"Mallari, Ivy. Magna Cum Laude."
A loud cheer filled the auditorium as I marched towards the center of the stage. Tons of people were clapping, my professors welcomed me with a smile on their faces and a lot of congratulations.
"Where is your guardian, Miss Mallari?" Napakurap ako sa tanong ng isang professor ko bago lumingon sa aking likuran.
And there, I saw him, walking as if he's walking on a runway.
Palihim akong napa-irap dahil sa ginawa niya na siyang naging dahilan ng pagbubulungan sa paligid. Nang makalapit siya sa akin ay saka niya ako malapad na nginitian.
"Congrats," bulong niya bago isinuot sa akin ang medal ko.
I gave him a half smile. "Salamat po sa pagpapalaki sa akin," biro ko.
He chuckled. "Sira."
Matapos niyon ay magkasunod kaming bumaba sa stage. Dumiretso ako kasama ang mga kaklase ko samantalang sa puwesto naman siya ng mga guardians umupo.
"He's a Fontanilla, right?" My classmate, Justine, asked.
"Yep," walang gana kong sagot at prenteng sumandal sa upuan ko.
"Girl, go get that gold!"
"Gold ka riyan. Wala kaming relasyon," mabilis na pagtanggi ko dahil sa sinabi niya.
Justine laughed and nudged my arms. "Ayos lang naman sa akin may sugar daddy ka. Fontanilla na 'yan, girl! Huwag mo nang pakawalan. Iwagayway mo ang bandera natin."
"Sugar daddy? What the heck?"
Hindi ko napigilang magtaas ng boses kaya't may ilang napatingin sa gawi namin. I just gave them a small smile as I turned my head towards Justine's direction once again. "Hindi ko siya sugar daddy," I added.
"Sus, huwag ka ng mahiya, girl. Tanggap kita kahit anong mangyari---"
"He's a friend." I cut her words off as I crossed my arms over my chest. "That's it."
"Friend lang? Walang benefits?"
"Ewan ko sa 'yo, Justine. Nasa graduation tayo, h'wag kang ganiyan," suway ko at inirapan siya
She chuckled. "Ano ka ba? Ito na nga ang huling beses na malaya akong makikipagbiruan sa 'yo. Pagkatapos nating grumaduate, bigatin ka na, 'teh!"
"Lakas ng amats mo," natatawang saad ko at inilingan na lamang siya.
"Single ba si Mr. Fontanilla? Kung ayaw mo sa kaniya, ako na lang ang magtataas ng bandera natin. Ipakilala mo na ako dali," udyok niya bago itinaas -baba ang kaniyang mga kilay.
"Off limits na 'yan, mare. May asawa na."
Her eyes widened and covered her mounth with her palm. "Totoo?!"
I nodded and gave a small smile on her. "At narito ako para bantayan siya at siguraduhin na hindi siya titingin sa iba maliban sa asawa niya. Cool off sila ngayon pero naniniwala akong makakabalikan sila kaya stop ka na sa pangangarap."
"Ang harsh mo naman, sis. Nagba-baka sakali lang naman."
"Nasa ten commandments ang bawal maki-apid kaya shut up ka nalang," I proudly said and winked at her. Inirapan naman niya ako kaya't mahina akong tumawa.
Muli ko namang ibinalik ang tingin ko sa stage nang magsalitang muli ang Dean ng school namin.
The ceremony was pretty boring. Ang totoo kasi niyan, wala naman talaga akong balak na um-attend ng graduation ceremony pero may loko-loko na namilit sa akin at ililibre raw ako kapag um-attend ako. Alam niya kasing kahinaan ko ang salitang libre kaya naman alam niya na madali akong bibigay.
BINABASA MO ANG
The Scandalous Woman
RomanceTRENDING: Inosenteng kolehiyala, magaling pala sa kama! Hindi akalain ni Ivy Mallari na tatraydurin pala siya ng dati niyang kasintahan. Normal lamang ang buhay ni Ivy noon pero nagbago ang lahat nang paggising niya ay pinagpipiyestahan na sa social...