Entry ~ 4

988 15 0
                                    

MEIMP *Entry Four

Russel Flinn's POV

"Yeah thanks for the accompany. Babawi ako sayo next time na ikaw naman mag aya. By the way, where are you? Papunta na ako" Kausap ko ngayon si Zach via call. Buti na lang talaga at pumayag siya dahil kelangan kong magbar ngayon. Gusto kong malasing at makalimot. Sobra...

"Hays, pasalamat ka gwapo yung bestfriend mo. Sabi mo yan ah? Pag ako naman nang aya..." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Gwapo daw siya. Haha oo pero gwapo talaga siya, mas gwapo nga lang si Alex hays.

"Ewan ko sayo Zav, sige na nagddrive ako. Magpapalit muna ako saglit, magkita na lang tayo dun. Bye!"

"Ah sige, ingat ka. Bye Russ! I lo-" Inend ko na yung call, may sinabi pa ata siya pero di ko na narinig. Bahala na.

Nakarating na ako sa Condo na tinutuluyan ko ngayon. Pinabili ko ito kila Mom last year lang dahil gusto ko maging independent. Nagbihis na ako kaagad. Nagsuot ako ng high waist pants at crop top at pinarisan ng 3 inches na wedge since ayoko naman mag heels ng napakataas dahil hassle lang. Kinulot ko yung buhok ko sa may bandang baba at nag apply ng make up na di ganun kakapal. Maganda naman ako kahit walang make up. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin...

Oo nga Russel maganda ka, matalino, sexy, lahat na ata na sayo. Pero bakit ganun? Hanggang ngayon ang sakit pa din. Kaya palaisipan saken kung bakit pinagpalit ako ni Alex kay Reena. Maganda naman din yun pag may make up nga lang. Bitter mode na naman ako. Hmp

Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta sa bar na pagkakakitaan namin ni Zav. Mula sa labas natanaw ko na yung sasakyan niya. Parehas silang gwapo nung sasakyan niya. Pinark ko yung sasakyan ko sa tabi ng sasakyan niya at bumaba na.

"Witwiw. Ayos ng porma natin ah?" Ngisi ngising bungad saken ni Zach. Ang gwapo talaga ng bestfriend ko kaya nga di ko alam kung bakit hanggang ngayon eh wala tong girlfriend eh.

"Aish tigil tigilan mo ako sa ganyan mo Zav. Maganda na ako dati pa" Pumasok na kami sa loob ng bar. Medyo maingay at puro may class dito sa 7th High. Actually isa ang family ni Zach sa owner nitong bar na to.

"Oo alam ko. Kaya nga ako na--"

"Ha?" Nagtaka ako ng bigla siyang napatigil sa pag sasalita. Ano daw?

"W-wala :)" Ngumiti na lang siya saken. Loko talaga to.

"Baliw ka talaga, tara na nga!" Dun kami dumiretso sa may taas kung nasan yung mga couch dahil VIP kami since kilala na kami dito.

"Ano naman drama mo at inaya mo ako dito? Himala Russel. Anong meron? May lagnat ka ba?" Natawa lang ako sa sinabi niya. Party girl ako pero ni minsan di ko siya inaya dahil pinapagalitan niya ako pag kasama ko siya.

"Hay Zav, ang gwapo mo talaga. Sana ikaw na lang..." Pabiro kong sabi nakita ko naman na sumeryoso yung mukha niya. Di ko na siya hinintay magsalita at nagpaalam ako na bababa muna saglit para sulitin ang gabing ito. Ayokong umupo lang dun noh. At knowing Zach, pag katabi ko yan halos di na ako pinapainom, kesyo malalasing daw ako. Baliw talaga.

Zach Andrei's POV

"Hay Zav, ang gwapo mo talaga. Sana ikaw na lang..." Hayst Russel.. Sana ako na nga lang. Alam ko naman yung dahilan kung bakit ka nag aya ngayon eh. Dahil na naman kay Alex. Si Alex na naman.

Tinawag ko yung waiter at umorder ng isang hard na alak. Wala akong pake ngayon. Nasasaktan din ako. Nasasaktan ako kasi wala akong magawa hanggang ngayon. Alam ko naman na di siya manhid at alam niya na may pagtinggin ako sa kanya ever since nung mga bata pa kami.

Maganda na siya dati pa. Kaya di ko alam dito kay Alexander kung bakit siya ginago. Hanggang ngayon di ko pa din siya nakakausap mula nung naghiwalay sila. Baka din pag nalaman ko yun mabugbog ko siya.

My Ex Boyfriend is My Professor (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon