09

16 5 6
                                    

"He... tried to touch my— i'm sorry, i cant; hindi ko kayang sabihin"

Looking at Syesa's condition makes my system feel shit. That ex boyfriend of her try to harass her and some of the bullies are not doing anything than taking a video?

Niyakap ni Louie si Syesa habang nakahawak ako sa kamay nya. Kumukuha naman ng tubig si Aliana at inihatid naman ni Xzaey palabas si Dr. Monte Veno Yverde. Isa sya sa pinaka magaling na Psychiatrist dito sa Pilipinas kaya buti na lang ay sya ang Psych ni Syesa.

Nakaupo lang sa sofa si Kean nang bigla syang lumapit at inabutan kami ng tissue. Pagkapasok ni Xzaey ay malalim ang pag hinga nya. Tinapik ni Aliana ang likod nya dahil alam naming nagagalit sya sa nangyari.

Syesa will be discharged tomorrow at si Desa na lang ang maghahatid sa kanya pabalik ng univ. Tita thanked us and told that if there's something we need, we can call her. This week is draining because tomorrow is our recit. Walang pumapasok sa utak ko dahil sobrang dami kong iniisip.

Lumalala na rin ang stalker ko dahil nagpapadala na sya ng mga weird na bagay. Pinakita ko iyon kay Keja noong nakaraan at sinabi nyang delikado na daw. Nakakagulat dahil sinabi nya pa iyon kala Ivo! Palagi tuloy akong bantay nung dalawa.

"You sure you don't want me to walk you in?" saad ni Kean at umiling ako. Nandoon naman si Kuya Hako at halatang pagod na rin sya. Binabayaran ko nga ang gas nya dahil nakakahiya na pero binalik nya lang iyon sa akin at sinabing hindi naman daw sya uber.

As the day passes, my fear is getting worse. My friends— Syesa and the group— doesn't know about this. Only Ivo, Damiel, Kuya Hako, Elyse, Ate Cory, Miko and Kean knows what im suffering right now. It feels shit I really swear. Kahit binabati ako ng mga kaibigan ko dati kapag nakikita ko sila ay may takot sa mukha ko, kahit pag tawag lang sa pangalan ko ay nanlalamig ako. This thing really affects my whole system.

After recit ay lumabas na kami sa department namin. Ivo is in my left side while Damiel is on the right. Napabuntong hininga ako nang tignan nanaman ako nila Avery. They always look at me like im a flirt.

"Paanong hindi mapapasama sa Dean's Lister e malakas ang kapit sa mga matatalino"

"Siguro may kapalit, nakita ko yan hinahatid pa sa apartment nya e"

"Hala true ba! E nakita ko rin yan kasama nung archi student"

Napasigaw sila nang biglang may bumagsak na kamatis sa harapan nila.

"Oh, i'm sorry! Extra kasi yan sa lab ng boyfie ko kanina e! Meron pa ako rito na bagoong, you girls want this ba?"

Pagkasabi noon ni Elyse ay isa isang umalis ang mga kasama ni Avery. May kamatis tuloy sa daan, sana hindi kami mapagalitan. Napatingin kami kay Elyse at ngumiti lang sya, nasa gilid nya ang boyfriend nya na ngumiti rin sa amin.

"Thank you, Elyse" saad ko at hinawakan nya ang kamay ko.

"Don't mind them. Mga inggitera sila" sabi nya at napairap pa. "And you, guys!!" dinuro nya pa sila Ivo. "Ipag tanggol nyo si Isabel!!"

"Magsasalita na sana kami kaso may tumilapon na kamatis. Uy Lawrence, pasensya ka na sa gf mo, kailangan pa ata yung kamatis sa lab nyo" natatawang sagot ni Ivo at tinapik ang bf ni Elyse sa balikat.

"Ayos lang yon, pre. Una na kami, ingat kayo ha"

We parted our ways and as usual, ihahatid ako ng dalawang ito.

For me, it's tiring. Pero wala akong naririnig na reklamo mula sa kanilang dalawa. Napangiti na lang ako dahil swerte pa rin pala ako. Na meron pa rin palang tutulong sa akin kahit malayo ang iba kong kaibigan.

Doc, Help meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon