Part Two

80 3 2
                                    

"Stable na po ang pasyente. Pasalamat po tayo at di nakaabot sa atay niya ang sugat na natamo niya. Natahi na rin po namin ang sugat at nagpapahinga na lang siya ngayon sa room niya. But we still need to observe him dahil may chance na makakuha siya ng tetanus mula sa nakuha niyang sugat lalo na't di natin alam kung anong klaseng patalim ang ginamit sa pagsaksak sa kanya." Mahabang paliwanag ng doktor na tumingin kay Denver.
Napatango na lang ako sa sinabi niya. "Salamat po Dok. Pwede ko na po ba siyang makita?"
Tumango ang doktor kaya naman agad akong pumasok sa room ni Denver.

Natutulog siya sa kama niya nang makapasok ako. May malaking benda sa tiyan niya. Salamat naman at ok na si Denver. Siguro kung di siya agad nadala ng mga pulis na nagroronda kagabi dito, maaaring wala na si Denver ngayon.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Naiinis ako sa kanya dahil...dahil lalaki siya?
Pero naaawa ako sa kanya. Dahil sa akin kaya siya andito sa ospital.
Kung tutuusin malaki ang kasalanan ko sa kanya dahil niloloko ko lang siya. Pinapaniwala ko siya na may feelings din ako sa kanya. Wala akong ibang ginawa kundi sungitan at pahirapan siya, pero lahat ginagawa pa rin niya para saken. Pinapakita niya saken kung gaano niya ako kamahal.

Dapat ko na bang itigil 'tong pagpapanggap ko? Nasaktan na siya dahil saken. Kakayanin ko bang dahil saken ay masaktan ulit siya?

Napaigtad ako nang biglang may kumatok at magbukas ng pinto.

"Kumusta ang pamangkin ko?" Tanong ng isang matandang babae na dire-diretsong lumapit kay Denver at hinaplos-haplos ang buhok nito.

Nakasunod naman sa kanya ang isang matandang lalake, just like her hindi pa maputi ang buhok nito pero medyo paika-ika na itong maglakad. Akay-akay naman nito ang isang cute na batang lalake. Sa tantya ko ay nasa five years old ang batang ito at alam ko agad na kapatid siya ni Denver. Parehong-pareho kase sila ng mata.
Akala ko sila ang mga magulang ni Denver, pero hindi pala dahil tinawag na pamangkin ng babae si Denver.

"Stable na raw po siya.But they still need to do some tests." Magalang kong sagot.

"Ayy, mabuti naman." Napangiti ang matandang babae at tsaka tumingin sa akin. "Ito talagang pamangkin ko, shushunga-shunga din minsan eh. Susugod-sugod di naman pala kaya. Akala niya siguro siya si Captain Barbell." Tumawa siya ng bahagya. "Ikaw iha, kumusta ka?"

"I'm ok naman po. Niligtas po ako ni Denver from the holdapers. If it weren't because of him malamang ako ang nakaratay ngayon."

"Mahal na mahal ka talaga niya Abbigail, iha." Nakangiting sagot ng matanda.

I gave her a confused look. "Lage ka kase niyang kini-kwento sa'min. Araw-araw walang ibang bukambibig yan kundi ikaw. Kaya parang kilala ka na rin namin. Syanga pala, ako si Uncle Albert at yang matandang yan ay si Auntie Nova. Kapatid ako ng Nanay nina Denver at Renren." Nakangiting sabi naman ng matandang lalaki mula sa table. Sumimangot naman si Auntie Nova pero tumawa rin pagkatapos."Halika rito iha, kumain ka muna. Alam kong hindi pa nagkakalaman yang sikmura mo. Masarap 'tong kare-kare na luto ng Auntie Nova mo."

"A-ano pong kini-kwento ni Denver sa inyo tungkol saken?" Tanong ko nang makalapit na ako sa table. Kini-kwento niya kaya yung mga pagsusungit at panti-trip ko sa kanya?

"Marami, iha. Kagaya nang kung gaano ka kaganda. At nakikita kong tama nga ang sinabi niya. Napakaganda mong bata." Naramdaman kong namula ang pisngi ko sa sinabi niya. "Tsaka kung gaano ka raw kabait. Kahit yung mga simpleng bagay na ginagawa niyo ng magkasama ay kinikwento niya. Yung pagsabay nyong kumain, sabay na mag-aral. Naku, napakadaldal ng batang yan pag ikaw na ang pinag-uusapan. Lage mo raw syang napapasaya at ikaw ang isa sa mga inspirasyon niya sa pag-aaral. Kaya tuwang-tuwa kami dahil ang tataas ng grades niya ngayong sem."

Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon