Trigger Warning: Death, Sexual Assault, Self- harm
Kulay.
Lahat ng bagay sa mundo ay mayroong kulay. Kulay na nagbibigay buhay sa bawat indak ng mga puno, sa daloy ng ilog, sa sayaw ng mga ulap, at sa ngiti na binibigay ng buwan at araw.
Kay gandang pagmasdan na angkop ang lahat ng kulay sa mundo, na tila ba napakagandang obra maestra ang bawat nilikha. Na tila bang pinag-isipang mabuti kung paano ito ibagay sa bawat isa.
Napakagaling Niya, napakamalikhain, Dakila kumbaga.
Dahil sa tamang pagkakaangkop nito sa bawat isa, pati bawat kulay na ito'y binigyan narin natin ng kahulugan at halaga.
Kulay puti kagaya sa ulap na hinahalintulad sa kapurihan; kulay bughaw katulad ng atmospera't tubig sa karagatan para sa kapayapaan; kulay pula na gaya ng dugo para sa kagitingan at katapangan; kulay kahel at dilaw na makikita tuwing bukang-liwayway at takipsilim bilang pag-asa.
Hindi maitatangging lahat ng ito'y angkop at nababagay. Pero minsan, may mga kulay na kay gandang pagmasdan ngunit nagpapaalala ng kasawian at kalungkutan.
Sabagay, hindi naman tayo namuhay sa mundong ito upang maranasan at makita lamang ang mga magaganda at matitingkad na kulay. May mga pagkakataong kailangan din nating maglakbay at maranasan ang mga madidilim na Kanyang nilikha.
Muli kong tiningala ang aking mga mata sa mga ulap na naglalakbay sa langit. Hindi ito kagaya ng kahapong maputi at matingkad, makulimlim ito ngayon at may kadiliman sa ilang parte.
Kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata dulot ng sakit at pagsisisi ay tumulo rin ang mumunting butil ng ulan sa aking mukha na tila bang sinasabayan ang aking nararamdaman.
Pilit kong winawaksi na wala akong kasalanan. Pilit kong pinapaasa ang sarili kong aksidente ito at may rason ang lahat kung bakit ito nangyari. Ngunit pagkatapos ng ilang araw nang ako'y magising ay unti-unti kong sinisisi ang sarili ko. Kung bakit pa ako nagpa-uto sa lalaking hindi ko naman kilala nang lubusan. Ni hindi ko man lang naramdaman na mayroon na pala siyang gagawing masama sa akin. Ni hindi man lang ako nagdalawang-isip na kunin ang kanyang inalok at ininom ito.
Bobo.
Estupida.
"I hope you'll dream about this every night"she said at iniwan ako sa aking pagkakahibik.
Hindi ko siya masisisi.
It was my fault for giving my one hundred percent trust to a total stranger. And if dreaming about this every night would make me less sinful, please do so.
"Dad," I said between my sobs.
Nakapakasakit isiping hindi ko na muli siya makikitang nakangiti, galit, at malungkot; na hindi ko na muling maririnig ang kanyang tawa, at boses; na hindi ko na muli siya mayayakap nang mahigpit.
I felt a tap of a hand on my shoulder and he began to hug me. Hinawakan ko ang kanyang mga brasong nakapulupot sa akin.
"H-hindi ko sinasadya Law, h-hindi ko sinasadya" mariin kong pinikit ang aking mga mata dahil sa walang tigil na pagtulo ng aking mga luha. Sumasakit ang dibdib ko habang paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan ang kanilang binalita nang ako'y magising.
"W-wala na si Dad, Van. H-he died" Dwayne said with trembling lips while holding back his tears.
"A-anong nangyari Dwayne? H-ha ha ha nagjo-joke ka ba? S-sinundo niya ako! Naaalala ko! Kaya't anong sinasabi mo diyan?" Pilit kong tawa sa nakabibigla niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Chasing Hues
RomanceWrapped in the darkness of her emotions, Coleen Savannah Camprell met a man who made her feel light after months of grieving and blaming herself because of the tragedy that cost the life of her father. Her twin despise her so much because of it, she...