Entry ~ 5

825 18 7
                                    

MEIMP *Entry Five

Russel Flinn's POV

"Hay. Wala akong nililigawan at wala akong balak manligaw ng iba dahil iisa lang naman yung gusto kong ligawan..." May binulong pa siya pero di ko narinig. Sino daw?

"Ha? Ayiiee tama nga ako. Hayaan mo tutulungan kita dun ^^" Sabi ko at tatango tango pa.

"Pano mo naman ako tutulungan? Eh ikaw yon" Ano daw? Ako? Gets ko naman eh. Kaso parang di matanggap ng utak ko. Di ko alam kung bakit...

"Anong ako?" Pagsisinungaling ko.

"You know Flinn, you'll never be good in lying. Alam mo na mahal na kita dati pa lang, ngayon lang ako nagkalakas ng loob para manligaw... Ano papayagan mo ba ako?" Oo alam ko yun Zach. Kaso ayoko masira friendship naten. Pero bullshit din yun kase nung time na nahulog ka saken sira na... Hays, mukhang problema din to.

"Okay. Sorry. Eh kasi di ko naman alam kung pinagtitripan mo lang ako eh." Pag iiba ko ng topic. Ayoko sagutin yung tanong niya. Nakakatakot.

"Kilala mo ako Russel Flinn. Alam ko magbiro at alam ko kung pano magseryoso. At seryoso ako sayo. Mahal na mahal kita. Sana naman bigyan mo ako ng pag asa."

"Pag iisipan ko muna Zach... Ayokong madamay ka pa sa mga problema ko, hayaan mo muna akong makapag isip... Sorry. Sige una na ako." Bumaba na ako sa kotse niya tutal nakarating na din naman kami sa school. Di ko napansin na sinundan niya pala ako.

"Flinn... Please?" Bigla siyang humarang sa dadaanan ko.

"Zach. Not now"

"Please? Pag usapan natin to" Napansin ko naman na madami ng nakatingin kaya hinila ko siya sa walang masyadong tao. Nakakahiya tong mokong na to para tuloy kaming mag jowa kanina na nag aaway.

"Nako Zach Andrei. Ano na naman yung pakulo mo kanina? Haist!" Binaba ko muna yung bag ko saka umupo na parang iritable.

"Hehe sorry naman, gusto ko lang naman na bigyan mo ako ng pag asa eh. Gagawin ko lahat Russel... Hayaan mo lang akong mahalin ka" Nakita ko naman na seryoso siya ngayon at walang bakas ng pagbibiro.

"Pero... Bestfriend kita diba? Ayoko masira yun" May alinlangan na sabi ko. So gusto ko din pala ganun? Geez.

"Oo nga. Pero itatry lang naman natin diba? Ngayon lang ako nagconfess ng ganito Russ... Kung di magwork tatanggapin ko, walang magbabago. Pangako" Parang ang unfair naman sa kanya yun pero sumusugal pa din siya.

"Okay sige. Fine. Walang magbabago kung di magwork ha?" Parang ang unfair naman ata ng deal niya... Unfair sa kanya..

"Yes. Pero sana wag mo naman ako layuan. Kase pano magwwork diba?"

"Oo hindi ako lalayo. Hay Zav matagal ka na palang nahumaling saken ngayon mo lang sinabi." Pagbibiro ko sa kanya. Sabay irap.

"Haha! Oo nga eh. Sana pala di ko sinayang yung mga panahon na crush mo daw ako sabi ni Alex. Hahaha!" Aba siraulo yun ah!

"W-woy! Di totoo yun noh!" Ggo tong si Alex. Grr! Di ko pa din makakalimutan yung ginawa niya kagabi. Ang kapal ng mukha niyaa!

"Defensive. Yaan mo babe, iingatan ko yan ;)" Sabay turo kung san yung puso ko. Sana nga Zav, pag sinaktan mo ako di ko na alam gagawin ko.

"I trust you Zach Andrei Vera Cruz. You break my heart. You will not ever get close to me. Mark my words."

"Oo na po. Magttime na pala... Tara na :)" Sinundan ko na lang siya at naglakad na kami papunta sa room namin.

Nakarating na kami sa room. Haist si Tanda pala yung first subject namin.

"Oy babaita! Kamusta ka naman? Hmm..."

My Ex Boyfriend is My Professor (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon