*Cliiiing!! Cliiiiiing!!! Weew! Weew!!
"Oh! Sheet monday na naman" Nagising ako sa tunong ng aking alarm.
Kailangan ko pumasok ng maaga, kasi baka ma-late na naman ako sa work ko.
At for sure traffic na naman sa EDSA.
Maliligo na ako.
Magtutoothbrush.
Magbibihis.
After that.
Let's go na!
Well, di ako sanay mag breakfast. Pero energetic pa rin naman ako sa umaga.
Although yun ang mahalagang meal na dapat di iniignore.
Sanay na ako eh.
Kahit na?
How sweet, but don't worry about me, ok sa alright po ako! At energetic!
Ako nga pala si Michelle Dy.
22 years old.
I.T. graduate.
Single. Kaka break lang kasi namin ng ex-bf ko.
Currently working as a 3D artist. Saan ako nagwowork? Bakit? Dadalawin mo ako? Secret na yun.
Nagmamadali na akong lumabas ng bahay.
Nagtatakbo akong pumunta sa sakayan. "Tricycle!!!!!" Tinawag ko ang tricycle, oo tinatawag ang tricycle di yung driver.
Relax. Nagbibiro lang ako.
"San tayo te?" Tanong ng binatilyong driver.
Gaga to'! Nandito tayo sa kanto kuya!
"Sa palengke po kuya." Nakangiti kong sagot.
Maya-maya pa ay nasa palengke na ako. Naglakad ng konti. Ayan na!
Ayan na ang foot bridge! Aakyat ba ako dito? O tatawid ako sa intersection?
Yan isa sa araw araw kong suliranin. Ayaw ko sa foot bridge, mainit, tamad akong mag labas ng payong, pag sa intersection naman, good luck sakin, either mahuli ako ng traffic aid for jaywaking o masagasaan ako ng mga loko lokong driver.
Syempre, good girl ako. Kaya tumawid ako sa intersection. Tumakbo ako ng mabilis, kasi malapit na mag green light yung traffic lights.
Nag abang ako sa usual spot ko, Yung malapit sa poste ng Meralco, para di mainitan. "Ayun may nakahintong bus." Wika ko sa aking sarili.
Sa area namin ang tagal dumating ng bus. Kaya dito early bird ka dapat, pero di ako ganun, so pag late comer ka, patience is a virtue dapat ang moto mo, kung hindi, eh di mag taxi ka o magtiis kang mala mrt ang dating mo pag sakay ng bus, nakatayo katabi ng isang pasaherong may putok.
Reminder lang mga kuya at ate, maligo ng mabuti at magdeodorant, mapa-dove yan! master, rexona o milco mahalaga yan sa ating hygiene! At masarap katabi sa public transportation ang kapwa mo pasaherong kasing bango ng downing pinangbabad ng nanay mo sa damit mo.
Papalapit na ang bus, sumenyas ako na sasakay ako. Para buksan ng driver yun door.
Infairness, di siksikan.
Lumingon lingon ako.
Tinitignan ko kasi yun mga nakasakay.
Baka kasi may kakilala ako.
Wala.
Pero.
Uy... May cute na guy sa dulo.
Doon ako uupo.
Umusog sya para makaupo ako.
Medyo malayo ang work place ko. Kaya kinuha ko ang iTouch ko sa bag para maglaro.
Almost 1 hour din ang travel time ko.
Wala pa dun yun time na nakoconsume ng usual traffic sa EDSA.
Lumapit na ang kundoktor sakin para maningil ng pamasahe.
"Paramount po." Sabi ko.
Habang hawak ko yung 20 pesos na pangbayad ko.
"May piso ka miss?" Tanong ng kundoktor.
Kunwari naghahanap ng piso sa bulsa ng aking pants.
"Wala po eh."
Poker face.
Gusto ko kasi suklian ako ng coins para sakto lang pangbayad ko sa jeep mamaya.
Napansin kong tumitingin sakin si cute. Haba ng hair!!
Medyo nag blush ako.
Mich! Eschosera ka talaga!
Umarte akong di ko pinapansin ang panonood nya sa paglalaro ko ng Mobile Legends.
Hanggang sa North Edsa na pala ako.
Tumayo na ako.
Bababa na kasi ako.
Nakatingin pa rin sya sakin.
Sayang, di ko na sya ulit makikita.
==========
AN:
Comment, suggest and vote.
Thanks
BINABASA MO ANG
Bus Mates
RomanceSa dami-dami ng bus na pumapasada sa EDSA, napansin mo bang pag sumasakay ka ng bus may isang certain na tao kang nakakasabay?