Chapter 1

18 1 0
                                    

Lisa's Pov

Umagang kay ganda ko na naman, hays hirap talaga maging gwapo buti nalang kinaya ko HAHAHHAAHHA char

" Lisa gumising kana, bumaba kana dyan". sigaw ni mama, ayan na naman po sya galit na naman araw araw everyday

" Tanghaling tanghali na natutulog kapa rin?!". galit na bungad nya, napatingin naman ako sa oras

" Ma, 8:00 palang tanghali na?, grabe kana naman". dramatiko kong banggit

" Tanghali na kaya, tignan mo yung anak ni ano mas bata pa yun kaysa sayo pero naglalaba na". ito po yung sinasabi ko sa inyo lagi nalang 'buti pa anak ni ano' edi sana sya yung nilabas nya sa kepkep nya diba?

Hinayaan ko lang syang mangangawa sa salas at tumungo na ako sa kusina at nagkape, coffee is life guys kaya wag na wag nyong kakalimutan magkape okay?

" Lisa, gisingin muna kuya mo at nang makapag luto na". utos ni mama kaya agad akong umakyat at nagtungo sa kwarto nila

" Hoy pangit, gising na daw sabi ni mama". bulyaw ko pero di parin sya nakibo, paki remind nga ulit bakit ko to naging kapatid?

" Hoy, gising na daw abaa!". agad naman sgang nag unat at binigyan ako ng masamang tingin

' luh grabe napag utusan lang naman ako ah' saad ko sa isip ko.

" Bangon kana daw dyan, sabi ni mama ". huli kong sabi bago ako umalis

" Hello po, asan po si lisa? ". rinig kong tanong ng isang babae kay mama sa salas, at kahit nakapikit pa ako kilalang kilala ko na to

" Bakit? ". bungad ko sa kanya pagkababa ko

" May kapartner kana ba sa project natin? ". tanong ni jisoo, ang kaibigan ko bobonic pero mahal ko to bobo nga lang

" Anong project pinagsasabi mo? ".

" Yung project natin, ap na gagawin daw? ".

" Gaga, baka nakakalimutan mong pandemic ngayon? at walang pinapagawang project satin? ". sagot ko sa kanya

" Wala ba? sorry naman ". oh diba lutang talaga sya guys pexman

" Yung totoo bakit ka nandito, ganda ng umaga ko sinisira mo ".

" Nagkayayaan ang tropa, may bagong bukas na bar dito malapit lang sama kaba? ". pabulong nyang tanong

" Diko alam kay mama ". sagot ko naman, opo takot ako sa mama ko kase baka wala na akog umuwian kapag pumayag ako

" Pinagpaalam ba kita, pwede daw kaso kailangan kong ihatid ka ". nakangiti nyang sabi sakin

" Bakit mo pa akong tinanong payag pala naman si mama amp ". mataray kong saad

" Baka kase tinatamad kang sumama, tamad kapa naman ". napalaki ako ng mata sa sinabi nya, napakasakit naman nitong magsalita kaibigan ko talaga to

" Oo na sasama na ako, nakakahiya naman sayo ". anong nakakahiya eh, walang hiya naman to

" Mabuti naman, btw ipapakilala daw satin ni Dahyun yung nililigawan nya ". excited nya sambit

' Nililigawan? meron pala sya nun ' saad ko sa isip ko

" Eh? may nabudol pala sya HAHAHAHA ". natatawa kong saad, not to mention mabait naman sya kaso nga lang may pagka loko din sya

" Teh baka kapag nakita mo yung nililigawan nya, mapatunganga ka sobrang ganda ". saad nya, napakunoot naman ako ng noon dahil sa sinabi nya

" Tagala ba? ". ganun talaga kaganda sis?

" Oo maniwala ka sakin, btw alis na ako baka hanapin na ako ni mudra ". nagmamadali nyang sabi tsaka kumaripas ng takbo

Napatawa nalang ako sa paraan ng pagtakbo nya, agad akong pumunta sa kusina at nadatna kong nagluluto na si kuya. Well samin dalwa mas masarap syang magluto kahit course ko ay cookery di parin ako marunong magluto. Habang nagkakape ako naisip naman ako sa sinabi ni Jisoo, feel ko tuloy excited na akong makita tong nililigawan ni dahyun para husgahan dejok curious lang ako syempre kaibigan ko sya, i want the best for her.

" Ano Lalisa tutunga kana lang dika maglilinis ng bahay?! ". sigaw sakin ni mama, grabe sya pinaglihi ata sa sama ng loob

" Naito na po ". ngumiti nalang ako sabay kamot sa ulo






Jisoo's Pov

Tagal naman nung bruha iyong kanina pa kami nag aantay dito, the audacity pag antayin niya kami like hello? sa ganda kong to pag iintayin nya ako?

"Hi, late na ba ako? ". nakangiti nyang tanong, napalingon kaming lahat sa kanya, bat ang pogi nitong hayop naito?

Oo kung tatanungin nyo may gusto ako sa mukhang unggoy na ito pero sekretong malupit lang natin to ha? hatdog

Lumapit ako sa kanya at binigyan ko sya ng malakas na batok sa ulo, agad naman syang napahawak sa ulo nya

" Yah! bat mo ako pinalo ha?! ". inis na sabi nya habang hawak ang kanyang ulo at halatang namimilipit sa sakit, oa naman nito maka react binatukan ko lang naman sa ulo

' Ikaw ba naman, batukan mo ng malakas sa ulo ' ay oo nga no? bobo mo talaga self

" Tama na yan, pasok na tayo dito bago pa kayong magkasakitan ". awat ni Dahyun samin

" Dina ba natin aantayin yung bebe mo? ". pilyong kong tanong, nakita ko namang namula ang pisngi nya sa tanong ko. di naman halatang inlove sya guys ano?

" Wag na daw, susunod nalang daw sya mejo malalate kase sya ". sagot nya bago pumasok sa loob

" Tara na ". yaya ko sa unggoy na to

" Pre chiks oh, ang ganda ". turo nya, agad ko namang sinundan ng tingin. ay shet chiks nga mga bes ang gaganda pa

" Sinong gusto mo dyan? ". tanong ko sa kanya habang nakatingin parin dun sa mga chiks, i mean sinong hindi mapapalingon sa kanila e ang kikinis ng balat

" Ikaw yiiiiEEEEEE ". biro nya, namula naman ang pisngi ko sa sinabi nya

Opo alam kong corny banat nya pero shet masisisi nyo ba ako kung kikiligin ako? ganyan din naman kayo kapag bumanat crush nyo diba? sabihin nyo oo para may kakampi ako

" Landi mo talaga, pumasok na nga tayo sa loob ". hinatak ko sya bago pa sya makapag salita, oo kinikilig na ako hawak ko kamay nya

" Ehem, yung ngiti natin Jisoo parang nanalo sa lotto ah? ". asar ni Seulgi habang binigyan ako ng 'umamin-kana-kase' look, inirapan ko nalang sya sabay upo

" May sinasabi ba sya? , ang ingay kase dito ". reklamo ni Lisa, buti nalang bingi sya kundi inasar na ako nito kanina pa

Oo sinabi kong sekreto lang to pero knowing my friends nahahalata nilang gusto ko tong unggoy na katabi ko kaso ito si tanga manhid, maraming beses na din nila akong sinabihan na umamin na ako sa kanya kaso natatakot ako baka kase ireject nya ako tas diko kayanin.

Just give me a reason [ ONGOING] Where stories live. Discover now