Kabanata 2
Yella
“Patay na ba ko?” tanong ko sa aking sarili. Iniharang ko ang kamay ko sa aking mukha dahil tumatama ang liwanag sa akin. Nasisilaw ako.
Iginala ko ang aking mata. Walang kahit anong tao ang narito, kun'di ako lang. Wala ring kahit anong bagay at gamit. Puti ang nasa paligid. Nakakasilaw rin ang liwanag.
Sinubukan kong tumayo upang hanapin ang daan. Ngunit bigla nalamang akong natumba. Nanghihina rin ang katawan ko at para akong nakalutang.
“H‘wag mo nang subukang tumayo‚” nilibot ko ang aking mata para hanapin ang taong nagsalita.
May kasama ako?
“S-sino k-ka?”nahihirapang tanong ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Nauuhaw ako.
“Ako ay ikaw, ikaw ay ako,” kumunot ang aking noo.
Ano raw? siya ay ako at ako ay siya?
“Alam kong naguguluhan ka. Maiintindihan mo rin ako pagdating ng araw‚” seryoso nitong saad. Base sa boses niya ay may katandaan na iyon.“Siguradong masakit ang katawan mo‚ maswerte ka at may naglitas sa’yo‚”
“Ibig sabihin buhay ako?” tanong ko.“So wala ako sa langit?” tuloy parin ako sa paghahanap sa taong nagsasalita. Nasaan kaya iyon.
“Wala ka sa langit. At kung mawawala ka sa mundo, paniguradong hindi sa langit ang punta mo,” natatawang saad niya.
“Ay grabe ka po,” saad ko. Muli akong humiga at tumingin sa taas.“Mabait naman po ako,” dagdag ko.
“O siya, bumalik kana. Hinihintay ka na ng bago mong pamilya. Hanggang sa muli nating pagkikita. . .” dinig ko pang sabi niya. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla nalamang akong nakatulog.
Unti-unti kong naramadaman ang bigat ng ulo ko. Binuksan ko ang aking mata at tumambad sa akin ang isang matandang babae. Nakangiti ito sa akin habang hawak ang noo ko.
“Mabuti at gising kana‚” ngumiti siya at binigyan ako ng tubig.“Bumaba na ang lagnat mo‚” tumalikod siya at pumunta malapit sa upuan kung nasaan mayro'ng palanggana.
Siya ba ang nakausap ko sa panaginip ko? Medyo hawig ang boses nila.
Umupo ako at ininom ang ibinigay niyang tubig.
“S-salamat po‚ bakit po ako nandito?” tanong ko. Ngumiti ulit siya. Ang weird niya‚ palagi siyang nakangiti.
“Hindi mo maalala 'no?” saad nito.“Mahilig talaga siyang magbura ng alala, tsk. . .” umiling iling pa siya.
“A-ano ho?” naguguluhang tanong ko. So weird. Lumapit siya sa akin at nagsimulang punasan ako.
“Nalunod ka sa ilog‚ nakita ka ni Leonardo na palutang-lutang.” sagot niya.“Saglit lang, titignan ko lang ang niluluto ko ro'n” tumayo siya at binitawan ang hawak niya bimpo. Pumasok siya sa isang pinto.
Nalunod ako? Wala akong maalala. Tumayo ako at hinanap ang daan palabas. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas, sariwang hangin ang bumungad sa’kin. Gumihit ang ngiti sa aking labi ng makita ko ang mga batang naglalaro nang habulan.
Ang cute nilang pagmasdan.
Nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang napanaginipan ko kanina. Ano kaya ang ibig sabihin no'n?
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again‚ Seven
FantasyMULI Series #1 Tanggap na niyang mawawala na siya sa mundo. She's ready to leave. . .she's ready to die. Naranasan na niya ang hirap, saya, lungkot at tuwa, but there's one thing that she doesn't experience yet and that is love, to be loved by a man...