Kabanata 1
Malamig
Malamig ng magising ako sa isang kwarto na may nakakasilaw na liwanag. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga puting kumot na nakatakip sa mga higaan.
Tinakpan ko ang aking ilong ng maamoy ko ang nasa paligid ko. Bumaba ako sa kinauupuan ko. Naglakad lakad ako upang malaman kong nasaan ako.
Tangina bakit ang baho? Nasaan ba ako.
Naglakad ako at lumapit sa isang puting kumot. Hinila ko iyon pababa, upang makita kung ano ang nakalagay roon. Sa totoo lang ay nakakatakot sa kwartong ito. Kahit may ilaw ay madilim pa rin.
“Wahhhh tangina!” sigaw ko dahil sa sobrang gulat. Bakit may patay rito? May bulak na ito sa ilong at nakakatakot ang ngiti ng lalaking nakahiga.
Hinila ko pababa ang mga kumot na natitira. Kagaya ng kanina, patay rin ito. Tumakbo ako ay hinanap ang pinto palabas. Kailan kong makalabas rito ng buhay. Baka mamatay ako sa gulat kapag tumayo sila ro'n. Nakakatakot rito. Ano ba!!!!!
Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag. Nang magsimula ba akong maglakad ay pinagtitinginan nila ako. Ang iba ang umaatras at parang nakakita ng multo, may tumakbo at nagtago.
“M-multo.”
Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang katulad ko? Inirapan ko ang mga taong napapatingin sa akin. Tsk, siguro ay inggit sila dahil sa sobrang ganda ko.
Bakit nga ba nandito ako sa hospital? Wala naman akong sugat, at hindi ako naaksidente. Tapos yung nakita kong lalaki ro'n sa morgue, ang panget! Pero joke lang po. Baka multuhin ako at hindi patulugin.
Bakit ba nando'n ako sa morgue? Patay ba ako para ro'n ilagay. Mga sira-ulo siguro ang naglagay sa akin do'n. Mga may tileleng. Sino ang matinong taong maglalagay sa’kin doon? Buhay pa ko pero pinapatay na nila ko kaagad.
Sakit sa heart ah.
Mapuntahan nga si Gwendy sa bahay niya. Siguro ay busy na naman iyon sa mga lalaki niya. Palibhasa ang landi ang kaibigan ko. Tsk, kulang na lang ay landiin niya ang mga lalaking nakikita niya, siguro kahit matanda ay papatulan niya. How I wish na sana ay makahanap na siya ng lalaking mamahalin siya at aalagan siya.
Palibhasa ay nasaktan siya noon kaya siya nakakagano'n ngayon. Hay buhay.
Hinitay kong bumukas ang elevator sumakay ro'n, napatingin ako sa lalaking kasabay ko. Infairness gwapo ng kaunti, oo gwapo pero unti lang. Bakas sa mukha niya ang gulat. Nanginginig rin ito habang nakatingin sa palapulsuhan ko. Umatras pa ito at nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa palapulsuhan ko.
Ano ang kinakatakot ng sira-ulong ’to?
Tinignan ko ang nasa wrist ko. Oh anong meron sa telang nandito? Ito lang ay kinakatakot niya? Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
“Jesus, please help me,” saad nito, habang ang nakatingin sa taas. Tumingin ako sa tinitignan niya. Ang kamay niya ngayon ay magkalapat na para bang nagdadasal.
“Kuya anong meron sa taas?” takang tanong ko at ginaya rin ang ginagawa niya pati ang kamay na nasa dibdib niya.
Nanginginig niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at magdial. Muntik pang mahulog ang phone niya kamamadali. Mabilis niyang tinipa ang phone niya at inilagay sa kaniyang tenga.
“Wahhhh tangina may multo, pre tulungan mo ko!” sabi niya sa cellphone habang hindi mapakali.“Ginagaya ako.”
“Wahh tangina may sira ulo rito, pre tulungan mo ko,” gaya ko sa kaniya at tumawa. Lalo siyang natakot sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again‚ Seven
FantasyMULI Series #1 Tanggap na niyang mawawala na siya sa mundo. She's ready to leave. . .she's ready to die. Naranasan na niya ang hirap, saya, lungkot at tuwa, but there's one thing that she doesn't experience yet and that is love, to be loved by a man...