Movie marathon all day long. Wala akong magawa pagkagising ko. ayoko naman umalis. As usual tinatamad ako. Oh well, nanuod nalang ako ng "Pitch Perfect" at ng "My Name is Love(Thai Movie)". At s panunuod ko ay may mga natutunan ako. "Dapat pahalagahan mo ang taong may care sayo, wag mo syang itaboy, ipahiya. Pag nag sawa na yan, Wala na talaga yang paki sa yo." "Kailangan lagi ng unity sa isang grupo. Hindi mo maachieve ang success kung masyado kang selfish. Pwede ka namang humingi ng opinyon sa mga kasama mo." "Love? Madalas unexpexted. yung taong ayaw mo noon pwedeng yun yung taong kabaliwan mo ngayon." "Kapag nagmahal ka na at mahiyain ka dati, lalakas ang loob mo para sa taong mahal mo." Ilan lang to sa mga natutunan ko. at infairness lahat ng napanood ko may happy ending.
Maaga umuwi sila mommy at daddy from office. And nangyayari lang to once a month so sinusulit ko na tuwing naeexperience ko to. Kumakain kami sabay sabay at nakikipagharutan kay daddy. Sana lagi nalang ganito. Sana hindi na nila kailangan magtrabaho para lagi ko nalang silang kasama. Kaso pano kami mabubuhay kung dito lang sila sa bahay? Basta just accept the consequence nalang.
Inaya ako ni daddy manood ng Mr. Bean. HAHAHA pambata pero ito talaga ang paborito namin ni daddy. tawang tawa kasi sya sa kabaliwan ni Mr.Bean. Magkatabi kami sa sofa tapos nakahiga ako sa lap nya. Hanggat sa hindi ko namalayan at nakatulog na ako. Ginising nya ako para pumanik sa room ko.
"Goodnight baby Girl"
"Goodnight Daddy"Tapos sinarado nya na yung pinto ng room ko. Hays daddy. Zzzz..
YOU ARE READING
Choey Choco.
RomanceMasarap ang chocolate. Masarap ding mainlove. Pero parang kape, Minsan mapait pero magtimpla ka nalang ulit baka mahuli mo na ang tamang lasa. Walang masamang sumubok ng sumubok kung makakabuti naman ito sayo. Check out my story and give me a star :...