Pamilyar

0 0 0
                                    

Hindi kita hinahanap ngunit kapag napapadpad sa lugar mo, naiisip ako kung nakikita mo ako.

Kawangis mo yung dumaan, tinitigan ko. Maaring ikaw, ngunit sa saglit na pang-uusisa ay hindi. 

Hindi naman kita hinahanap. Pero bakit tuwing napapadpad sa lugar mo ay napapaisip ako, paano kung nakita mo ako ngunit nahihiya ka lang lumapit?

Lumipas na ang maraming araw, hindi ko alam kung hinahanap ka pa rin nila. Ang isang tulad mo ay alam kong 'di susuko, kaya siguro magmamatyag ka na lang sa malayo. Titignan kaming, parang walang bago. Pero sa'yo tiyak kong marami nang nagbago.

Hihintayin mo na lang ba ang dulo? Kung ako ang nasa iyong lugar, ay hindi ko rin alam... Marahil oo, magtatago ngunit 'di susuko. 




Ang konteksto ay ibabahagi ko kapag mayroong magkokomento. Hulaan niyo. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Context and Perspective Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon