Prologue

6 0 0
                                    


Verena Serenity Galicia


"Love, gising na" Narinig ko boses lalaki na super lamin. Hindi ko pa madilat mata ko dahil sa kapuyatan nangyari kagabi. Nagbar kami dahil nakakuha kami ng co-engineer ko ng bagong project and celebrate rin dahil 1 year na kami ng boyfriend ko.


Pagkadilat ko nakita ko boyfriend ko nasa tabi ko si Callum Salazar. Moreno, Matangos ang ilong, Makapal ang kilay, and super gentleman. Mas matanda siya sakin ng 5 years. Civil engineer din siya katulad ko and madalang kami magkasama sa isang project dahil sabi niya hindi daw siya nakakapag focus pagkasama ako. Jokerist no. 


"Good morning love" sabi ko ng paos na boses. Ngumiti siya sakin at nilapit ang kanyang mukha sa noo ko ang hinalikan iyon. Mukhang nakabihis na siya at nakaligo narin. Ang bango niya sarap ikiss. Naka long sleeve siya na black at cream na slack. Maganda at malaki katawan niya kaya fit na fit sakanya yung long sleeve na suot niya. Sinasama niya nga ako mag gym pero syempre mas gusto ko matulog. 


"Get up na my love. You should remember that your new project will start today." gamit seryoso na boses. Tumango ako at nginitian siya. Tumayo na siya sa pagkakaupo sa aking kama at lumabas na rin ng aking kwarto. Bumangon na rin ako at kinuha ang aking tuwalya at dumersto ng CR.


Pagkatapos ko maligo ay pumili nako ng isusuot ko. Pinili ko nalang isang black na slack at isang white polo long sleeve. Habang pinapatuyo ko ang aking buhok gamit ang hair blower. Bigla naalala ko ang bagong site gagawan ng bago namin project ay sa Bulacan pala. No hindi pwede malaki naman ang bulacan so imposible makita ko siya roon. Ilan taon na nakaraan imposible doon parin siya nakatira kaya tama think positive wala na talaga siya roon. Tsaka malay mo may asawa at anak na siya. Okay Verena move on na okay? 


"Serenity bilisan mo" pasigaw na sabi ni Callum mula sa labas ng aking kwarto. Binilisan ko na ang pagpapatuyo ng aking buhok. Sinuklay at tumingin sa salamin na kasing laki ko at naglagay ng powder at liptint. Iyan okay na fresh nako tignan. Kinuha ko ang aking black prada re-nylon mini bag at nilagay ang aking cellphone at wallet. 


Nang lumabas nako ay nakita ko si Callum naka upo sa sofa at hawak ang kanyang cellphone parang nanonood ng tiktok videos. 


"Hoy pstt pogi tara na" sabi ko ng nakangiti. Tumingin siya sakin ng seryosong mata at inirapan ako. Tumayo at inilagay niya na ang kanyang cellphone sa bulsa niya. Grabe tong lalaki na to kung panget ko kanina ko pa iniwan pero pogi eh. 


"Ang tagal mo halos dalawang oras ka gumayak" sabi niya na parang may inis pa sa boses niya. Syempre dapat maligo mabuti no. Always take care your skin no. Mahirap na morena na nga ako dahil nabibilad ako dahil sa pag site ko araw araw. 


"Sorry na libre nalang kita breakfast ano?" nakangiting sabi ko at hinawakan braso niya. Ang tangkad niya nasa 6'1 ang height niya at ako 5'6.


"Fine, let's go. We are going to be late" seryosong boses niya. Lumabas na kami ng condo ko at nilock ko na iyon. Nang makasakay kami ng elevator may bigla tumunog ang aking cellphone. 


Nang makuha ko ang aking cellphone sa bag. Nakita ko pangalan ng co-engineer ko si Mateo. Bat naman kaya tumatawag ito ang aga aga. Wag mo sabihin may problema sa bagong project eh hindi pa naman nasisimulan iyon. Tinignan ako ni Callum at parang tinatanong ako sa mata kung sino daw iyon. 

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon