Chapter twenty one

368 6 0
                                    

" Claire ikaw na muna bahala kay Flint,
babalik din ako agad." paalam ko sa kanya
Napagdesisyonan ko humingi ng tulong
kay Thea at tama si Claire kailangan ko
kapalan na mukha ko para sa anak ko,
buhay na anak ko ang nakataya dito.
Kapalan ng mukha ang kailangan ko
gawin hindi dapat pride pairalin ko.

"Okay Ate, ako na bahala kay Flint
tatawagan kita agad kapag nagising na
siya." wika niya.

"Sige, basta tawagan mo ako baka
magising na siya." saad ko bago tuluyang
umalis.

Buti na lang naitago ko calling card ni
Thea.

Nang hindi ko na makontak si Yana
binenta ko na cellphone ko dahil kulang
pera ko noong nabuburol si Lola hindi ko
naman puwede gastusin naipon ko para
kay Flint noong nabuburol si Lola pero
ngayon nagastos ko na dahil sa kalagayan
ni Flint, buti na lang may pinaglumaan si
Claire na cell phone at nagpalit na rin ako
numero sa kadahilan na rin na para hindi
na ako magkaroon ng komunikasyon kila
Thea at lalu na kay Zuriel pero ngayon
heto ako papunta kay Thea para humingi
ng tulong. Sila lang talaga puwede ko
matakbuhanngayon.

Ilang sandali pa nakarating na rin ako at
hindi naman ako nahirapan pa makapasok
at makiusap sa guard ng subdivision dahil
tumawag muna ang guard sa bahay nila
Thea.

Sila Thea Lhes lisang subdivision lang sila
kung saan nakatira ang pamilya nila.

Nang makarating ako sa tapat nq bahay
nila Thea agad naman may sumalubong
sa akin katulong ni Thea at giniya ako
papasok sa loob ng bahay..

Pagpasok ko palang nakaabang na si
Thea.

Sinadya ko wala si Maru kasi nahihiya
ako, pero para sa anak ko gagawin ko
lahat..

Pagpasok ko palang agad na tumayo si
Thea at sinalubong ako na mahigpit na
yakap.

"My ghadddd Jewel sobra nag-aalala
kami sa'yo, tinatawagan ka namin pero
hindi ka namin makontak at pumunta
Kami sa lugar niyo pero wala na daw
kayo." saad ni Thea nang mahiwalay kami
sa pagkakayakap. Alam ko pumunta sila
sa lugar kung saan kami nakatira pero
mas pinili ko huwag magpakita.

Tanging sila Thea ang pumunta wala si
Zuriel...

"I'm sorry." tanging sabi ko sa kanya.

"Si Zuriel tawag ng tawag sa amin
nakikibalita sa amin tungkol sa inyo wala
araw na hindi tumatawag sa amin at
gusto naman niya umuwi kaso hindi
puwede kailangan siya nila Tita kasi
inoperahan si William."

"Kumusta si Kuya William?" tanong na
binalewala sinabi niya tungkol kay Zuriel.

"Until now hindi pa rin nagigising simula
ng maoperahan pero okey na siya natural
lang naman daw 'yun na hindi agad
magising, pero mamayang gabi nandito na
si Zuriel, pinayagan na siya umuwi nila
Tita kailangan na siya ng kompanya nila
at para mahanap na rin kayo."

"Hmmmm.... Thea nakikiusap sana ako na
huwag mo sabihin kay Zuriel na pumunta
ako dito, huwag muna nayon may mga
bagay na kailangan ko pagtuunan ng
pansin." saad ko ayaw ko na siya makita
pero sa puso ko gustong gusto ko
makasama lalu na sa panahon ngayon na
kailangan ko makakausap pero ayaw ko
kaawaan niya ako dahil sa kalagayan ko
ngayon, dahil lang sa awa.

"Pero Jewel kailangan malaman naman ni
Zuriel alam ko nasaktan ka niya dahil sa
mga nalaman mo, pero alam ko
naramdaman mo na mahal ka niya, di
ba? hindi naman sa kinakampihan si
Zuriel dahil kaibigan ko siya pero
kailangan niyo mag-usap kung wala na
talaga pag-asa mayos relasyon niyo at
least nakapag-usap kayo, hindi kita
pinipilit pero sana Jewel pakinggan mo
siya."

One night to forget Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon