Dumating ka na ba sa punto ng buhay mo na gusto mong sisihin ang lahat dahil pumalpak ka sa pagpapatakbo ng sarili mong buhay? Naranasan mo na bang maging kontrabida sa pelikulang ikaw ang bida? Naramdaman mo na bang masaktan at manakit ng mga taong dahilan kung bakit ka nabubuhay? At nalaman mo na ba ang mga sagot sa mga tanong sa utak mo pero sa kamalas-malasan, wala nang kwenta ang mga sagot dahil wala na ring saysay ang mga tanong? May mga bagay ka bang pinagsisisihan o baka naman buong buhay mo e hindi mo nagustuhan? At kung magsisi ka man... may pagkakataon ka pa bang baguhin ito? Nasabi mo na ba sa sarili mo na sana hindi mo nagawa ang mga nagawa mo na at sana kaya mo pang balikan ang nakaraan para kung hindi mo man mabago ang ito ay makahingi ka man lang ng tawad sa mga taong nasaktan mo noon?
Ako si Benjamin Bautista, at ito ang naging buhay ko.
BINABASA MO ANG
TIME (boyxboy)
Teen Fiction"I am the God's exemption to the rule that nobody's perfect cause I am... but I never said I am happy" "Environmentalist pa naman ako kaya ayoko ng plastik" "Naging hobby mo na bang manakit ng ibang tao?" Every action that we do is a reflection of t...