Hi guys! Please take time to read this very important announcement.
So, gusto ko lang sabihin na ieerase ko na tong story na ito. "Erase" lang hindi "delete" kasi ieedit ko lang kasi to. You wouldn't read about this story na kasi ieerase ko na nga ito dito.
Yes, I will erase this story but syempre, hindi ko kayo basta bastang iiwan na lang sa ere. I'll make a different story and dito ko lang din ipupublish yun. So, parang hindi ko idedelete to and I'll just "edit" it pero ibang story nga lang ipapalit ko. Gets niyo? Hindi ko maexplain ng maayos eh. So guys, wag niyo itong ireremove sa library niyo if you want to read my new story.
The title of my new story is going to be "Not A Happy Ending?". I swear guys, this is going to be better than "Teen Clash: You Are Officially Mine". I'll surely make this story better talaga para hindi masayang yung effort ko and yung effort niyo. And mas madalas na din akong maguupdate dito. Seryoso na talaga yan guys ha. Yes, I admit na hindi ko masyadong inuupdate yung TCYAOM pero nagbago na ako guys. Charot. I'll update NAHE regularly talaga.
Yung NAHE pala guys, drama and love story yan. Tagalog din siya, not like TCYAOM na English. Sasabihin ko yung idea ko para sa story ha para malaman niyo naman and magkaidea na kayo sa concept and stuff.
-
So basically, this story is about a teenage girl. Well, isa siyang nerd. Her name is Patty. She likes nothing but to read. Lahat ata ng libro nabasa niya na. Ganyan siya kaadik sa mga libro. Also, she likes writing stories. She's actually an author in Wattpad. Mahilig siya sa romance and fantasy. Gustong gusto niya yang mga happy ever after, princes and princesses.
Sobrang rami niyang friends! Pero sa internet lang. She don't really have any friends in real life. Binubully pa nga siya eh.
Bakit nga ba siya binubully? Well, dahil lang naman sa physical appearance niya. She's bad in dressing up and she has A LOT of pimples. Halos matabunan na nga yung pagmumukha niya dahil sa rami ng pimples niya eh.
Her life was miserable not until dumating yung knight and shining armor niya. Naging sila for 5 months. Because of that guy, nagbago yung buong buhay niya. Yung nerd, panget at walang kaibigan na Patty na kilala niyo? Nawala na. She became famous in their school kasi gumanda siya ng sobra and naging model pa siya.
Sobrang saya niya na nun. Akala niya happy ending niya na... Hindi pa pala. Nalaman niya kasi na pinagpustahan lang pala siya nung guy at nung mga kaibigan nung guy. Sobrang nasaktan siya nun. Yun na ata yung pinakamasakit na nangyari sa kanya. That was her first heart break. Yun din kasi yung unang seryosong crush niya.
Bumalik siya sa dating sarili niya after their break up. Bumalik siya sa pagiging nerd niya, bumalik yung mga pimples niya at lahat na!
She doesn't want to love again na after nun. Ayaw niya nang masaktan pa. She doesn't want to experience being hurt again.
May naging kaibigan siya weeks after that. Mga transferee na nasa kabilang seksyon.
One time, pumunta siya and yung mga kaibigan niya sa isang party. And her friends introduced her to a guy. Gwapo, mayaman, gentleman, honest, mabait, maganda ang katawan at lahat na ng katangian sa isang ideal boyfriend nasa kanya na. Kaya naman hindi mahirap mafall sa kanya.
Gusto siya ni Patty... Gusto niya din si Patty. Kaso pinipigilan ni Patty yung sarili niya. Kasi nga, takot siyang masaktan muli.
Niligawan siya ng guy for months. Umabot na ata ng 3 months di niya pa rin sinasagot yung guy. The day after namang sagutin niya yung guy, hindi na nagparamdam yung guy sa kanya. Umabot ng ilang buwan at niisang text wala man siyang natanggap. Hindi niya rin alam kung asan yung guy. Actually, walang nakakaalam. Nawala na lang ng parang bula yung lalake.
Obviously, nasaktan nanaman siya for the 2nd time. Sinabi niya sa sarili niya nun, hindi na talaga. Hinding hindi na talaga siya magmamahal muli. Last na yun. Tama na yung sakit na naramdaman niya.
A month after, biglang bumalik yung lalake. Yung boyfriend niya... Hindi yung 2nd boyfriend niya kundi yung 1st! Yung first heartbreak niya.
Inexplain lahat nung guy sa kanya lahat ng nangyari. Yung tungkol sa pustahan, yung pagsisisi niya at kung gaano niya kamahal si Patty.
Hindi man aminin ni Patty pero hanggang ngayon, mahal pa din niya yung lalake.
Happy ending na sana. After lahat ng paghihirap at sakit na naexperience niya, matatamo niya na sana yung "happy ever after" na inaasamasan niya. Kaso... may brain tumor siya.
-
So yan na nga naisip ko guys. Sana nagustuhan niyo yung plot para naman hindi masayang yung effort ko kakaisip at kakatype.
Although sinabi ko na kung anong mangyayari sa magiging story ko, wag niyo pa ring iexpect na yan na talaga yung mangyayari sa story. Madami ang magiging changes ng story. So parang gugulatin ko talaga kayo sa mga mangyayari. There will be A LOT of plot twists.
Naisulat ko na yung ilang chapters sa mahiwaga kong notebook. Kulang na lang itype ko yun dito para mabasa niyo na. I'll post the Chapter 1 of NAHE tomorrow or kahit kailan basta within this week. Hinihintay ko pa kasing mabasa niyong lahat itong announcement ko na ito para hindi kayo magulat kasi biglang nagchange yung story.
Ipupublish ko yung NAHE Chapter 1 sa TCYAOM Chapter 1. So parang ieedit ko lang. I don't know if you'll get a notification pag inedit yung story. I've never tried that before kasi eh. But anyway, icheck niyo lang. Basta, start reading from the very beginning ha. Baka kasi maskip niyo eh.
I think NAHE will have a Book 2 pala guys! May naisip na kasi akong idea kung paano ko tatapusin yung Book 1 and kung paano ko sisimulan yung Book 2. Sana lang talaga maging successful tong storyang ito. Anyway, ano kaya isusulat ko sa Book 2? May hula ba kayo? May sakit si Patty, paano kaya yan? Makakahanap kaya ng bagong love of his life yung guy at yun na yung ipagpapatuloy ko sa Book 2? Or isusulat ko kaya yung "adventure" ni Patty kung namatay man siya? Orrr nagkaanak kaya si Patty and yung guy tapos yan na isusulat ko sa Book 2? Aba, secret! Kaya abangan niyo yaaan!
And I think, there will also be a Book 3. I'm not really sure pa guys so wag kayong magexpect ha.
I would like to thank everyone nga pala. Sa lahat ng bumasa ng TCYAOM. Obviously, hindi aabot ng 112K reads, 193 comments and 771 votes ang storyang ito without you guys. So thank you, thank you, thank you talaga. I can't thank you enough. To all foreign readers, sa lahat din ng Pilipino readers ko, thank you so so much.
I know may mga readers akong hindi taga Philippines but I don't know why nagtatagalog ako ngayon. Hahaha. Tagalog na kasi yung upcoming story ko so dapat tagalog na din tong announcement ko ganern.
Sorry nga pala guys kung sooobrang tagal before ko nauupdate yung TCYAOM. Tamad kasi ako. Huhu. And nawawalan din ako ng ideas for this story that's why nga I've decided to erase this na lang and change it sa ibang story.
Binasa ko din pala lahat ng comments niyo. OMG! You're all so kind. I super LOVE reading your comments talaga. ❤ Sobrang konti lang talaga nung negative comments. Less than 5 lang ata. ☺ Well, it's not actually "negative" kasi sinabi niyo lang naman kung ano yung dapat kong iimprove. But, oh well.
So yan na nga guys. Hindi ko na papahabain pa ito kasi mapapagod lang ako kakatype and mapapagod lang din kayo kakabasa. Hahaha. Basta ha, thaaank you and sorry sa lahat. Basahin niyo sana yung upcoming story ko, you'll surely like it. That's all, I love you all so much.

BINABASA MO ANG
Not A Happy Ending?
Ficțiune adolescențiSophia wants her ex-boyfriend Colt back but it's going to be hard for her since she and her friends--Cassandra, Tiffany, Alexandrea, Lissa and Sunshine are going to transfer to another school and another house. Sophia and her friends will be living...