Tama na.

26 0 0
                                    

Normal lang din naman akong tao. Maluho. Pero minsan naman nahihiya rin ako sa nanay at tatay ko. Hopeless Romantic pero kontento naman ako sa buhay ko. Masaya ako kahit pamilya at mga kaibigan ko lang ang meron ako sa buhay ko.

Minsan kasi kung sino pa yung minahal mo ng totoo yun pala yung magbabalewala sayo. Hindi naman na ako umaasa na makukuha ko pa sya ulit kasi alam kong masaya na sya kasama yung taong mahal nya. Pero kasi ewan ko, gusto ko pa syang mahalin. Namimiss ko na sya. Yung yakap nya sakin, yung smile nya sakin na nakakapagpakilig hanggat pwet ko, yung sweet words nya, yung pake nya at yung care nyaaaa! wala na lahat eh. WALA NAAA! Sana pwede pang ibalik ang lahat sa dati. "Sana ako pa rin, ako nalang, ako nalang ulit" -Bea A. lakas naman maka actress nito.

Noon wala pa akong paki sa kanya.. tapos ngayon eto ako ang baliw na baliw makita lang ulit sya. Niligawan nya ako sa loob ng isang taon at pumayag na akong maging kami. kasi nga diba "Relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw" Hinahatid nya pa ako sa bahay nun since same school naman kami, sabay kaming lalabas at uuwi. Madalas ililibre ako nun ng french fries sa mcdo tapos isasaw saw namin sa ice cream/sundae. Tapos feeling ko sa kanya lang umiikot ang mundo. sa kanya lang naka sentro ang atensyon ko. sya lang ang gusto ko. ayoko sa iba.
kaso dumating yung time na sabi ng kaklase ko may iba daw sya, may katext daw na babae madalas. kaya nawalan na ako ng tiwala sa kanya at yun ang dahilan ng break up namin. Sabi ko ayoko muna. first boyfriend ko kasi sya non at feeling ko sobra akong niloko ng minahal ko. Pero sa huli, hindi naman pala totoo na may iba sya. Nagkataon lang na nung araw na nakikita sya ng kaklase ko eh katext nya yung ate nya na nasa probinsya dahil iyon ang nagpapaaral sa kanya.

Pero tama na to. tama, tama na. wala naman akong mapapala kapag hindi pa ako mag momove on. ako lang ang apektado. buhay ko lang ang apektado!

Choey Choco.Where stories live. Discover now