13

32 4 18
                                    

TW: Accident, Physical Abuse

Imbis na pumunta sa office ni Atty, ay sumama ako kay Xzaey na papunta na ngayon sa airport. Nagchat pala si Aliana sa GC namin pero hindi ko agad nabasa kanina, kasalanan ni Kean ito. Nagsend na lang ako ng message kay Attorney na bukas na lang ako dadaan sa office nya at okay lang naman daw.

Sa motor na lang kami ni Xzaey sumakay para mabilis maka singit sa traffic. Nasa NAIA na sila Yesha, Louie at Syesa, ganon din si Ivo at Damiel. Kami na lang talaga ni Xzaey ang kulang.

Habang nagd-drive si Xzaey ay napansin kong nalinga linga sya sa paligid at sinabi na higpitan ko raw ang helmet ko, kaya ginawa ko naman iyon.

Kinakabahan ako pero wala akong magawa. Siguro ay ayos lang naman ang lahat.

"Sa kabila tayo dadaan" saad nya at lumiko ng daan. Shortcut ata ito dahil maluwag ang kalsada at kakaunti ang lang mga nadaang sasakyan.

Bago pa man kami makalampas sa may gate 1 ay may narinig na akong putok ng baril kaya naman binilisan ni Xzaey ang pagpapatakbo. Halos lumutang na ang buong pagkatao ko nang makarinig ako ng pangalawang alingawngaw ng baril.

"Gago" saad ni Xzaey bago biglaang mapahinto dahil may tatlong lalaki na sa harapan namin. Mga naka itim ang mga ito at may hawak na baril na ngayon ay nakatutok sa amin.

"Akala ko ba isa lang? Eh bakit dalawa to?" inis na saad nung isang lalaki.

"E sino dyan?"

"Tawagan mo si Maam"

Lumayo ang isang lalaki na mukhang may tinatawagan nga, habang ang dalawang lalaki ay nasa harapan pa rin namin at nakatutok ang mga baril sa ulo namin. Napansin kong may kinuha si Xzaey sa bag kaya naman naalarma ang dalawang lalaki na nasa harapan namin at tinutok sa kanya ang mga baril.

"Wag kang gagalaw!" sigaw nung isa.

"Bakit?" gago talaga ang babaeng ito?!

"Papatayin namin kayo!!"

"E bakit iniinform nyo pa kami? Edi ibaril nyo na agad. Kairita, daming satsat" saad nya bago nagtype sa cellphone nya.

Nakita kong nanlaki ang mata nung dalawang lalaki at idinikit na ang baril sa noo ni Xzaey, samantalang ang kaibigan ko naman ay walang reaksyon na nakatitig lang sa kanila.

"Ano ba?"

"Ibaba mo nga sabi yan?!"

"Kilala mo ba ako?" saad nya naka agaw din sa atensyon nung isang lalaki na may kausap sa telepono.

"Tauhan kayo ni Venice diba? Tsaka ni Veronica? Hindi pa ba kayo nadadala? Nakita nyo ba kung paano ko nailagay sa kulungan yung isang mayor na corrupt at smuggler—" ngunit bago pa man makapag patuloy sa pagsasalita si Xzaey ay sinipa na sya nung lalaking may kausap sa cellphone, dahilan para matumba sya sa sahig.

Na estatwa lang ako sa pwesto ko nang makita ang mga sumunod na pangyayari. Pinagsisipa nila si Xzaey na tila gusto na nilang bugbugin. Hindi ako makagalaw dahil nakatutok sa ulo ko ang isang baril.

Gusto kong maiyak dahil napagtanto kong si Tita Venice nanaman ang may kagagawan nito, hanggang kailan ba sya maglalaro? Kung pera lang naman ang kailangan nya ay isusupalpal ko talaga iyon sa mukha nya.

"Gago prosecutor yan! Itong doctor ang pinapapatay sa atin!" saad nung lalaking nasa tabi ko. Pinababa nya ako sa motor at sinipa iyon pagilid. Nakita kong nainis si Xzaey dahil kaka full payment nya lang doon last month. Palinga linga naman ang lalaking nasa tabi ko at napansin kong nanginginig ang kamay nya kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon na sipain sya sa tyan. Nakaalis na rin si Xzaey mula sa pagkakakaupo dahil nahampas nya ng trashcan sa ulo iyong dalawa.

Doc, Help meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon