Chapter 5

2 0 0
                                    



VIOLET'S POV


"Ready ka na ba Violet?" Tanong sakin ng bestfriend ko habang nasa library kami. Nakatambaay kami ngayon dito habang walang klase. Nalalapit na kasi ang aming pagtatapos kaya naman abala ang mga guro sa paga-asikaso ng mga kailangan. Ako ang valedictorian sa taong ito kaya naman naghahanda ako ng aking speech.


"Oo naman, always ready." Proud kong tugon at hinaawakan pa ang dibdib.


"Masaya ako para sayo gurl! Maganda talaga ang naging impluwensiya ko sayo. Haist deserve ko ng credits" Mayabang na ulat nito kaya naman binatukan ko siya. Napalakas pa ang pag-aray kaya naman may mga tumingin sa aming ibang estudyante.


"Hay naku, ewan ko sayo. Tara na lang sa canteen at gutom lang yan." Aya ko sa kaniya bago pa kung ano ang masabi nitong babaeng ito.


Habang patungo kami sa canteen ay hinaarang kami ng grupo ni Marco. Napairap agad ako sa ere nang matanaw ang nakakakilabot nitong ngisi mula sa malayo.


"Audrey my baby." Bati nito. Urgh bakit kelangang second name ko pa? Nakakainis pakinggan lalo na at galing pa sa bibig ng mokong na to.


"Ano na namang kelangan mo Marco? Busy ako" Lalagpas na sana ako ng bigla siyang may hinarang na bulaklak na halatang pinitas lang sa may labas dahil maraming ganoong bulaklak sa may labas.


"Flowers for you, my love" Agad naman nagtilian ang mga kasamahan niya.


"Sorry pero allergy ako sa bulaklak" I lied. Ayoko lang talaga sa kaniya dahil kilala siyang playboy sa school kaya bakit ko siya pag-aaksayahan ng panahon? Tsaka hindi ko siya type. Mataas ang standards ko sa lalaki noh. Bilang isang babaeng walang kinilalang ama ay gusto ko sa isang lalaki yung kaya akong panindigan.


"Talagang dika titigilan ng Ben na yon haist sarap tirisin" Umakto pa itong may tinitiris habang nanggigigil.


"Buti na lang kamo at ga-graduate na tayo, hindi ko na siya makikita"


Napag-usapan na din namin ni Kelly na sa iisang Unibersidad kami papasok. Natanggap kami bilang Scholars sa nag-iisang Harvin University, isang sikat na university sa buong Pilipinas. Sa Manila ito kaya kailangan naming lumuwas. Masaya din ako dahil magkakasama kami ni Kelly sa iisang bahay! May bahay sila sa Manila at wala namang nakatira dito kaya doon na lang kami tutal ay malapit din naman ito sa school namin.


"Maiba ako" Agad nag-iba ang mukha nito at napalitan ng kilig. Baliw. "Balita ko ay may espesyal na panauhin daw sa graduation natin ah!"


"Talaga? Sino naman yan? Artista ba yan?"


"Oo narinig ko kanina sa office ng student council! At si Red daw yun. OMG!" Parang inasinan na bulate na si Kelly sa sobrang likot.


"Red? Aba kauri ko pala" Natawa kami parehas ng mapagtantong parehas kami na kulay ang pangalan.


"Oo nga noh! At parehas pa kayong magaling kumanta! Baka naman destiny na yan ha" Panunukso nito sa akin."Anyways, kakadebut lang niya nung isang araw at masasabi kong sobrang gwapo niya kaya naman magto-top agad siya sa votings ng best in rookie award. Ay shala nakalimutan ko palang bumoto!" Agad naman niyang kinuha ang phone niya at nagpipindot doon. Kinuha din niya yung akin para daw mas maraming boto.


Siya pala yun. Siya yung nakita kong nagtrending sa tiktok kahapon pa. Lagi ko nang nakikita yung mukha niya sa pag-scroll ko sa lahat ng socmed ko. Gwapo nga ito at kasing edad ko lang. Noong una kong narinig ang kanta niya ay paarang hinila ako papunta sa musika, kahit na alam kong imposible itong mangyari pero parang nabuhay sa akin ang mangarap na makapagtanghal din sa harap ng maraming tao katulad niya. Parang may kung ano sa kanta niya na nagsasabing dapat ko ding tahakin ang musika.


Ngunit paano? Kung pilit akong nilalayo sa bagay na ito. Paano ko tatahakin ang daang pilit binabakuran ng aking ina?




Dapit Hapon (Dream Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon