"Ina ang ganda ng kapangyarihan ko, kahit ano kaya Kong gawin" tuwang tuwang wika ko habang pinapagalaw ang bato sa harapan ko.
"Mabuti 'yan anak, pero tandaan mo na ang kapangyarihan mo ay may limitasyon at hindi ginagamit sa kasamaan" pangngaral niya.
"Haynako opooo" Sabi ko at tumalikod na at pinuntahan ang nang away saakin dati dahil hindi ko pa alam gamitin ang kapangyarihan ko.
"Kumusta Monica" pineke ko ang ngiti ko at tumabi sakanya.
"Oh starria anong kailangan mo?"
"Wala naman, gusto ko lang sabihin na kaya na kitang labanan" tumawa ako.
"Ano? Tayong mga diwata ay hindi nag aaway away"
"Ano naman? E sa gusto ko e" inangat ko Siya sa ere nang hindi hinahawakan.
"S-starria anak ibaba mo siya! Ano bang nangyayari sayo?!" Biglang dumating si ina at lumapit saakin.
"Kung ano man ang nagawa niya anak kausapin mo masama ang gumanti!"
"Parating na ang reyna!" Sigaw ng isa sa mga kaibigan ni monica.
Bago dumating ang reyna ay inangat ko pa siya ng mas mataas saka biglaang binaba dahilan para bumagsak Siya at tumama ang ulo niya sa bato.
"Oppss patawad, nag ensayo lang ako wahh ang saya!" Sigaw ko at pumalpak pa.
"Monica! Halika gamutin natin" tinulungan siya ni lyrine na itayo.
"Ang hina mo naman pala!" Pahabol ko pa.
"Starria! Anong ibig sabihin nito?" Dumating na ang reyna kaya nag bow kaming lahat para mag bigay galang.
"Ahm ensayo?" Naka halukipkip na sabi ko.
"Ensayo? Ganyan mo ba pinalaki ang anak moStella!? Tumingin siya Kay ina.
"Patawad po mahal na reyna sinabihan ko na po siya pero makulit talaga ang batang yan."
"Inilikha tayo ng panginoon nang kakaiba at itong kapangyarihan natin ay ginagamit dapat sa tama! Nakakahiya sa mga lahi nating mga diwata!" Galit na galit na sigaw niya.
Ngayon lang ako nakaramdam sobrang takot sakanya, ito na ang parusa ko!
Totoo namang practice lang e tsk..
"Dapat lamang na turuan ka ng tama at bibigyan kita ng misyon mo." Seryosong wika niya.
"Sino dito ang sumasang ayon?" Tanong ng reyna nag si taas naman sila nang kamay, tumingin ako Kay ina at nag taas din siya.
"At dahil sang-ayon ang mga diwata sa aking ibibigay na misyon sayo ay sasabihin ko na Kung ano nga ba ang iyong magiging misyon."
"A-ano p-po iyon?" Kinakabahang tanong ko.
"Idadala Kita sa mundo ng mga tao, sa makabagong henerasyon. Makikita mo ang mga tao kung gaano sila kalupit at meron ding mabubuti.
"Bibigyan din Kita ng talino katulad sa mga tao para makapag aral ka" tumango naman ako.
"Ano po ang misyon ko?"
"Ang iyong misyon ay babaguhin mo ang dalawang mag asawa sa maling gawain nila, sila ang iyong magiging magulang sa mundo ng tao."
"Wala kang kapangyarihan dito." Sabi niya nanlalaki naman ang mga mata ko.
"Po? At bakit?! Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko?"
"O sige, hindi ko tatanggalin pero wag na wag mo ito gagamitin sa kasamaan, bawat pag gamit mo ng kapangyarihan mo ay makakapagpahina sayo" seryosong sabi niya.
"Mawalang galang na po mahal na reyna, ano po ang kanyang parusa?" Inis akong lumingon kay ina bakit pa niya pinaalala yun!
"Pag-ibig" seryosong seryoso na ang mukha niya ngayon.
"Po? Yan na ang parusa hahaha Di naman ako iibig-" hindi kona na ituloy ang sasabihin ko dahil lumapit saakin ang reyna at hinawakan ako sa ulo napapikit ako.
At bigla na lang nag dilim.
Umiikot ikot din ako dahilan para makaramdam ako ng kakaiba.
para akong masusuka.
Bago pa ako mawalan nang malay ay may nakita na akong liwanag.
Hi mga stars imagination ko lang po ito and mahilig ako sa fantasy nakuha ko din yung iba sa nababasa or napapanood ko.
Sorry din sa mga wrong grammar and typo paki correct na lang salamat stars!
YOU ARE READING
Enchanted to meet you.
FantasyI am a contemptible and bad girl in our world. Kaya naman binigyan ako ng isang mission para baguhin ang aking sarili. ngunit sa mundo ng mga Tao ay may mas malala pa pala saakin. I met a man with the same personality as me, mababago ko Kaya Siya...