindi lang nila matanggap na hindi sila ang pinili. Hindi sila sumusuko, na baka sa huli at makulitan sila pa rin ang pipiliin. Selfish ang meron! Yung mga taong ayaw ilabas yung totoong nararamdaman kasi baka masaktan sila.
4. Mas magandang crush mo lang yung tao kaysa sa boyfriend kasi mas nakakakilig.
Oo tama. Maganda yun dahil mas marami yung kilig. Yung tipo bang;
1. Tingnan ka lang, mahihimatay ka na.
2. Ngitian ka lang, sasabog ka na.
3. Dumaan lang crush mo, mapipipi ka na.
4. Kausapin ka lang niya, magwawala ka na.
5. Lahat ng maliliit na bagay, big impact na sayo.
6. Hawakan niya lang kamay mo, hindi ka na maghuhugas.
7. Kasabay mo lang siya sa payong kasi umuulan, mababaliw ka na sa saya.
8. Kagrupo mo lang siya, masaya ka na.
9. Makita mo lang siya every day, ayos ka na!
Pag boyfriend naman kasi
1. Normal na dapat kang sunduin.
2. Normal na mag ILOVEYOU siya.
3. Normal na dapat na maging partner mo siya.
4. Normal na lang na makita mo siya every day.
5. Normal na dapat kausapin ka niya.
6. Normal na dapat hawakan yung kamay mo (pero sweet pa rin yun)
7. Tingnan ka lang, okay lang.
Mas maraming normal pag may boyfriend ka pero hindi ko naman sinasabing masama yun ah. Maganda pa rin ang may boyfriend kasi may taong nagmamahal sayo, magaalaga sayo, nagpapahalaga sayo. Diba. Sweet pa rin yun.
5. Kunwari boyfriend mo na yung tao, pero nalaman mong may friend yung boyfriend mo na gusto yung boyfriend mo. Magagalit ka ba dun sa babae? O reverse situation. Sa lalake?
Ako. Hindi. Wala naman kasing masama kung magpapaka optimistic tayong tao. Kumbaga, ilagay mo yung sarili mo dun sa babaeng yun, kaya mo bang pigilan yung nararamdam mo kasi may bf na sya? Why don’t you put yourself into the situation of other the people at tanungin mo yung sarili mo, “Ano rin ba yung mararamdaman ko kung ako yung nasa pwestong yun.”
So wag kang magagalit. Understand them. Pero kapag lumandi na, pagsabihan niyo. Mamaya maagaw pa. Hindi na tama yun.

BINABASA MO ANG
Love Tips
Novela JuvenilAno. Naloloka ka na ba sa tinatawag nating LOVE? HAHA. Para malinawan ka, basahin mo ang LOVE TIPS ko.