AUTHOR'S NOTE:
Sa wakas e nasimulan ko na ang pag-edit nito. Tagal na rin. Anyway, sana mag-enjoy kayo.
@Ai_Tenshi: para sa iyo ang first chapter dahil may plano pa tayong magcollab pero di ka nagpaparamdam. hahaha! :P
------------------------------------------------------
CAPITULO I
"Anak naman ng tinapa o!", ito na lang ang nasabi ko matapos kumalas ang strap ng bag ko at natapon ang mga gamit ko sa sahig ng kwarto ko.
Isa-isang pinulot ang mga kalat at habang kinukuha ko ang mga nahulog kong gamit ay napansin ko ang isang sulat na ginawa ko noon, bumalik ang mga alaala ng kahapon dahil sa mga salitang nakapaloob sa sulat na ito.
.
.
.
"A straight A student, president of the student body, an environmentalist, medyo good-looking and full of potential, ano pa nga bang hahanapin ng mga tao sa isang katulad ko? I am God's exemption to the "nobody's perfect" rule cause I am; but no, I didn't say I'm happy and grateful for being one. I grew up in a family of lawyers and public servants, my lolo was once the most prized pro-bono lawyer in the country same with my father who's now serving the people through his position in the House of Representatives. The family line serves the reason why I became the student council president in my junior year. My dad told me that I should start honing my political skills as early as now so I can understand the value of serving people which I hated, why? Because all I ever learned in this effing system is corruption and hypocrisy, environmentalist pa naman ako kaya lalong ayoko sa mga plastic.
Pero do I have any damn choice?
My life is so predetermined by my dad, I always feel that I am not driving my own life, it seems that my whole existence is on autopilot. I have all the attempts para magpakagago, para sirain ang buhay ko pero I can't afford to.
Bakit?
Kapatid ko lang naman kasi ang most elusive bachelor ng bansa who's very known for his manly charms, for being a ladies' man and his unmatched IT skills making him one of the youngest IT consultants in the country. I am trying to match him in whatever way possible dahil sa siya ang paborito ni Papa, he's always the better son, and I am the one who's so left behind, pano'ng hindi? 8 years ang gap namin... sumasali na siya sa mga Math quiz bee e lumalaklak pa lang ako ng gatas gamit ang tsupon. Kainis! Alam mo yung feeling na kahit ikaw ang bida sa mata ng lahat ng tao sa eskwelahan ninyo e 2nd best ka lang sa mismong pamilya mo... if anyone wants to trade life with a Benjamin Bautista, do it now!
Unti-unti kong binalikan ang mga alaala na dahilan kung bakit ko naisulat ang mga bagay na ito at naisip kong may mga nakaraan pala akong pinilit ko na lang kalimutan at iwanan, mga alaalang mas mabuti na lang na iwanan sa nakaraan kesa makipaghabulan sa kasalukuyan pero mahirap iwan ang isang mahalagang alaala.
"Pupunta ka ba?", tanong sa akin ni Richelle, isang kaibigan mula pa nuong hayskul pa ako.
"Pwede bang hindi na lang?", tugon ko habang umiinom ng Hot Chocolate dito sa paborito kong coffeeshop na malapit lang sa bahay namin.
"Burol ng tatay niya, kailangan ka niya roon."
"Hindi ako sigurado kung handa na ba akong makita siya, sila.", pag-aalangan kong tugon. Hindi ako tumitingin sa kanila bagkus ay nakatitig lang ako sa tasa ko at tinitimbang ang mga posibilidad ng mga bagay-bagay.
BINABASA MO ANG
TIME (boyxboy)
Teen Fiction"I am the God's exemption to the rule that nobody's perfect cause I am... but I never said I am happy" "Environmentalist pa naman ako kaya ayoko ng plastik" "Naging hobby mo na bang manakit ng ibang tao?" Every action that we do is a reflection of t...