Chapter 1

10 0 0
                                    



"Huy Violet ano na uwian na humaharok ka pa diyan"


Masyado pa lang napasarap ang tulog ko kaya hindi ko na namalayang uwian na pala. Wala naman kasi kaming klase at pinagsagot lang ng math problem ng teacher namin dahil may meeting daw. Mabilis lang akong nakatapos kaya naman naisipan kong umidlip na lang muna.


"Ano? Nagpuyat ka na naman kaka-stream sa paborito mong singer noh" Sabi ni Kelly, kaibigan ko. Alam na alam na niya dahil lagi ko nang gawain yon.


Hindi ko kasi pwedeng iparinig sa mama ko na nahihilig ako sa pakikinig ng musika dahil paniguradong magagalit na naman yon kaya palihim akong nakikinig sa gabi kapag tulog na siya. Music gives me calm whenever I needed to rest. It's like an escape to the world full of chaos.


Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw ng mama ko na nakakarinig ng musika. Hindi ko siya maintindihan dahil nagbibigay naman ito ng kasiyahan katulad ng binibigay nito sa akin. Ever since she never let me be attached to music. But for me, music is part of me. Ayaw ni mama dahil malilinlang lang daw ako nito balang araw. I don't have a choice but to obey her. Pero minsan ay hindi ko talaga mapigilan eh.


Ever since my classmate in 6th grade introduce me to music, I never take off my ears to every songs I am hearing. It feels like....a medicine.


"Syempre no choice tayo eh. Sobrang dami na kasing kailangang aralin kasi malapit na ang ating finals" sagot ko sa bestfriend ko.


"Oh siya alam ko namang gusto mo nang marinig to. Ano tara?"


Napangiti ako bigla sa sinabi niya bago nilabas ang phone ko para magtext kay mama.


To: Mama

Ma, malelate po pala ako ng uwi. Gagawa lang po kaming reviewer ni Kelly para sa exam. Labyuuu.

From: Mama

Oh sige anak, mag-iingat ka ha. Pagluluto na lang kita ng dinner.labyu too


Tinago ko na ang cellphone ko at nagpatangay na kay Kelly papuntang Karaoke House. Ito ang madalas naming ginagawa dahil parehas naming hilig ang musika.


Una ko agad tinype ay ang kanta ni Kitchie Nadal na 'Bulong'. Isa ito sa pinakapaborito kong kanta.


"Ikaw ba'y nalulungkot? Nababalot ba ng puot? Maraming hinanakit sa mundo?" Pagsisimula ko.


Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang musika at dumaloy ito sa aking sistema. Musika na talaga ako buhay ko, pero sa hindi ko malamang dahilan ay pinagkakait ito sa akin ng nanay ko. Ako na lang tsaka si mama ang magkasama dahil iniwan na kami ng tatay ko hindi pa ako pinapanganak. Ang sabi ng nanay ko ay hindi pa daw handa ang tatay ko noon nung nagka-anak sila kaya naman umalis siya at pumunta sa New York. Hindi ko na din siya hinahanap dahil malinaw naman na sakin na ayaw niya akong maging anak. Hindi na din naman siya kinukwento ng nanay ko kaya hindi na din ako naging interesado sa kanya. 


"Girl tara na baka mapagalitan na ko ni mama" Aya ko kay Kelly dahil mag-a-ala-sais na ng gabi.


Dumaan lang kami saglit sa bayan para bumili ng empanada. Paborito kasi namin ni mama yon kaya uuwian ko siya para hindi ako pagalitan. 


Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si mama na nakaupo sa sala habang nakahawak sa sintido niya. Agad akong lumapit sa kanya para magmano pero iniwas lang niya ang kamay niya kaya nagtaka ako.


"Saan ka galing?" Mariing tanong niya.


"Kina Kelly ma, diba nagtext po ako sa inyo na mag-aaral kami" Kinakabahan akong nagpaliwanag.


"Kina Kelly? Hindi ko alam na sa Karaoke House na pala ang bahay nila ngayon?" Tinignan niya ako ng masama na para bang gumawa ako ng krimen.


"Ma-"


"Ano Violet? Anong palusot na naman ba?! Ilang beses ko na bang sasabihin sayo na tigil tigilan mo na yang pagpunta mo don!" Galit na si mama dahil sinuway ko na naman siya. Pero hindi ko maintindhan kung anong masama sa ginagawa ko. Hindi ba siya natutuwa na may talent yung anak niya?


"Ma minsan lang naman po iyon tsaka wala naman po akong nakikitang masama sa ginagawa ko" Pinipigilan ko ang luha kong pumatak dahil baka mas lalo lang magalit si mama.


"Anak naman. Wala ngang magandang maidudulot sayo yang musika na yan! Sinasayang mo lang oras mo dyan." 


"Hindi ko po kayo maintindihan ma" Tumulo na ang luha ko kaya nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko bago sinubsob ang mukha sa unan ko at doon na ako umiyak.


Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi niya ako magawang hayaan sa gusto ko. Dito ako masaya hindi ba niya nakikita yon? 


Kinuha ko lang ang headset ko bago sinalpak ito sa tenga ko at nakinig ng kanta hanggang sa makatulog ako.




Dapit Hapon (Dream Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon