"Ha? Eh nandon pa si Jed, nasa kaniya ang susi. Hindi naman ako marunong magdrive gaga ka!" Umirap pa siya. "Hintayin nalang natin."
Wala akong nagawa kun'di ang maghintay. Malayo layo ang daan pauwi at ayoko naman lakarin iyon.
Tahimik lang kami ni Annie habang naghihintay. Nasa food court kami, nakaupo habang kumakain ng binili niyang chips.
"Hoy, ikaw ah? Sino 'yon?" Sinabi ko na nga ba't naghihintay lang siya ng tiyempo para tanungin iyon.
"Ewan ko, tanong mo kay Jed." Tipid na sagot ko.
"Pilosopo ka! Nagtatanong ng maayos yung tao eh." Hahampasin niya pa sana ako pero mabilis akong nakailag.
"Sumagot din naman ako ng maayos ah? Hindi ko naman talaga siya kilala. Hindi ko nga alam ang pangalan niya."
Napasapo siya sa noo at pumikit ng mariin. "Eh bakit hindi mo tinanong?!"
"Ayaw ko eh, tsaka di niya rin naman tinanong ang pangalan ko." As if naman gusto kong malaman ang pangalan niya.
Hindi na siya sumagot at tumango nalang.
Ilang minuto pa kaming naghintay bago dumating si Jed. Nagsorry pa siya dahil napaghintay niya raw kami.
"Sorry ah, napahaba kasi ang kwentuhan eh.. Atsaka Ven, pagpasensyahan mo na 'yon si Wyn ah ganoon lang talaga siya makipag-usap."
Wyn? So Wyn pala ang pangalan niya.
Tumango lang ako at ganoon din naman si Annie.
"Okay nga siya eh, masaya kausap. Try mo kaya idate Ven? Para magka-"
Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita at nauna na sa paglalakad. Narinig ko siyang tinatawag ang pangalan ko at sinasabing joke lang iyon pero hindi ko na pinansin.
"Pero what if diba? Try mo lang!"
Nasa kotse na kami't lahat pero iyon pa rin ang bukambibig ni Annie.
"Babe, stop na. Baka mapikon na talaga si Ven sa'yo at mag-away kayo.." Pumagitna naman si Jed sa amin.
"As if naman kaya niyang magalit sa akin.." Tumawa si Annie.
Napairap nalang ako. Napakabruha talaga nitong babaeng 'to. Porket alam niyang siya lang ang kaibigan ko at hindi ko kayang magalit sa kaniya ng matagal ay tinetake advantage niya na iyon. Napatawa nalang din tuloy ako.
"Malabo rin dahil may pinopormahan na iyon si Wyn..."
Akala ko ay tapos na ang pag-uusap namin tungkol doon pero hindi pa pala.
"Weh? Sino?!" Tanong agad ni Annie.
"Hindi ko kilala eh pero school mate raw natin."
Hindi na ako nagsalita pa dahil ayaw ko ng madagdagan ang usapan namin. Gusto ko nalang matulog hanggang makauwi.
Kagaya ng sabi ni Annie, ay umuwi rin agad kami. Sa kanto lang kami hinatid ni Jed dahil hindi kami pwedeng makita sa loob.
"Dito nalang, thank you babe!" Nagyakapan pa sila at humalik sa pisngi ng isa't-isa bago kami tuluyang umalis.
Maglalakad pa kami ng kaunti bago makauwi. Siguro mga 15 minutes pa ang layo. Pwede namang sumakay ng tricycle pero dahil malapit lang naman, nilalakad lang namin.
Kapag magkasama sila Annie at Jes ay hindi ko maiwasang maisip kung paano nila nakayanang tumagal ng tatlong taon. Puro away kasi sila at hindi pa sila legal. Hindi naman sa ipinagbabawalan kami pero mas mabuti raw na makapagtapos muna kami ng pag-aaral bago pumasok sa mga relasyon na 'yan.
YOU ARE READING
Unloved (On-going)
Teen FictionWhen will you decide to unlove the person who once became the love of your life? Date started: October 21, 2021 Date ended: ----