Prologo
Unti-unti bumibigat ang talukap ng mata ko. Nahihirapan na ring akong huminga. Hindi ko na kaya. . .
Masaya akong naranasan kong mabuhay sa mundong ito. Naranasan ko ang maghirap, sumaya, umiyak, at tumawa.
Pero ang tanging hindi ko pa nagagawa sa mundong ito, ay magmahal. Magmahal ng isang lalaki na kaya akong mahalin kahit na sino ako. Kaya akong mahalin gaya ng pa'no ko siya mahalin.
Lalaking makakasama ko pag-tanda, pero ngayon alam kong hindi ko na mararanasan iyon. Matanda na ako. Mamatay na ako.
Ngayong mamatay na ko‚ masaya akong aalis dahil alam kong maayos ko silang iiwan. Wala talagang permanente sa mundong ito. May aalis, may babalik, may mawawala at may maiiwan.
Pero hindi ibig sabihin no'n ay nakakalimutan nating ang mga ala-ala nila. Ang mga ala-alang kasama natin sila, ala-ala na masaya.
"H-hindi ko na k-kaya. . ." nahihirapang saad ko. Naramdaman kong hinawakan ng kaibigan ko ang kamay ko.
"Hindi pwede Eulilia. . ." umiiyak na saad niya." H'wag ka munang mawawala, hahanap pa tayo ng asawa," dagdag pa niya.
Siraulo talaga. Mamatay na nga ako.
Natawa ako dahil sa sinabi niya, gusto ko sanang batukan siya ngunit alam kong pinapangiti lamang niya ako, nanghihina na rin kase ako.
Inilibot ko ang tingin ko, lahat sila ay umiiyak. Napatingin ako sa lalaking nakatingin sa akin ngayon. Gwapo at matangkad. Kilala ko siya. Siya ang kaibigan ni Zaiden.
Nakatayo ngayon si Seven at isa pang kaibigan ni Zaiden. Katabi nila ang apo kong na ngayon ay umiiyak.
Zaiden, Steven, and Seven.
Marahil ay natataka kayo na may apo ako gayong wala naman akong asawa?
Matanda na ako nang makilala ko ang tatay ni Zaiden, bata pa lang ang tatay niya ng maging hardinero ito sa bahay namin. Nalaman ko na ulila siya kaya naisipan kong kupkupin ang tatay niya upang pag-aralin at maging anak-anakan ko.
Nang makahap ito ng asawa ay maging masaya ako dahil magkaka-apo na ako. Hindi ko man naranasan na magkaroon ng asawa ay naranasan ko naman na magkaroon ng anak at apo. Kuntento na ko roon.
Rinig ko ang iyakan nila nang ipikit ko ang aking mga mata. Unti-unti na rin akong kinakapusan ng hininga. Sa susunod na buhay sana sila parin ang makasama ko. Sana.
Lalong lumakas ang iyak nila nang marinig nila ang tunog ng makina.
Ngumiti ako, matamis na ngiti dahil ayon na lamang ang huling maibibigay ko sa kanila.
Paalam. . .
"Yella! gumising kana!" rinig kong sigaw ni Ate Laura.
------
Hi, your vote and comment are highly appreciated! mwuah!
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again‚ Seven
FantasiaMULI Series #1 Tanggap na niyang mawawala na siya sa mundo. She's ready to leave. . .she's ready to die. Naranasan na niya ang hirap, saya, lungkot at tuwa, but there's one thing that she doesn't experience yet and that is love, to be loved by a man...