Chapter Two

11 0 0
                                    

"Sya ang tatay ng anak ko" deklara ko sa kanya at nang tingnan ko sya ay halos hindi sya makapaniwala.
"Seriously!? Is that Kade Lucas Zapanta, the hot guy/madaming nagkakagusto na babae/the youngest billionaire!?" sunod sunod na sigaw ni Erica. Ngunit sa dami ng nasabi nya sakin ay isang tango na lamang ang aking nagawa.
"P-paano? Panong naging sya? Naging fling moba sya, one night stand? And it also looks like na hindi nya alam na may anak kayo!" tanong nya pang muli.
Nagsisisi ako kung bakit hindi ko naikwento sa kanya ang tungkol sa ama ng anak ko.
"He cheated on me" mahinang bulong ko dahil naalala nanaman ang nangyari.

Highschool lovers kaming dalawa ni Lucas, sobrang mahal na mahal nya ako at ganun din naman sya. Lahat ng gusto ko ay ibinibigay nya kahit hindi ko hinihingi dahil pakiramdam nya napagbago ko sya, nung nakilala ko kasi ito ay sobrang pasaway. Hindi pumapasok sa klase, laging nagbabar with his friends, nagyoyosi at kung ano ano pa. Palibhasa laki sa yaman kaya ganyan ang inaasta, tinulungan naman ang isa't-isa. Nag matured kami dahil sa relasyon namin, naka graduate kami ng sabay. Pinakilala nya ako sa pamilya nya at sobrang saya ko dahil hindi sila against sa relasyon na mayron kami ng anak nila. Not until our college days, magkahiwalay kami ng room kasi Business Management ang course na kinuha nya at ako naman ay HRM. Pumasok sa isip ko na sana hindi nalang kami nag college kasi bigla syang naging cold. Hindi na sya katulad dati na mahal na mahal ako, napansin ko din that time na sobrang maramdamin ko simpleng bagay iniiyakan ko na agad or nagagalit agad ako. One afternoon nagaway kami kasi hindi nya ako nasundo, galit na galit ako sa kanya, siguro naipon kaya nailabas ko lahat. Sya wala man lang ginagawa hindi nya ako inaalo o sinusuyo kaya mas lalo lang ako naiirita. Narindi sya ata sakin kaya nag walkout, umuwi akong magisa non. Naisip kona ako pala ang mali kasi di ko muna sya pinagpaliwanag tinawagan ko ang phone nya para puntahan sya at makausap. Nagriring lang sa kabilang linya, tatlong tawag pa ng may sumagot.
"Hello! Sino to?" nagitla ako dahil boses ng babae ang naka sa kabilang linya. Kahit nahihirapan ay pinilit kong sumagot sa tawag.
"Asan si Lucas? Pwede ko ba syang makausap?" anas ko kahit namumuo na ang tubig saking mata.
"Pwede naman, andito sya sa bar pumunta ka nalang kung gusto mo! Hanapin molang ang private room" sabi ng babae at kaagad na binaba ang tawag. Napaupo ako sa sahig dahil sa narinig, ngunit kahit nahihirapan ay pinilit kong tumayo at pumara ng sasakyan patungo sa location na sinabi ng babae.

Nakarating ako sa lugar na sinabi ng babae, sobrang ingay halo halong usok na nakakaliyo ang naamoy ko. Kung hindi kolang kelangan puntahan ang boyfriend ko ay hindi ako pupunta dito at hindi hahayaan ni Lucas na pumunta rin ako dito. Lumapit ako sa isang bartender at itinanong ko kung saan ang private room nila.
"Ah miss doon po sa taas ang private room" turo nya, nagpasalamat lang ako at umakyat na.
Nanglalambot ang aking paa habang naglalakad dahil alam ko na masasaktan ako sa aking makikita.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nakita ko ang lamesa at upuan. Nakita ko rin ang mga nakakalat na bote at alak hindi nakligtas saaking paningin ang apat na taong nakaupo ron. Sumulyap saakin ang babae na siguroy kausap ko sa telepono kanina,
"Ikaw ba yung naghahanap kay Kade? Naayan sya" turo nya sa taong kaharap nya. Pinagdasal ko na sana nagkakamali lang ako dahil ang taong tinuro nya ay may kahalikang ibang babae. Nakapatong sa hita nya ang babae habang syang nakawak sa bewang at puwetan nito.
"L-lucas?" bulong ko at agad syang humarap saakin. Nanlaki ang kanyang mata at napatayo sya ng bigla dahilan kung bakit nalaglag ang babae.
"Ouch baby ano ba!" maarteng imik ng babae at tumingin saakin ng masama.
Oh bitch! sya pa may ganang tumingin eh sya tong nakaupo sa hita ng boyfriend ko! Lumabas ako ng pinto ng hindi kona napigilan ang pagiyak ko, habang naglalakad ay may biglang yumakap sa likuran ko.
"B-babe it's not what you think o-okay? Wala lang yon babe" nagmamakaawang imik nya. Dahilan kung bakit lalo akong napahikbi
"Babe please, maniwala ka sakin. Lasing lang ako hindi ko naman alam na pupunta ka don eh!" sabi nya at halos mapatawa ako
"Yun na nga eh! Kaya mo nga nagawa yun kasi alam mong wala ako, pero anlaki ng pasasalamat ko sa babaeng sumagot ng tawag ko kasi nalaman ko ang totoo!"
"I'm breaking up with you! Ayoko na magtiis sa lahat ng sakit na binibigay mo! Maghiwalay na tayo, ayoko na!"pinaghahampas ko ang dibdib nya
"N-no babe nasasabi mo lang yan kasi galit ka, umuwi na tayo babe pagusapan natin to" pagmamakaawa nya
"You cheated on me, parehas lang naman tayo! Nagloko rin ako, kaya let's end this shit kasi naglolokohan lang tayo!" sa sobrang galit ko sa kanya ay nagsisinungaling na rin ako.
Napatigil sya naibaba nya ang kamay nyang nakahawak sakin at don ako nagkaron ng pagasang makalayo sa kanya, tumakbo ako pababa at lumabas ng bar ng umiiyak pinagtitinginan na ako ng ibang tao kaya pumara ako ng taxi.

Isang linggo na kaming hiwalay, hindi kona sya nakikita sa building nila. Habang naglalakad ako papasok ng room ay bigla akong nakaramdam ng pagsusuka! Dali dali akong tumakbo sa
CR, napahawak ako sa aking tyan. Inisip ko lahat ng nangyayari saakin. Ang mood swings ko, pagiging emosyonal ko, ang pagsusuka at pagkahilo. Pinunasan ko ang bibig ko at bumalik na sa classroom nagpasya ako na pumunta ako ng pharmacy para bumili ng pregnancy test. Kahit kinakabahan ay ginawa ko pa rin, inaantay ko ang resulta at halos mapasigaw ako sa naging result.
Im fucking pregnant, with Lucas child! Hindi ko alam ang gagawin ko napaiyak nalang ako. Niloko ako ng tatay nya at ayokong magkaawa na balikan ako dahil lang may anak kami! Kaya kong buhayin ang anak ko kahit walang ama. Nagpasya akong sabihin kay mommy at daddy, nagalit sila saakin ng una pero napatawad pa rin nila ako. Pinatigil nila ako sa pagaaral at sinama ako sa New York para doon manganak.

"So you both cheated?" tanong ni Erica at napabalik ako sa aking ulirat nang umimik sya.
"Hindi, sinabi ko nalang yun para bitawanan nya ako" sabi ko at humalumbaba
"Ngayon mo lang sinabi saakin to ha! Is he good in bed? Hahahaha" excited na tanong nya.
"Pwede ba, may malaki akong problema kelangan kong itago ang anak ko dahil alam kong kukuhain nya sakin ang anak ko!" asik ko
"Edi ipakilala mo, mare naman maawa ka sa inaanak ko, Cydrix deserves to know that he has a father!" sabi nya.
"But Lucas doesn't deserve his child! Niloko nya ako, niloko nya kami ng anak ko kaya gagawin ko ang lahat para itago sya!" sigaw ko nagagalit na

"Okay okay chill, im going to support all your decisions okay?"
"okay" sabi ko at napabuntong hininga.
"Uuwi na muna ako, magpahinga na muna kayong dalawa" sabi nya at humalik sa pisngi ko
"Sige bantayan mo muna si Cy bukas ha? May work ako tomorrow eh, wala akong mapagiiwanan" sabi ko at binuksan ang pintuan
"Sure, sure no problem! Bye Keana gorl love you!" I waved to her goodbye

Kinabukasan ay naghahanda na ako sa pagpasok ko sa trabaho napagluto kona din ng pagkain ang anak ko.
"Baby mama's going to work muna ha?  Si tita ninang muna ang bahala sayo rito okay? Wag pasaway ha!" sabi ko sa anak ko na nakaupo sa sala
"Opo mama, ingat po sa work love you mama!" sabi ng anak ko at hinalikan ang pisngi ko
"Iloveyou too baby" I kiss his forehead and wave him goodbye.

Naglalakad ako  papasok sa building ng kompanya ng pinag ttrabahuhan ko ng napansin kong pinag titinginan ako ng mga tao. Nang makarating ako sa sa pwesto ko ay lumapit sakin ang secretary ng boss ko.
"Keana, sir Oliver wants to see you in his office. May importante atang sasabihin" sabi nya sakin at biglang kinabahan dahil mukhang importante nga, masisisante naba ako? No please! Kelangan ko ang trabaho na to para sa anak ko. Tumango ako sa kanya at sinabing
"Sige papunta na" nginitian ko nalang sya kahit kabaliktaran non ang aking nararamdaman.
Kumatok sa office ng boss namin ng tatlong besea at pumasok.
"Goodmorning Sir Oliver pinatawag nyo raw po ako" imik ko ng may pag galang.

"Sitdown Ms. Marasigan, I just want to ask you. Are you familiar with The Zapanta Empire?" tanong nya ng nakangiti. Nahigit ko ang aking paghinga ng marinig ang apelyido nya.

"A-ahm No sir bakit po?" tanong ko at tumingin sa mga mata nya.
"Good! Mayron kasi akong papers rito at gusto kong ikaw ang magdala nito sa kompanya nila, can you do it for me?" nakangiti pa rin sya, hindi ko alam kung totoo ba yun o nangiinis lang.

"Yes sir, sino ba naman po ako para tumanggi" sabi ko at ngumiti na rin sa kanya. Plastikan gusto mo ha, sige go!

"Very good Ms Marasigan maaasahan ka talaga, pwede mo na syang dalhin ngayon. Thankyou makakaalis kana"
sabi nya nagpasalamat lang ako at lumabas na ng office nya.

Humugot ng malalim na paghinga, hinihiling na sana hindi tama ang mga naiisip ko.
Kinuha ko ang bag ko at bumaba ng building, sumakay ako ng taxi papunta sa Zapanta Empire. Pumasok ako sa loob at tinanong ako sa front desk kung sino ang sadya ko.
"Hi maam ano pong kelangan nila"
tanong ng babae sakin
"Ah may pinapabigay si Mr. Oliver sa boss nyo, kindly check your appointment book baka makita mo pangalan nya" sabi ko at itinago nalang ang inis

"Wala po dito maam eh, kayo po ba anong pangalan nyo" tanong ulit nya.
"Kea Nathalie Marasigan" sabi ko at tumingin sya agad sa papel na hawak nya.
"Oh okay maam, sige po pumasok po kayo sa loob sa left side andon ang office ng CEO namin thankyou" tumango ako sa babae at naglakad na.
Andito ako sa pintuan huminga ng malalim at kumatok ng tatlong beses.
"Come in" sabi ng isang baritonong boses sa loob. Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mga mata ko.
"Good day Ms Marasigan"
"Or should I say Mrs?" dagdag nya pa.

The Billionaire's Wrath (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon