Chapter 3

2 0 0
                                    

Pagod na pagod ako galing sa trabaho pero nung makita ko ang gwapong anak ko pag pasok ng pinto ay nawala lahat ng pagod at sama ng loob na nararamdaman ko.

"Hi Ma! How's your day?" ani ng anak ko habang hinahalikan ako.

"Okay naman po, ikaw ba behave ka lang kay tita ninang mo?" tanong ko habang pinupunasan sya ng pawis sa likod nya.

"Yes naman po Ma. Nag-play kami ni Tita ninang kaso ambilis ko palagi mapagod" bulong nya habang hinihingal pa.

"Okay don ka na muna sa room mo. Magpahinga ka muna,. maguusap lang kami ni Tita ninang mo ha?" nginitian ko sya at hinatid sa pinto ng kwarto nya.

Pagpasok ng anak ko sa kwarto nya ay bumuntong hininga ako ng mahaba at malakas dahil grabe ang stress na nararamdaman ko.

Napansin naman ito ng aking kaibigan kaya agad-agad syang nagtanong kung ano ang nangyare.

"Oh! Parang pasan mo nanaman ang mundo? Ano nangyare ha?" tanong nya habang ngumingisi

"We've met." simpleng salita pero lalong lumaki ang pag ngisi nya at pinaulanan ako ng pang-aasar.

"OMG! So nagkita na kayo? Anong sabi nya? Is this comeback?" parang baliw na sabi nya.

Halos mapaikot ang mga mata ko sa mga pinagsasabe nya dahil hindi ganon kasimple ang paguusap naming dalawa.

"Tinanong lang nya ako kung matagal na ba ako sa pinagttabahuhan ko." anas ko ng pabulong dahil hindi na ako masyado interesado sa usapan naming dalawa dahil naalala ko lang ang mga salitang binato nya sakin.

Flashback

"Kamusta kana? Miss Marasigan? I'm glad nagkita na ulit tayong dalawa" naka ngiti sya habang nagsasalita.

Agad na tumayo ang mga balahibo ko dahil sa pamamaraan ng pagtatanong nya.

"I-Im okay Sir.  Kamusta kana ren?" gumanti ako ng isang magandang ngiti para hindi nya mapansin na kinakabahan ako sa presensya nya.

"That's good to hear" aniya
"May gusto lang akong kuhain na pagmamay-ari ko sayo" halos mahigit ko ang paghinga ko ng bigkasin nya ang huling salita.

Halos magka buhol-buhol ang mga bituka ko sa kaba pero pinilit kong mag kunwaring wala akong alam sa sinasabi nya.

"H-ha? May hindi ba ako naibalik sayo bago tayo maghiwalay?" kunwaring tanong ko.

Ngumisi sya at sumama ang tingin nya sakin. Pilit kong nilabanan ang mga titig nya ngunit hindi ko nakayanan at kusa na akong bumitaw.

Tumikhim ako at sinabi na.
"Kung wala napo kayong ibang kailangan Sir, pwede napo akong umalis. Maraming Salamat po"

Tumalikod na ako sa kanya
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bigla syang nagbitaw ng salitang makakapag- palambot ng mga tuhod ko.

"Kung hindi mo ibabalik sakin ang pag-aari ko. Kukuhain ko sayo to ng sapilitan" mariin na saad nya.

Hindi na ako lumingon pa at dali dali akong umuwi sa bahay at pinuntahan agad ang anak ko.

Hindi ako tanga at hindi rin tanga si Kade, alam ko ang ibig nyang sabihin. Pero kahit anong mangyari o gawin nya.

Hinding hindi ko ibibigay sa kanya ang anak ko.

Kinabukasan ay nagluto muna ako ng almusal namin ng anak ko. Mabilisan na luto lang ginawa ko dahil nagmamadali ako.
Tinawagan ko ang magulang ko para sabihin na nagkita na kami ng tatay ng anak ko at balak pa atang kuhain sakin ito.

Kaya dali dali nila akong pinapabalik ng New York para makapagtago uli at hindi na kami guluhin.

Alam kong kayang kaya kaming hanapin ni Kade sa isang pitik ng kanyang kamay dahil maimpluewnsya syang tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire's Wrath (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon