17

4 3 0
                                    

["Nabalitaan mo na ung nangyari?"] Bungad saakin ni Hana ng sagutin ko ang tawag nito.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama, kakatapos lang din naming pagusapan nila Jerden ang nanyari.

Tumango ako at dumapa. "Kahit sino magugulat sa nangyari, nabalitaan ko rin kay Professor Delgado na may mental health problem na siya after ng rape incident."

["Nakakahinayang, grabe naman kasi ung nangyari. May ebidensya pero not guilty parin."]

Humugot naman ako ng malalim na hininga. "I saw them." Tukoy ko kay Gov. Zamora at dun sa judge, bigla ko kasing naalala ung nakita ko sa parking lot.

["Who?"] Hindi ko man ito nakikita pero alam kong nakakunot ang noo nito.

Nag-aalangan pa akong sabihin sa kanya. "Never mind, hindi mo naman kilala ang tinutukoy ko."

Mukhang hindi ito naniwala dahil hindi agad siya nagsalita. ["Nakausap mo na ba si Kent?"]

Ako naman ngayon ang napakunot noo. "Hindi pa, kayo ang sabay umuwi e."

["Oo nga, pero pagkatapos naming kumain umuwi na rin siya agad."] Paliwanag nito.

"Sinubukan mo na bang tawagan?" Tanong ko.

["I did, pero out of coverage siya."] Nag-aalalang sagot nito.

Natigilan ako ng maalala ang naging kilos nito sa loob ng korte. Mukha siyang problemado.

"Baka bukas tumawag un, wag ka masyadong mag-alala, sige na matutulog na ako ikaw rin." Paalam ko, nagpaalam na rin ito.

Humalumbaba naman ako dahil sa dami ng tumatakbo sa isip. Una, ung naging resulta ng trial, tapos ung suicide case nung biktima, at ngayon si Kent.

Napataklob na lang ako ng unan at pinilit makatulog.

Kinaumagahan, naisip nila Jerden na mamasyal dahil linggo naman.

"Maglalaba ka?" Tanong ni Jerden ng mapansing bitbit ko ang laundry basket.

"Bedsheet lang at punda." Sagot ko bago ito nilagpasan at pumasok sa labahan namin.

"Buti pala hapon pa ang alis natin." Ani Jerden habang nakahilig sa hamba ng pinto at kumakagat sa hawak na mansanas.

"Hmm..." Sagot ko habang inaayos ang bedsheet at punda sa loob ng washing machine.

"Habang umiikot yan kumain ka na." Suhestiyon nito bago ako iniwan.

Nagtulong-tulong naman kaming tatlo na nilinis ang buong condo at mga kwarto hanggang sa sumapit ang alas-otsyo ng gabi.

"Ganda sis." Puri ni Arrah kay Jerden ng makalabas ito ng kwarto. She's wearing a backless silk dress na kulay rose gold, bumagay un sa maputi niyang balat.

"Ikulot mo din ako Ke." Utos nito ng makitang nagkukulot ako.

Inirapan ko siya saka pinaupo. "Makikipag-chukchakan ka nanaman." Pabiro kong sabi.

"Bakit ba, palibhasa virgin ka pa." Ganti nito na ikinatawa ni Arrah.

"Makatawa Arrah, bakit? Di ka na ba virgin." Si Arrah naman ang napagkatuwaan nito.

"Mabait kasi ako." Mapang-asar itong ngumiti.

Napailing na lang ako ng sunod-sunod na kahalayan na ang lumabas sa bibig ni Jerden, mukha siyang inosente pero kabaliktaran kapag-nagsalita na ito.

"Hindi tayo uuwi ng hindi lasing." Diterminadong sabi ni Jerden. Hindi pa man kami nakakaalis ng parking lot pero parang lasing na ito.

Case of Love: (Squad Goals Series: #2)Where stories live. Discover now