Oyyyy! Last na pala to? :D nakow~ sa mga nagbabasa nito, maraming salamat! sa mga lumabag ng rules at mga paalala ko, salamat! :D ang babait nyo grabe! :D joke lang!
oh sya! dahil matagal na kong hindi nakapag-update dito! eto na ok? :D
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Babe!"
Napatingin ka sa kung saan nanggagaling ang boses na yun.
=______=
Yan. Yan na naman si Himchan na laging nakasunod sayo.
Stalker kumbaga. tinalikuran mo nalang sya at nagsimulang maglakad ulit pauwi.
"Babe! te-teka!"
Mas binilisan mo pa ang paglalakad mo dahil ayaw mo syang kausapin.
Bakit? kasi naiirita ka sa kanya. At the same time, NAGSESELOS.
Oo. Nagseselos. Kahit kasi na "stalker" mo sya at sanay kang saiyo lang ang atensyon nya, di mo magawang magselos sa mga babae na nakakasama nya.
Hindi mo sya pag-aari. pero, di mo talaga maiwasang magkaganun. Siguro, sa ilang panahaon na din yang pangungulit saiyo, ay may namuo na ding pagmamahal jan sa puso mo.
"HOY!"
"Aray naman!"
Napahinto ka dahil sa pagpipigil nya sa balikat mo.
Tinabig mo ang kamay nya at hinarap sya. Nakahawak sya sa kanyangmga tuhod at pagod na pagod.
"Wag mo na nga kasi akong sundan! aissh!"
Tinalikuran mo na ulit sya at naglakad na ulit patungo sa bahay mo.
"BABE! teka lang! wait! Sabay na tayo! hoy!"
Dahil sa di mo maalis-alis sa isip mo ang pagseselos, di mo namalayang napaluha ka na pala.
Sumasakit ang puso mo sa tuwing iniisp mo yun. Kaya bigla kang tumakbo at pumasok na sa bahay nyo.
"oh anak! may sasa--oyyy!"
Di mo na pinakinggan pa ang sasabihin ng Mama mo dahil sa ayaw mong makita ka nyang nagkakaganyan.
Umakyat ka kaagad at pumasok na sa kwarto mo. Agad kang humiga sa kama mo at dun nilabas ang sama at sakit sa puso mo.
May kumatok sa pintuan mo. Di mo yun ininda dahil sa mas nangingibabaw ang pag-iiyak mo ngayon.
Narinig mong may nagbukas ng pintuan mo at dali-dali mong kinuha ang kumot mo at tinakluban ang iyong sarili.
"Anak~ Aalis muna ako. baka bukas na ako makauwi. Kaya dito ko muna papatulugin sa bahay si Himchan. tutal, boyfren mo naman yun diba?"
Nagulat ka sa mga sinasabi ng Mama mo kaya ikaw ay lumabas sa kumot na pinagtataguan mo.
"Ano po?! Ma! ilang beses ko po bang sasabihin na hindi ko sya boyfriend!"
Nagulat ka din ng makita mo si Himchan na masayang nakatingin sayo at biglang naging malungkot ang mukha nya.
"Nako anak! Sya lang ang mapagkakatiwalaan ko no! at wag ka ng tumanggi pa! boto naman ako sa kanya no! tsaka, gusto ko si Himchan para saiyo! Oh sya! iho! akoy aalis na! baka ma-late ako sa meeting. Kaw na bahala sa kanya ha! bye! have a nice night mga anak! yung prokteksyon, wag kalimutan ha! mahirap na! HAHAHAHA! babush bebe's!"
"MAMAAAAAAAAAA! arghhh!" nakakunot na ang noo at magkasalubong na kilay ang nakikita ni Himchan ngayon.
Wala ka ng nagawa pa kundi ay humiga ulit at tukluban ang sarili mo ng kumot.