|A SECOND CHANCE|
Namangha ako ng tuluyan akong makapasok sa loob ng kwarto nang nasabing Amo.Sa bukana pa lamang ng pinto ay sumalubong na kaagad sa aking paningin ang nagkukumpulang makakapal na libro. Halos malula ako sa dami niyon. Hindi ko alam kong kwarto pa bang matatawag ang silid na ito, mas mukha kasing principal's office.
Ang karamihan sa mga libro ay maayos na naka arrange sa tatlong naglalakihang book shelves, ang iba naman ay kumpol-kumpol na na'ka patung lamang sa lamisa.
Marahil ito ang ibig sabihin ni ma'am na siguraduhing walang maiiwang bakas ng kalat O' kaunting dumi man lang.
Napakunot ang noo ko ng ilibot ang tingin sa paligid. Ano pang lilinisin ko dito 'eh subrang linis na nga?
Pakamot-kamot sa ulong sinimulan ko nang walisin ang loob ng kwarto, kahit pa nga'y wala naman akong nawawalis ni katiting na dumi.
Ipinag patuloy ko iyon, disididong matapos na sa ginagawa, at ng makapag pahinga na.
Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng bigla na lamang kumalampag pa bukas ang pinto.
Mula doon ay pumasok ang isang malaki at matangkad na lalaki. Brusko ang pangangatawan. Napasinghap ako, ng klarong masilayan ang kanyang hitsura.
Halos mangilabot ako sa tulis ng tinging ibinibigay niya sa'kin.
“Get out!” sigaw nito ngunit hindi ako nakagalaw dahil sa labis na kaba at pagka bigla.
Mas tumalim ang mga mata nito na diriktang naka tingin sa akin.
Humakbang ito pa-palapit sa kinaruruonan ko. Kaya naman don na 'ko natauhan at wala sa sariling napaatras ng tuluyan itong makalapit.
Kumunot ang noo nito sa ginawa kong iyon. Isa pang hakbang niya palapit ay muli akong humakbang paatras.
Muli ay tumalim muli ang mga mata niya at sa pagkakataong ito ay tuluyan ng napitid ang katiting niyang pasensya.
Napasigaw na lamang ako sa pagka bigla, ng sa mabilis na paraan 'ay na haklit nito ang aking kanang braso at gigil na hinawakan iyon habang kinakaladkad ako palabas ng kanyang kwarto.
“I said, Get the fuck out of my room!” ani pa nito habang patuloy sa pagkaladkad sa akin.
Ramdam ko ang matinding galit niya habang mahigpit ang hawak sa braso ko. Ware'y gustong pisain.
Nanatili akong tahimik at kusang nagpakaladkad sa kanya, iniinda ang kirot na nagmumula sa mahigpit nitong pagkaka hawak.
Kasalanan ko rin naman, kong hindi sana ako nag-paka bangag ng palabasin niya ako ay hindi sana ako makakatikim ng galit nito ngayon.
Nang-makarating sa pintuan ay pabalang ako nitong binitawan sa may bukana, saka walang sabi-sabing malakas na isinara ang pinto.
Ilang minuto pa akong naka tanga don, prino-proseso ang mga nangyari kani-kanina lamang. Saka ko naisipang pumaba at magtungo sa servants cuartter, kong saan kaming mga tagapag silbi pansamantalang tumuloy.
Naabutan ko don ang kababayan kong si Ate Mirnah na kagaya ko ay isang Ofw din ang pinagkaiba lang ay hindi siya taga probinsya.
Ngumiti siya ng makita ako. Nginitian ko siya pabalik.
“Tapos ka na sa iniatas sayo?” malam-lam na tanong nito. Basi narin sa itinanong nito ay mukhang hindi naman nila narinig ang nangyaring gulo kanina.
Tumango ako. “Oo, te. Subrang nainip nga ako, dahil wala namang masyadong kalat.” sabi ko, na totoo naman, wala naman talaga akong masyadong nilinisan sa kwartong iyon.
“Hay.. mabuti ka pa, ako nga hindi pa tapos sa pinagawa sa'kin ni Ma'am,” ani nito na sinamahan pa ng mabigat na buntong-hininga.
Nag-usap pa kami sandali bago nito naisipang maglaalam dahil may trabaho pa itong gagawin.
Nang tuluyan itong makaalis ay mabigat akong napahinga ng malalim.
Itinas ko ang dulong manggas ng long sleeve na suot. Kitang-kita ko ang bakat na pamumula ng aking kanang braso kung saan mahigpit na hinawakan ni Sir Aidan.
♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜
BINABASA MO ANG
A Second Chance
RomanceLove, isn't all about happiness. Sometimes love can lead us into sadness, pain and misery. Andra Maria Cabañero have proven that when she give her love and own freedom to Aidan Matvey Volkov, her husband. Who made her life miserable for the past ye...